KASALUKUYAN PARIN akong nakadungaw sa labas ng bintana. Hindi parin umaandar ang sinasakyan namin at mga 20 minutes pa raw ang hihintayin naming tatlo para makalipad.
Lihim akong napapahikbi sa twing sumasagi sa isip ko ang mga pinagdaanan namin ni Tyler. Mahal na mahal ko sya, sobrang mahal na mahal. Marami syang ginawa sa akin na ipinagpapasalamat ko, pero hindi ko alam kung bakit nagawa kong tumakbo at lumayo sa kanya ngayon kung gayon alam ko na mawawala ako sa tamang katinuan.
Nasaktan ako sa ginawa niya, hindi ako makapaniwala, hindi ko alam kung saan ako huhugot ng lakas kung gayon wasak na wasak ako.
“Olivia,” -tinabihan ako ni Xandra at mahinang tinapik ang balikat. “Iiyak mo lang yan. You need to let that out, nandito lang ako, okay?”
Napayakap ako sa kanya.
“X-Xandra.”
“Shh. Everything's gonna be okay.”
Nasa likuran namin si Tatay. Medyo malayo sya sa'kin at mukhang hindi naman niya ako napapansin na umiiyak. It's actually a good thing kasi ayokong marinig niya ako.
“H-Hindi ko kaya,” -nanginginig ang mga labi na sambit ko. “Hindi ko ata kaya, napakasakit, para akong nawawasak.”
He caressed my back.
“Oh, Olivia,” -bahagya niya akong niyakap pabalik. “How I wish I could have that pain para hindi ka na masaktan.”
Mapakla akong ngumiti. “I love him. I love him so much.” -parang batang iyak ko. “Binigay ko sa kanya lahat, wala akong tinira sa sarili ko. Alam kong may problema sya sa sarili niya pero hindi ko lang akalain na pati si Tatay magagawan niya nang ganun. Alam na alam niya kung gaano ko ka mahal ang Tatay tapos makikita ko lang 'yon?” -napabuga ako nang hangin. “Sinira niya ang tiwala ko. Isa syang napakalaking gago.”
Kumawala ako sa yakap, kahit patuloy sa pagraragasa ang mga luha sa'king mga mata nakukuha ko pa ring magsalita.
“Hindi ko alam kung makakaya ko. Ramdam kong mahal niya ako, pero bakit?”
“Everything has a reason,” -aniya. “Maybe... maybe he has reason.”
“Anong klaseng rason?” -sinalubong ko ang mga mata niya. “Anong rason para sagasaan niya si Tatay? Ano ang rason niya para gawin sa'min 'to?”
Napatitig sya sa'kin, na para bang hindi niya talaga alam kung anong sasabihin. “I should tell the pilot to fly this plane para makaalis na tayo.” -he weakly smiled at me. “How I hope that Tyler Montellion can't find us.”
Napatango na lang ako sa sinabi niya, sana nga.
“Eat this. Para hindi ka magutom.”
Humakbang sya palayo pagkatapos akong bigyan ng isang pagkain.
How should I thank this guy for helping me? How can I leave this country without him? How can I escape from Tyler without his connection? Talking about an angel that sent from above? Sya 'yon.
While I was looking at him talking to someone, bigla nalang akong nakaramdam ng pagkahilo at pagsusuka ng maamoy ko ang binigay niyang pagkain. It's a cheese tart.
“Xandra!”
Nakatatlong tawag pa ako bago sya dumating.
“Bakit?” -kinakabahang tanong niya nang makalapit. “Bakit ang putla mo? Ayos ka lang ba?”
“Nasusuka ako.”
“Ano?” -aligaga syang yumuko. “Tara bilis, samahan kita sa banyo.”
“Ayoko sa amoy ng banyo”
BINABASA MO ANG
TRACKER'S OBSESSION (Mafia Series 1) (Completed✓)
ActionJeremy Tyler Yamaç Montellion is an animal tracker in the MAFIA'S ORGANIZATION. He is indeed skilled when it comes to hacking, stalking, and tracking. Just a click of his hand, and every little dirty secret you hide will be revealed in the blink of...