8. Wrong Move!

292 28 4
                                    

                   Wrong Move!

"Magbabayad ako ng malaki, mapatay mo lang ang Vigilant Killer na si X! Putcha! Ako pa talaga ang napili niyang target!" ang gigil na gigil na wika ni Robert Villarin.

Kasunod noon ay napainom siya ng alak sa hawak niyang shoting glass na may malaking yelo. Kausap niya ngayon ang isa sa batikang hired killer na inirekomenda ng isa niyang kakilala. Ang sabi ay magaling daw ang isang ito na nagtatago sa alyas na Hotshot. Nagdagdag na din siya ng bodyguards para mas makasiguro siya sa kanyang kaligtasan.

Napahithit naman ng sigarilyo ang kausap niyang lalaki at matamang napatingin sa kahon na may lamang itim na tulip at isang note. Matapos nitong maibuga ang usok ng hinihithit na sigarilyo ay nagsalita ang lalaki.

"Sir, iba ang kaso ni X. Madami nang assassin ang napatay ng isang ito. Hindi siya basta-basta."

"Magkano ba ang gusto mong bayad para lang itumba ang salot na iyon?!" ang medyo napataas na boses na wika ni Robert.

"Isang milyon. At kailangan, kalahati ang paunang bayad. Kukunin ko ang kabuuan kapag nadala ko na sayo ang ulo ni X."

Napabuntung-hininga si Robert. Muli ay napainom siya ng alak at tuluyan na niyang inubos ang laman ng baso.

"Antayin mo ako dito, kukuha ako ng pera. Kung may gusto kang pagkain o inumin, magsabi ka lang sa mga katulong."

Matapos lumakad ay lumakad na siya paalis at nakasunod sa kanya ang anim na bodyguards. Ngunit nang pumasok siya sa kanyang silid ay mag-isa na lamang siya. Dumiretso siya sa kinaroroonan ng kanyang safe na natatakpan ng malaking painting. Itinabi niya ang painting at bumungad sa kanya ang kaha diero. Pinindot niya ang code at kaagad na nagbukas iyon. Kumuha siya ng kaukulang halaga ng pera at matapos iyon ay kaagad niyang isinara ang safety box. Ibinalik sa ayos ang painting at muling lumabas sa silid. Pinuntahan niya sa may sala ang hired killer na si Hotshot. Inilapag niya sa harap nito ang dala niyang bugkos ng pera.

"Kalahating milyon. Puwede mong bilangin kung may duda ka. At kagaya ng sinabi mo, makukuha mo ang kalahati ng bayad kapag naibigay mo na sa akin ang ulo ni X!"

Isang matipid na ngiti ang namutawi sa labi ng lalaki at napahawak sa bugkos ng perang nakalapag.

"Ngayon pa lang, huminga ka ng maluwag dahil matatapos na ang iyong problema. Dadalhin ko sayo ang ulo ni X."

Samantala... Napangiti ng matipid si Trieze habang nagtitimpla siya ng mainit na tsokolate na order ng ilan sa kanilang customer ngayong umaga. Nakikinig siya sa usapan nina Robert Villarin at sa binayaran nitong assassin. Sige lang, maglabas ito ng pera at mapraning. At tungkol naman sa assassin na may codename na Hotshot, bahala ito dahil walang lilitaw na X. Ganoon pa man ay kakalkalin niya mamaya ang files ng assassin na iyon. At saka muna niya pag-iisipan kung ano ang gagawin niya sa isang ito.

Nakasuot ng headset si Trieze kaya ang akala ng mga nakakakita dito ay nakikinig ito ng musika. Pareho niya si Gustav at pasimple na nagtitingan ang dalawa habang ginagawa ang kanilang trabaho. Hindi naman mahirap dahil may mga staff sila at crew na karaniwan ay mga working student. Ang kanila namang security guard at janitor ay mga ex-con na nakalaya na at nagbabagong buhay. Siyempre, hindi lang nila basta tinanggap ang mga ito sa trabaho kundi inimbestigahan din nila ng palihim ang dalawa kung talagang karapatdapat.

Madami silang customer ngayong umaga ngunit tila ba may kulang sa ambeance ng chocolaterie... Wala sina Warren at Camilla na una nilang nakikita tuwing umaga!

Samantala... Dala ang files na ipinadala ni Sabrina ay napagpasyahan ni Warren na komprontahin niya tungkol dito si Robert Villarin. Siyempre pa, isinama niya si Lander at ang ilan niyang tauhan. Papasok sila ng gate ay siya namang paglabas ng humaharurot na motor mula sa malawak na bakuran ng mansion. Ang sakay ng humahaharurot na motor ay walang iba kundi ang hired-killer na nagtatago sa pangalang Hotshot. Hindi nila nakita ang mukha nito dahil sa suot na helmet. Nakasuot din ito ng itim na jacket na may desenyong dragon sa likod. Nang dumating sila sa may harap ng mansion ay kaagad silang bumaba ng sasakyan matapos iyong maiparada sa gilid.

VIGILANT XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon