CHAPTER 7

60.2K 1.3K 353
                                    

LINGGO NG gabi at nandito ulit ako sa Club Sin. Dalawa't kalahating araw simula nang magtrabaho ako rito bilang waitress. Hindi ko na rin nakita kahapon si Aisha na ikinataka ko, hindi ko alam kung may problema ba siya o dahil sinesante na, sana naman hindi dahil malulungkot talaga ako.

Napapansin ko rin ang pagiging matamlay ni Fred, and I don't know kung bakit. Maybe because he misses Aisha too, mukha kasing may gusto siya sa kaibigan namin.

Hindi ko na rin nakita si Darwin, si Heart naman na sabi ni Glenda ay himalang umabsent na ipinagpasalamat namin dahil nakakabwisit na yung pagmumukha niya.

“Alis na ako, ingat kayo.” -paalam ko kina Glenda, Fred, Naomi na bagong kakilala ko at Conrad. “Kita tayo bukas.”

“Bye, Olivia!”

“Ingat sa daan!”

“Kayo din, ingat!”

Naging malapit na rin ang loob ko sa kanila. Si Glenda, Fred at Naomi ay halos matanda sa akin ng pitong taon samantalang si Conrad ay bente anyos pa lamang. Noong una hindi ako naniniwala dahil wala sa itsura niya. Hindi naman siya matanda, akala ko kasi nasa bente singko anyos na siya, masyado kasing siyang matured sa edad niyang bente. Purong Pilipino si Conrad pero hindi mo ipagkakailang pinagpala sa kagwapuhan.

Napapansin ko rin noong una na hindi ako masyadong pinapansin nina Glenda. Medyo hindi ako komportable sa inaasta nila, but they already told me kung anong dahilan. Sabi nila natatakot silang lumapit sa'kin dahil baka raw masisante sila ni boss, thankfully Conrad made a way to make Glenda and Fred don't feel any pressure when I am with them. Ayoko kasing mag-iba yung pananaw nila sa'kin. Mabuti na lang din hindi na sila lumalayo. Kasalanan talaga 'to ni Darwin, akala tuloy nang ilan may relasyon kami.

Pagkauwi sa bahay ay sinilip ko muna si Tatay kung tulog pa ba, nagpapasalamat naman ako dahil mahimbing at payapa ang tulog niya. Nagui-guilty rin ako dahil naglilihim ako sa kanya, wala akong choice kaya hindi niya ako masisisi. Inaamin ko namang mali ako pero anong magagawa ko? Kailangan kong magsikap at makahanap ng trabaho para may pagkain kami sa araw-araw, walang ibang maaasahan kung hindi ako lang.

Minsan nagtataka ako dahil may mga pagkaing grocery na nakalatag sa mesa. Ang sabi ni Tatay binili niya raw. Hindi ko siya maintindihan dahil wala naman siyang trabahong pwedeng pagkakakitaan, ngunit, ipinagsawalang bahala ko na lang ito sapagkat wala ako sa posisyon upang magtanong.

Sabi pa nga ni Tatay, 'Tanggapin ang grasya sapagkat bigay ito nang panginoon.'

KINAUMAGAHAN, kahit kulang sa tulog dahil sa trabaho ay maaga akong nagising, nine sharp nagsisimula ang klase kaya kahit puyat bumangon ako nang alas sais. Si Tatay naman ay may pinupokpok sa aparador, mukhang sira na naman ata.

“Tatay, gatas po.” -alok ko sabay lapag ng isang tasang gatas sa mesa. “Sira na naman ba?” -tanong ko patukoy sa aparador.

“Kunting ayos lang 'to. Papasok ka ba ngayon?”

“Opo, Tay.”

“Maganda naman kung ganun.”

Ngumiti lang ako saka nagpatuloy sa pagplantsa nitong uniporme, inalis ko ang pagkakasaksak ng wire saka ulit pumunta sa kusina at inasikaso ang niluluto kong adobong kangkong.

Matapos lahat nang gawain ay kumain na rin ako kasama si Tatay, naligo na rin ako pagkatapos at nagbihis. Inayos ko naman ng kaunti ang buhok ko saka ang laman ng bag pack.

“Tatay?” -tawag ko sa kanya dahil wala siya sa kanyang kwarto. “Tay!”

“Andito ako sa labas, Yesha!”

TRACKER'S OBSESSION (Mafia Series 1) (Completed✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon