HINDI NA ako pumasok sa klase pagkatapos ng nangyari kahapon, hindi ko alam ang gagawin kung makikita ko ulit sila Martha at ang mga kaibigan niya. Para bang nagbigay sila sa akin nang trauma.
Gusto sana ni Troy na ihatid ako sa bahay kahapon pero umayaw ako, nakakahiya na talaga kung magpapahatid pa ako sa kanya. Sa dami ng ginawa niyang tulong sa'kin parang ayoko ng dagdagan pa ang hiyang nararamdaman ko.
Nandito ako ngayon sa malawak na harden nitong SIS. Matagal ko ng alam na may ganitong klaseng lugar pero ngayon lang ako sumubok na pumunta rito, kung alam ko lang na ganito ka peaceful ang harden na 'to matic nang first day of school pa lang tumambay na ako.
“Ganda naman talaga dito,” -bulong ko sa kawalan.
Ang sarap nang hangin, parang nasa bukid lang, ang dami pang paro-parong nagsisiliparan na talaga namang bumagay. Feeling ko sinadya nilang lagyan ito nang ganito, pero sa pagkakaalam ko ang lifespan ng mga paro-paro ay tatlo lang.
“Talking to air is kinda odd.”
Napatayo ako sa gulat dahil sa boses na nanggaling sa likuran. Napapahiyang iniyuko ko ang ulo at kiming ngumiti.
“Pasensya na.”
Hindi ko siya kilala, pero basi sa damit na suot niya, halatang pang mayaman. Hindi kasi siya naka-uniporme. Kulay kahel ang kanyang mga mata na talaga namang bumagay sa itsura niya. Ang tangos pa ng ilong, ang makapal niyang kilay at yung buhok niyang kulay chocolate na bagsak ang bangs sa harap ay mas lalong nakadagdag sa ka-gwapohan niyang sobrang labis.
May hikaw din sa kanang tenga niya at sa bandang bibig. SKyler International School are blessed to have these such gorgeous/handsome faces.
“Do you know that I have my own law?” -sabi niya na nagpabalik sa'kin sa katinuan. “If anyone dare gaze at me without my authorization, I retain the right to pursue legal recourse against them.”
Huh?
“Staring at me is a crime. So yes, I'll indict you.” -he added.
Parang huminto naman sa pag function ang lahat nang dugo ko sa katawan pagkatapos marinig ang sinabi niya. May ganun bang klaseng krimen? Seryoso?
Napahawak ako sa manggas ng palda, kinakabahan ako sa ngiti niya. That grin is giving me a dangerous vibe. Kung iisipin, hindi dapat ako matakot pero dahil sa ngiti na ibinibigay nito sa akin, parang nababahag ang buntot ko.
“This area is restricted, why are you here?” -tanong niya gamit ang boses na tila walang ka buhay-buhay. “Hmm?”
“Restricted? Bawal pa rin ba kahit nandito ka? I mean, I didn't see any sign outside of this garden.”
“Does it matter?”
Napakagat ako sa bibig. “Ah... sige, aalis na lang ako, pasensya na.”
Hahakbang na sana ako palayo ng magsalita na naman siya. “Just kidding, ang seryoso mo naman. You can enjoy your stay here for a little while... Tyler's Property.”
Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. He turned his back on me dahilan para hindi ko na ma-tanong kung ano ang ibig niyang sabihin.
Pasalampak naman ulit akong umupo sa bermuda grass ng makaalis siya. Inisip ko ang sinabi niya kanina, hindi ko masyadong narinig yung huling sinabi nito dahil parang bulong lang 'yon sa hangin.
ILANG SEGUNDO lang ay tumunog na ang bell hudyat para sa susunod kong klase. Tumayo naman na ako at pinagpag ang palda sa likod saka umalis.
“Ace mamen! How 'ya doin?”
BINABASA MO ANG
TRACKER'S OBSESSION (Mafia Series 1) (Completed✓)
ActionJeremy Tyler Yamaç Montellion is an animal tracker in the MAFIA'S ORGANIZATION. He is indeed skilled when it comes to hacking, stalking, and tracking. Just a click of his hand, and every little dirty secret you hide will be revealed in the blink of...