HINATID AKO ni Tyler noong araw na may nangyari sa'kin sa eskwelahan, dito na rin sya kumain sa bahay. Taka namang nagtanong si Tatay kung bakit hindi ako naka uniporme nun, mabuti nalang si Tyler ang sumagot. Alam kong mag-aalala si Tatay kapag nalaman niyang may nananakit sa'kin sa school.
Hindi parin naman ako makapaniwala na medyo malapit na sya sa'kin at kay Tatay. Bunos nga yung pagiging magalang niya sa magulang ko eh. He saved me, he took care of me. Troy saved me too, a lot of times, actually.
Bahagya kong pinilig ang ulo dahil sa pagsagi ng pangalan ni Troy sa bibig ko. It's been three days and I haven't seen him. How is he now? Is he okay?
Today is Friday at papasok ako. Dalawang araw na rin na hindi ko siya nakikita at nakakausap. May sinabi siya sa akin nang nagpaalam siyang aalis. Sabi niya may aasikasuhin lang siya na importante kaya medyo matatagalan bago ko siya makita ulit.
He seems upset and sad at the same time. He looks frustrated about something pero di ko na lang inabalang itanong kung bakit. Matagal niya akong pinakawalan sa pagkakayakap nung araw na 'yon. Kung hindi pa tumikhim si Tatay, hindi niya pa ako bibitawan. Syempre ganun pa rin ang nagiging reaksyon ko tuwing yayakapin niya ako. Hindi ko siya niyayakap pabalik dahil feeling ko hindi ko kayang gawin 'yon.
Naglalakad ako patungong hagdan ng may mahagip ang dalawang mga mata ko sa gilid. Unti-unti naman akong napatakip sa bibig nang makita ang dalawang studyante na naghahalikan. Dali-dali kong inihakbang ang paa paakyat, parang hindi ko ata kaya ang nakita ko, ano ba naman 'yon.
Naglalaplapan sila dito sa loob ng campus? Seryoso? Kulang na lang higupin nila ang isa't isa. Nasaan na yung hiya nila sa katawan? Ganito na ba talaga mga studyante ngayon sa SIS?
I pounded my chest, hindi ko alam kung bakit sumisikip ang dibdib ko sa nakita, alam ko namang hindi ko dapat maramdaman 'to pero hindi ko mapigilang di masaktan nang kunti. Inaamin kong crush ko si Troy, crush lang naman. Ang gaga ko talaga, ngayon ko pang inamin na crush ko sya nang dahil lang nakita ko syang may kahalikan.
Naglakad ako ulit papunta sa room. Pilit winawaksi ang nakita kanina, parang pinupunit ang dibdib ko at hindi ako makahinga. Why do I have to see him like that? I mean, bakit parang nag-iba sya? He never mention na may girlfriend sya dito sa loob nang campus. Anyway, ano bang pinagpuputok ng butsi ko? Eh ano naman ngayon kung may nobya sya? Anong pakialam ko?
Nang makarating sa classroom, unang bumungad sa'kin ang mga mata ng mga kaklase ko na ngayon ay nakatitig sa'kin, ngayon lang ulit ako pumasok pero yung mga titig nila hindi parin nagbabago, yung tipong para akong kriminal sa mga mata nito at kulang na lang saktan ulit ako.
Napabuga ako nang hangin ng mapansing wala sila Martha at ang ilang kasama niya. Ano kayang nangyari sa kanila?
Umupo ako sa pinakadulo. Hindi pa dumadating si Xandra at malapit nang mag nine. Aabsent kaya 'yon?
DUMATING ang lunch time at hindi parin pumasok si Xandra. Napagpasyahan ko nalang na lumabas ng room dahil sa mga tinginan na palaging pinupukol sa'kin nang mga kaklase ko, hindi na kasi ako kumportable.
Nasa pinto na ako nakatayo ng may humarang sa'kin, isang janitor dito sa SIS. Ngumiti naman ako sa kanya.
“Bakit po?” -tanong ko.
“Kilala mo ba si Olivia Verdenilli?”
“Ako po 'yon.”
Ngumiti sya pabalik. “Salamat naman at nakita kita. Iha, napag-utusan pala ako nang Dean na daanan ka dito at papuntahin ka sa opisina niya.”
Kinabahan naman ako, may nagawa ba akong mali? “Okay po,” -sagot ko na lang, “Salamat.”
Naglakad ako papunta sa opisina ni Dean, malakas na rin ang kabog nitong dibdib ko at feeling ko may mangyayaring hindi maganda ngayon.
BINABASA MO ANG
TRACKER'S OBSESSION (Mafia Series 1) (Completed✓)
ActionJeremy Tyler Yamaç Montellion is an animal tracker in the MAFIA'S ORGANIZATION. He is indeed skilled when it comes to hacking, stalking, and tracking. Just a click of his hand, and every little dirty secret you hide will be revealed in the blink of...