1. VIGILANT X

358 31 17
                                    


VIGILANT X


Natigil sa akmang pagtatanggal ng suot na damit si Trieze at saka siya pasimpleng napatingin sa may bintana. Kasunod noon ay kaagad niyang isinara ang kurtina ng kanyang silid. Matapos niyang isara ang kurtina ay saka na siya tuluyang naghubad at saka tumuloy sa banyo para maligo. Napailing na lamang siya dahil sa mamboboso nilang kapitbahay.

Napalayo naman sa kinatatayuan si Camilla at saka inihagis ang hawak na binacular sa kama. Kagaya ng dati ay bigo na naman siyang masilipan ang sinisinta niyang si Trieze Lovehart. Halos isang taon na simula nang lumipat siya sa lugar at naging kapitbahay ang guwapong lalaki ngunit sobra itong mailap. Kahit pa halos araw-araw na siyang tumatambay sa Chocolaterie nito, ni wala man lang hello o sulyap siyang nakukuha. Inimbestigahan na niya ito sa pamamagitan ng kasama nito sa bahay na si Gustav Falcon. At ayon sa lalaki ay hindi bading si Trieze, straight ito ngunit sadya lang talagang mailap sa ibang tao ang kaibigan nito. Nagtanong din siya kung may dinedate na itong babae o kaya girlfriend ngunit wala daw... Isang malalim na buntung-hininga ang kanyang pinakawalan.

Kung napakahirap i-approach ni Trieze ay kabaliktaran naman si Gustav. Palangiti ito at madaling kausap. Matangkad si Gustav, halos kasing tangkad ni Trieze at kasing built din ng katawan. Guwapo ito kahit na may mahaba itong peklat sa kanang bahagi ng mukha. Hindi iyon kabawasan sa appeal ng lalaki, bagkus ay nakadagdag pa nga ang peklat na iyon lalo pa at mistula lamang iyong linya. Madalas tuloy niyang maihalintulad si Gustav sa sikat na character ng Phantom of the opera na si Erik. At higit sa lahat, single din ito pero madami daw babae sa buhay.

Ganoon pa man, ang enteres niya ay na kay Trieze Lovehart. Bukod sa nagmamay-ari ito ng isang chocolaterie-ang Love's Chocolate Cafe ay wala na siyang ibang alam. Napaka-misteryoso ng pagkatao nito na lalong pumupukaw ng kanyang enteres. Ang magulo nitong buhok na hindi na yata sinusuklay, ang suot nitong salamin na pang-nerd pero hindi naman malabo ang mga mata... Ang medyo gusot nitong damit na suot tuwing pumapasok ito sa chocolaterie. Alam niyang hindi lang siya ang nagkaka-enteres sa kay Trieze, sa katunayan ay napakarami nila ngunit sadyang napakailap ng lalaki. Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Camilla. Sinubukan naman niyang ibaling sa iba ang nararamdaman niya, sa katunayan ay sinubukan din naman niyang makipagdate sa ibang lalaki ngunit iba talaga ang tama sa kanya ni Trieze!

Samantala... Napaangat ng tingin si Gustav matapos niyang makita ang nakasimangot na si Trieze na lumabas ng silid. Nakabihis na ito at nakaligo, siya naman ay nakapaghain na ng kanilang kakaining almusal. Nakaligo na rin siya at nakapagbihis.

"Ang sama na naman ng timplada mo. Sinilipan ka na naman ba ng maganda nating kapitbahay?" ang nakangiti niyang bungad.

"Oo at huling-huli ko sa akto. Buti nga, naalala ko na lagi akong sinisilipan tuwing umaga kaya isinara ko kaagad ang kurtina ng kuwarto ko."

Kumuha si Trieze ng tuna sandwich at saka siya kumain. Ginaya siya ni Gustav.

"Bakit di mo kaya pagbigyan para magtigil? Maghubad ka habang nakasilip siya, haha! Mabait naman iyon si Camilla. Kahit hindi mo nga pinapansin, tuloy pa rin ang pagsinta niyang purorot sayo." ang sutil pang wika ni Gustav.

"Tumigil ka, huwag mo akong igaya sayo na malandi. Isa pa, panggulo lang ang mga katulad niya." ang masungit na wika ni Trieze.

Kasunod noon ay binuksan na niya ang TV at tamang-tama lang dahil ibinalita ang pagkamatay ng isang sikat na tao. Pinahirapan ito bago tuluyang pinatay. Isang sikat na Judge ang pinatay. At marami itong hawak na kontrobersyal na kaso. Napakagat sa sandwich si Trieze at saka matamang napatitig sa larawan ng biktima.

VIGILANT XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon