LATE NA akong nagising dahil nag trabaho ako sa club kagabi. Masyadong maraming costumers kaya kaliwat kanang pag-seserve ang ginawa ko. Masaya rin ako dahil pumasok na si Aisha, kaso lang mukhang bugnotin dahil kahit anong biro ni Fred at Glenda hindi sya tumatawa.
Si Conrad naman ayon, hindi lang ako ang binabantayan niya ngayon kundi pati si Aisha. Utos raw ni boss na ikinausok ng ilong nang kaibigan ko. Wala rin si boss Darwin sa Club na ipinagpapasalamat ni Aisha. I don't know what the business of those two is, and I'm not seriously planning to find out.
“Tatay?” -tawag ko kay Tatay ng makalabas ako nang kwarto.
“Oh, anak. Halika, kain na tayo.”
Napahinto ako saglit nang makita ang lalaking mahigit isang buwan ding hindi nagparamdam sa'kin.
One month, isang buwan ta's ngayon lang sya magpapakita? Aba, ang kapal naman ata nang pagmumukha niya. Wala na akong pakialam kung bakit ako naiinis, at wala rin akong panahon para alamin kung bakit.
“Hey,” -he smiled at me. “Let's eat.”
“Mamaya na kayo magkamustahan, lalamig na ang pagkain,” -singit ni Tatay. “Yesha, dito ka.”
Naglakad ako papunta sa tabi nito at umupo. Kaharap ko si Tyler na para namang aligaga sa pagkuha ng pinggan ko at nilagyan nang kanin saka steak.
Did he cook this steak or did he buy it?
“Alas dyes ka na nagising, pagod ka ba?” -tanong na naman ni Tatay sa'kin na ikinalunok ko. “Marami bang activities sa school mo?”
“O-Opo, Tay.”
“Pangalawang kain ko na 'to,” -aniya ulit. “Hindi na kita inabalang gisingin kanina dahil malalim ang tulog mo.”
“Opo”
“Masarap ba ang ulam natin?”
“Opo.”
Kumunot ang nuo niya, tila ba inaalam kung bakit 'yon lang ang sinasagot ko, kapagkuwan ay napabuntong hininga sya nang malalim.
“Si Jeremy bumili nito,” -tumingin siya kay Tyler na kanina pa nakatitig sa'kin. “Mabuti naman at bumisita ka ulit, ilang linggo na rin.”
Napatango-tango sya. “Yeah, actually, ngayon lang ako nabakante kasi may importante akong ginawa. I wanted to say sorry dahil hindi man lang ako nakapagpaalam nang maayos. I hope you're not mad about it.”
“Sori sori. Kumain ka na. Heto, magpakabusog ka.”
I am not comfortable. Si Tatay kasi sobrang daldal, akala mo naman nasa isang pageant, tanong nang tanong kumakain na nga yong tao. I was honestly surprised dahil ilang linggo ko ng hindi siya nakikita. Nakakapanibago pero dahil ayokong magmukhang chismosa, hindi na lang ako magtatanong.
MATAPOS ANG sampung minuto kakalantak ng pagkaing binili ni Tyler para samin ng ama ko ay natapos rin. Sinimulan ko ng ligpitin ang pinagkainan dahil ayokong manatili sa mesa na may nakatitig na isang makalaglag pangang lalaki.
“Anak, pakidalhan ako nang isang basong tubig sa kwarto, iinom lang ako nang gamot.”
“Opo, Tay.”
Dumeritso ako sa kusina at kumuha ng baso saka nilagyan ng tubig. Pumasok ako sa kwarto ni Tatay at binigay sa kanya 'yon. Paglabas ko, sakto namang tinapos ni Tyler ang pagliligpit kaya tumungo ako papuntang hugasan at sinimulang hugasan ang mga plato.
Ramdam ko ang pagsunod niya sa'kin na isinawalang bahala ko, hindi ko alam kung bakit ako naiinis na ngayon lang sya ulit nagpakita. Ayoko syang pansinin dahil feeling ko mas lalo lang ako maiinis. Nakakalito, 'diba?
BINABASA MO ANG
TRACKER'S OBSESSION (Mafia Series 1) (Completed✓)
ActionJeremy Tyler Yamaç Montellion is an animal tracker in the MAFIA'S ORGANIZATION. He is indeed skilled when it comes to hacking, stalking, and tracking. Just a click of his hand, and every little dirty secret you hide will be revealed in the blink of...