6. The Gala

333 27 5
                                        

The Gala


"Warren, pabasa nga ng note na iniwan sayo ni X." ang makulit na wika ni Camilla.

Talagang itinigil muna na niya ang ginagawa niyang pagsusulat tungkol sa fashion event. Sutil na napatingin sa kanya si Warren at saka ngumiti ng nakakaloko.

"Ilibre mo muna ako ng chocolate sin."

Bahagyang napasimangot si Camilla sa binata.

"Oo na, ililibre na kita. Gustav, isang slice nga ng chocolate sin para kay ginoong Warren." ang wika na lang niya.

Napatingin si Gustav kay Camilla at saka napangiti.

"Coming up!" ang wika pa nito.

Medyo nasorpresa naman si Warren kay Camilla, pinatulan talaga ang hirit niya?

"Naku, Camilla! Nagbibiro lang ako. Heto ang note." ang napangising wika ni Warren.

Kinuha kaagad ni Camilla ang gusot na papel na iniaabot ni Warren. Binalingan naman ni Warren si Gustav.

"Gustav, ako ang magbabayad ng chocolate sin saka o-order din ako ng hot chocolate, iyong hindi gaanong matamis pero lagyan mo ng kaunting chili peppers."

"Okay boss." ang simpleng sagot ni Gustav.

Napatingin namang maigi si Camilla sa hawak niyang note. Sulat-kamay mismo ni X ang nakalagay sa note.

"Ang ganda ng sulat-kamay. Parang printed. Sayang, hindi ko makitang maigi ang stroke, gusot na kasi itong papel." ang wika niya.

"Eh pasensiya na, basta ibinulsa ko na lang eh. Akin na nga lang iyan. Magiging clue ko iyan." ang wika ni Warren.

Kaagad na iniabot ni Camilla kay Warren ang note na kaagad nitong kinuha. Kasunod noon ay bumalik siya sa kanyang puwesto. Sa totoo lang ay napa-puzzle din siya sa iniwan nitong note kay Warren. Bakit kaya? Para hamunin ito o sadyang nang-iinis ang Vigilant Killer? Nawala ang iniisip niya nang maupo sa kanyang harapan si Warren dala ang slice ng chocolate sin.

"Ako na ang manlilibre, Camilla. Heto, sayo na 'tong chocolate sin. Siya nga pala, talaga bang enteresado kang magsulat tungkol sa Vigilant Killer na si X? Gusto mo bang magtulungan tayong dalawa sa kasong ito?"

Napakurap si Camilla at maang na napatingin kay Warren. Sa totoo lang ay medyo nagulat siya sa naging proposal nito tungkol sa kaso.

"Sigurado ka ba diyan? Bakit bigla mong gusto na makipagtulungan sa akin? Kanina lang ayaw mo eh." ang medyo napaismid niyang tanong.

Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Warren at saka pasimpleng napahawak sa kanyang batok.

"Mahirap man aminin pero kasi..."

"Kasi ano?" ang napahalukipkip pang tanong ni Camilla.

"Kasi kayong mga babae, mas malakas ang kutob kaysa sa aming mga lalaki. Bukod doon, mas mausisa kayo, mas mapaghinala at mabusisi kayo sa mga detalye. Sa tingin ko, malaki ang maitutulong mo sa akin sa paghahanap kay X."

Napakurap si Camilla at ilang sandaling napatulala habang nakatitig siya kay Warren. Kasunod noon ay unti-unting gumuhit ang matipid na ngiti sa kanyang labi.

"Aba, gusto ko iyan ah! Pero teka, busy pa ako eh. Sunod kasi na gagawan ko ng article ay doon sa nalalapit na Gala. Iyong charity event ng mga mayayaman. Magkakaroon din ng subastahan doon ng ilang rare artifacts at ang kikitain ng event, ido-donate sa mga charity."

Napapitik sa hangin si Warren.

"Alam mo, tamang-tama iyan! Magbabantay kami sa gala na iyan. Isipin mo Camilla, nasa gala na iyon ang mga sikat na celebrity, mga mayayamang tao, mga pulitiko... Ibig sabihin, isa sa mga panauhin ng event ang susunod na posibleng target ng Vigilant Killer na si X."

VIGILANT XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon