CHAPTER 26

48.5K 1.1K 134
                                    

HINDI KO alam kung saan na ako dinala nitong tarantadong lalaki na 'to. Minsan, huminhinto sya sa isang fast food chain saka umo-order na kung ano-anong pagkain, ayoko sanang kumain ng binili niya pero dahil gutom ako, syempre nagpadala ako sa lamon.

Hindi ko rin sya masyadong kinikibo kahit na panay ang daldal niya sa'kin. Minsan tinatanong niya ako kung bakit wala akong ginawa nung umakyat yung babae sa stage at inanunsyong ikakasal na sila ni Tyler. Gago talaga. Bukod sa hinarangan niya ako, anong panlaban ko dun? Eh fiancee na 'yon.

“Iuwi mo na ako,” -walang gana kong sabi habang nakatingin sa daan, inaantok narin. “Pwede ba?”

“Isang ikot nalang, uuwi na tayo. Ayaw mo bang magbeach?”

Napalingon ako dahil sa sinabi niya, gustong gusto kong makita ang dagat sa gabi kahit hindi ako marunong lumangoy. Nakakarelax kasi ang ambiance ng sea shore at kalangitan kapag madilim. Pero dahil kasama ko ang isang ito na hindi ko kilala, out muna.

“Ayoko.”

“May alam akong magandang resort dito na maganda,” -aniya ulit, “Syempre, bukod sa Montellion Palace may mas maganda ding tourist destination dito. Gusto mong puntahan natin?”

“Kung kasama kita? Wag nalang.”

“Ang lupit mo sa'kin ngayon 'ah. I'm trying to be nice here.”

Tumingin ako sa kanya ng mapansin ang pait sa boses nito. This guy can't blame me here, hindi ko sya pwedeng pagkatiwalaan.

Tumahimik ulit ako at tumingin nalang sa daan. Pinipigilan ko ang antok ko dahil baka saan pa ako dalhin ng isang to.

“Oh fúck.”

Rinig kong mura niya kaya napatingin ako sa kanya ng may bahid na pag-aalala. “B-Bakit?”

“How could I forget it? He's a fúcking tracker! Damn it!”

“Anong pinagsasabi mo?”

Hindi niya ako pinansin at panay lang ang tingin sa side mirror habang nakabukas ang bintana. Nangunot naman ang noo ko sa inaasta nito.

Dapat na ba akong kabahan sa mga mura niya?

Binilisan niya ang pagda-drive na syang ikinalunok ko ng sunod-sunod, titig na titig narin sya sa salamin na parang may tinitingnang na kung sinong tao. Tumingin din ako dun para makialam. And I was so nervous when I saw an expensive car following us. Sa sobrang bilis ng takbo nito para kaming mga suspect na may ginawang krimen.

Talaga bang hinahabol kami niyan?

“Sino yan?” -kinakabahang tanong ko. “M-Mamamatay tao ba yan?”

“Hold tight. Kailangan na'tin makalayo sa kanya.”

“B-Bakit?”

Inayos ko ng mabuti ang seatbelt ko at kumapit doon ng mabuti. Ang lakas ng tibok nitong puso ko, para ng sasabog sa sobrang kaba.

“H-Hoy! Dahan-dahan lang!” -sigaw ko ng muntik na kaming mabangga sa isang sasakyan na nasa gilid, panay kasi ang over take. “Pwede bang wag kang magpadalos-dalos?”

Hindi rin mawala sa bibig niya ang mura kaya naiinis na ako sa kanya. Hindi kami mamamatay sa taong humahabol samin kundi sa katarantaduhan niya! Kung sana hindi niya ako dinala dito edi wala akong problema ngayon!

Kainis!

“Tangina, sana kanina pa kita inuwi.”

“Mabuti't alam mo!” -singhal ko.

Napatingin naman sya sa'kin habang lukot ang mukha. “Can you please stop shouting? Seriously, woman, I'm nervous as fúck here tapos dadagdag ka pa.”

TRACKER'S OBSESSION (Mafia Series 1) (Completed✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon