CHAPTER 37

45.4K 1K 165
                                    

GUSTO KONG sumigaw para humingi ng tulong kay Tatay pero natatakot ako dahil baka kung anong gawin nitong lalaki sa kanya. Nagkasya lang ako sa panginginig habang nakatingin sa mga mata nitong titig na titig sa'kin. I tried to look away pero humakbang sya papunta sa'kin at mabilis na hinawakan ang baba ko at pinaharap sa kanya.

Inilapit niya ang kanyang bibig sa bandang tenga ko at bumulong. “Want to come with me?”

Tinulak ko sya nang mabilis. “Are you insane?”

“Damn it,” -he chuckled. “Nakakatuliro ang bango mo.”

“A-Ano bang problema mo?” -tanong ko. “Anong ginagawa mo dito sa pamamahay namin? Paano mo nalamang dito ako nakatira? Sinusundan mo ba ako?”

“Nandito ba ang Tatay mo?”

Natakot ako sa sinabi niya. Makailang beses akong umiling at hinayaan ang luha kong lumandas sa pisngi ng tuloy-tuloy.

Nakita ko namang natigilan sya na syang ikinataka ko. Tila ba bigla syang nagsisi ng umiyak ako sa harapan niya. This wasn't the first time he has acted like this. Dun sa club, nung sinabi ko sa kanya na bitawan niya ako habang umiiyak, nakita ko ring natigilan sya. Nung time rin na nagpaputok si Tyler, umiyak din ako nun kaya hinayaan niya akong umalis. May something rin ba sa utak 'to?

Malalim syang napabuntong hininga. “Don't cry.”

“W-What?”

“Hindi kita sasaktan,” -tumitig ulit sya sa mga mata ko. “Hinding-hindi kita sasaktan.”

Sinubukan kong kumalma pero yung takot ko hindi parin ma-wala-wala. Ngayon ko lang kasi naisip. Sana pala talaga hindi ko pinakuha kay Tyler ang tracking device na nasa necklace ko.

I need him right now.

“G-Get out,” -pagpapaalis ko sa kanya kahit nanginginig. “P-Please? Get out.”

Tumingin sya sa mga mata ko ng matiim. Yung titig na parang miss na miss niya talaga ako pero ayaw niya lang lumapit sa'kin dahil natatakot syang itulak palayo. Ganyan rin tumitig sa'kin si Tyler, and he's seriously scaring me right now.

Umatras ako nang umatras hanggang sa dead end na ang kinalabasan ko. Lumapit sya sa'kin nang dahan-dahan at agad akong kinorner sa pamamagitan ng kanyang braso. Hindi ako umiwas ng tingin at nakipagtitigan. Kahit takot na takot ako sinubukan ko paring makabuo ng salita.

Iniharang ko ang palad sa dibdib niya para hindi sya dumikit sa'kin.

“A-Ano ba,” -napalunok ako nang sunod-sunod. “Ano ba talagang kailangan mo?”

Napaangat ang gilid ng labi niya. “Ikaw.”

“Ano?”

“Ikaw.” -ulit niya at ngumiti. “Kailangan kita.”

“Baliw ka ba?”

“Baliw?” -umakto syang nag-iisip. “I am. Well, you did this to me.”

“Ano bang pinagsasabi mo?”

“Five years ago? Still remember?”

Five years?

Anong sinasabi nitong lalaking 'to? Hindi ko sya kilala. At kahit kailan wala akong natatandaan na nakita ko sya.

“Ano ba. Sabi ng umalis ka, 'di ba?”

“Tell me,” -he stared at me again. “Do you still remember me, don't you?”

“Hindi kita kilala,” -sagot ko sa seryosong boses. “Five years ago? Wala akong natatandaan.”

Biglang dumilim ang mukha niya sa sinabi ko. Napatingin naman ako sa mga kamao niyang nakakuyom. Pinunasan ko ang luha ko ng magsimula na naman iyong lumuha. Sinubukan kong wag humikbi, ayokong magising si Tatay, ayokong atakihin sya, ayokong makita niyang nasa kapahamakan ako, hindi pwede.

TRACKER'S OBSESSION (Mafia Series 1) (Completed✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon