LAMAN NG isip ko ang katagang binitawan sa'kin kahapon ni Troy. Sabi niya gusto niya ako, kung ganun, kailan pa? Hindi ko alam kung bakit ko iniisip ang sinabi niya kung gayon wala dapat akong pakialam. I actually left Tyler yesterday. Inaamin kong hindi maganda ang ginawa ko pero kailangan kong umalis dahil nagpakita kahapon ang fiancee niya. Nakakatawa talaga dahil kahit sinabi na niya sa'kin na hindi totoo ang sinasabi ng babaeng 'yon, heto ako, lumalayo.
Mabigat sa dibdib na malamang kahit umalis ako kahapon hindi man lang niya ako hinabol, napaisip ako na baka gusto niya ring makausap yung bruha. Nasasaktan ako dahil sa walang kwentang desisyon ko, tinatanong ko ang sarili kung bakit? Kung bakit ako nakakaramdam ng ganito, kung bakit kahit alam kung walang pakialam si Tyler nasasaktan parin ako, kung bakit hinayaan ko syang iwan mag-isa habang nakaluhod at nagmamakaawa, kung bakit mas pinili kong umalis kesa sa harapin sya.
At ngayon, nagsisisi ako dahil sa desisyon ko. Tama bang iniwan ko sya kahapon?
“Anak, may bisita ka.”
Napabangon ako sa hinihigaan dahil sa sinabi ni Tatay.
Tyler. Dahil sa isiping sya 'yon, ay agad akong tumakbo at mabilis na lumabas ng bahay.
“Ty—” -napatigil ako sa pagsambit ng pangalan nito ng makita kung sino ang panauhin. “A-Anong ginagawa mo dito?”
“Is this your house?” -maarteng tanong niya. “Oh, you call this house?”
“Kung mang-iinsulto ka lang naman sa bahay ko, pwes, pwede ka ng umalis.”
“I plan to leave after I say something, don't worry,” -she arched her brows as she looked at my house. “Your place, definitely not my type.”
Naikuyom ko ang kamao dahil sa sinabi niya. Mabuti nalang wala si Tatay sa harapan niya ngayon, dahil kung nandito, maiitak sya nang wala sa oras.
“Oh, well, sasabihin ko na ang reason ko kung bakit ako nandito.”
Ipinagkrus ko ang braso sa dibdib ko at tumingin sa kanya nang maayos. Whatever she says, I don't think it's a good idea.
“You already know that Tyler is my fiancé, so I came here to tell you, that you have stay away from him.” -walang prenong sabi niya. “Akin sya, fifteen years old pa lang ako noong na-engaged kaming dalawa, stop ruining our relationship together. I don't know kung ano ang nakita ni Tyler sa'yo but I think siguro yung pagiging poor mo ang nakakuha ng atensyon niya. My fiancé is kind, definitely. So kung whatever man ang pinapakita ni Tyler sa'yo now, don't make it a big deal.”
Pigil ko ang luha na tumingin sa kanya. Ewan, 'yon lang naman ang sinabi niya pero parang pinupunit ang dibdib ko sa sakit.
'Don't make it a big deal.' Too late. Hulog na hulog na ako, hindi ako gaanong kapalamura pero tangina. Ang sakit.
“So, what now?” -napabalik ako sa ulirat ng magsalita sya ulit. “Did I make myself linaw to you?”
Huminga ako nang makailang ulit.
“Ang mapapangasawa mo ang dapat mong pagsabihan niyan.”
Nakita ko ang pagdaan ng inis sa mukha niya. I grabbed that chance para magsalita ulit. “Sorry for bragging this but, si Tyler ang kusang lapit nang lapit sa'kin. I think you should talk to him first and not me.”
“How dare you para sabihin yan, you're nothing but a smut.”
Dahil sa sinabi niya, naalala ko yung salitang binitawan ni Tyler dun sa Palawan nung tinanong ko sya kung nagagandahan ba sya sa babaeng 'to.
Slowly, a smirked crept into my lips.
“Dejavu.”
Kumunot naman ang nuo niya. “What?”
BINABASA MO ANG
TRACKER'S OBSESSION (Mafia Series 1) (Completed✓)
ActionJeremy Tyler Yamaç Montellion is an animal tracker in the MAFIA'S ORGANIZATION. He is indeed skilled when it comes to hacking, stalking, and tracking. Just a click of his hand, and every little dirty secret you hide will be revealed in the blink of...