The Punishment
Napangiti si Camilla habang papunta siya sa headquarters nila Warren. Pagkatapos niyang samahan si Sabrina na magpaganda eh naisipan niyang daanan si Warren para magtanong kung may update na ito kay X. Gagawan niya kasi ng Crime story ang bawat pagpatay ni X at ipa-publish ang maisusulat niya sa isang crime magazine at siyempre... Magiging ghost writer siya dahil hindi naman biro ang mga isusulat niya tungkol kay X. May dala siyang isang kahon na donut para sa kaibigan bilang pasasalamat.
"Si Warren?" ang tanong niya nang makita ang isa sa mga katrabaho nito.
"Ma'm, kasama po ni Sir Gunther doon sa may lab."
"Ah sige, salamat! Pupuntahan ko na siya."
"Ma'm! Sandali!"
Pero hindi na narinig ni Camilla ang tawag ng katrabaho ni Warren dahil excited siya. At excited din siyang itanong dito kung kapansin-pansin ba ang kanyang make-over para naman magkaroon siya ng lakas ng loob na magpapansin kay Trieze bukas. Lalo siyang na-excite nang maalala niya si Trieze, ang bait nito kahapon at talagang nakipag-usap pa habang kumakain sila ng pananghalian. Sana naman, araw-araw na walang sumpong ng regla si Trieze! Lalong lumuwang ang ngiti sa kanyang labi, mabuti na lang at wala siyang nakakasalubong sa hallway dahil tiyak na pagkakamalan siyang baliw.
Nang makarating siya sa Laboratory ay kaagad niyang binuksan ang pinto para sorpresahin sina Warren at Gunther.
"Surprise!"
Ngunit si Camilla ang nasorpresa ng husto sa kanyang nakita! Prenteng nag-uusap sina Gunter at Warren habang nagkakape at nasa ibabaw ng operating table ang pugot na ulo ng isang lalaki. Nakaramdam ng panlalamig si Camilla lalo nang matitigan niyang maigi ang pugot na ulo. Hindi siya puwedeng magkamali, ito iyong bastos na lalaki kahapon! Doon na nagdilim ang paningin ni Camilla at mas nanlamig ang kanyang katawan.
"Camilla!" ang sigaw ni Warren.
Hinimatay si Camilla nang makita ang pugot na ulo sa ibabaw ng operating table. Mabuti na lang at nasalo ni Gunther ang dalaga dahil siya ang pinakamalapit.
"Ang mabuti pa p're, ilabas natin si Camilla dito. Akala ko pa naman matapang ang sikmura niya. Hindi pala niya kayang makakita ng ganito." ang wika ni Gunther.
"Hayss, mas maigi nga na ilabas natin siya dito. Dalhin natin siya sa may lobby para makalanghap ng sariwang hangin. Ayos lang ba siya?"
"Huwag kang mag-alala, hinimatay lang itong si Ganda." ang nakangiting wika ni Gunther sa kaibigan.
Samantala... Panay ang lakad ni Robert Villarin sa sala ng kanyang mansion habang nag-iisip ng malalim. Panay din ang buntung-hininga niya. Hanggang ngayon ay kinikilabutan siya sa natanggap niyang regalo mula sa Vigilant Killer.
Halos ayaw niyang magbigay ng salaysay kanina kay Officer Mondragon dahil tiyak na makakalkal ang mga kasong kinasasangkutan niya at sinabi niya na may nagrekomenda sa kanya sa hired-killer na si Hotshot pero hindi niya puwedeng pangalanan kung sino iyon dahil maging siya ay mananagot sa taong may hawak sa hired-killer.
"Sa palagay ko ay dapat na akong magtago sa hacienda. Mas madami akong tauhan doon, teritoryo ko ang lugar kaya hindi ako basta makakanti..." ang mahina nitong wika.
Kausap nito ang sarili. Ilang beses siyang huminga ng malalim at isang desisyon ang kanyang nabuo! Sa hacienda muna siya magtatago dahil sigurado siyang hindi na siya ligtas dito sa siyudad. Mistulang hunting ground ng Vigilant Killer itong siyudad ng Osiris ngunit iba naman na sa hacienda dahil teritoryo niya iyon! Magkamali si X na sundan siya, siguradong ito ang mamamatay!
BINABASA MO ANG
VIGILANT X
Action"Kung marami silang pera para bilihin ang hustisya... Puwes, madami naman akong bala!" A story of man who become a Vigilant Killer because of Injustice.