13. The Bloody Roulet

260 30 6
                                    


The Bloody Roulet


"Noong pinapanood mo kaming umiiyak sa araw ng libing mo, nakaramdam ka ba ng konsensiya?" ang seryosong tanong ni Gustav kay Colt o mas kilala na ngayon bilang si Trieze Lovehart.

Napahalukipkip si Colt at matamang napatingin sa kanyang kaibigan. Nakahiga ito sa hospital bed at katatapos lang ng therapy session nito para muling makalakad. Nagiging mabilis ang development ng kanyang kaibigan, hindi magtatagal ay muli na itong makakalakad nang normal kagaya ng dati. Isang buwan na ang lumipas nang palabasin nila ang pagpapakamatay nito. Uminom ito ng lason... Ngunit hindi naman iyon lason kundi isang uri ng gamot na nagpapahina ng husto ng tibok ng puso at nagpapawala ng malay. Hindi made-detect maski ng stethoscope ang tibok ng puso at pansamantalang lalamig ang katawan gawa ng sobrang paghina ng husto ng pulso ng puso... Kaya iisipin talaga ng mga tao at ng mga doktor na patay na ang uminom ng gamot na iyon.

Si Colt ang nagdala sa morgue kay Gustav nang makita itong namatay ng mga madre di-umano sa sarili nitong silid. At ang pagdadala nito sa morgue ay ang siyang paggawa na niya ng death certificate at ang pekeng pagke-cremate sa katawan ni Gustav. Oras lang naman ang epekto ng gamot dahil kaunting dose lang ang ibinigay niya para inumin ng kaibigan.

"Bakit? Nakokonsensiya ka ba nang makita mong umiiyak ang mga madre nang iabot ko ang urn na kinalalagyan ng peke mong abo? Huwag kang mag-alala, Gustav... Araw-araw at gabi-gabi ka nilang ipagdarasal para umakyat ang iyong kaluluwa sa langit."

Umakto pa na tila nagdarasal si Colt at saka natawa ng mahina. Nagsalubong naman ang mga kilay ni Gustav.

"Gago ka talaga, Saavedra!" ang hindi niya napigilang wika.

Nawala ang ngiti sa labi ni Colt at kasunod noon ay napangiti kasabay ng bahagyang pag-iling.

"Tigilan mo na ang pagtawag sa akin niyan dahil patay na ang dati kong katauhan. Kagaya mo. Mas masuwerte ka nga lang dahil hindi mo na kailangan pang magpalit ng pangalan. Burado na nga ang record mo dahil dati kang elite force agent eh galing ka pa sa ampunan. Madali na lang doktorin ang gagamitin mong katauhan, gamit ang iyong dating pangalan. Hindi na lang tayo magkaibigan ngayon kundi mag-business partners din kaya mas makabubuti na sanayin mo na ang sarili mo sa pagtawag sa akin sa pangalang Trieze."

Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Gustav habang nakatitig siya sa kanyang kaibigan. Ibang-iba na ito sa Colt Steven Saavedra na kilala nilang lahat.

"May update ka na ba kung sino ang nagbenta sa squad natin?" ang tanong niya.

Isang matipid na ngiti ang namutawi sa labi ni Trieze. Mula sa slingbag nito na may katamtamang laki ay inilabas nito ang isang brown na folder at walang imik na nilapitan si Gustav.

"Nasa folder na iyan ang sagot na hinahanap mo kaya bilisan mo na ang pagpapagaling. Dahil pagkatapos mong gumaling, sasanayin kitang maging isang hunter. Ha-huntingin natin ang mga taong nasa listahan na iyan."

Habang nagsasalita si Trieze ay binuksan ni Gustav ang folder at saka inilabas ang mga lamang papel noon kung saan naka-imprinta ang mga impormasyong kailangan niya. Nagtiim ang kanyang mga bagang at marahas na napabuntung-hininga.

General Jose Adriano

Colonel Hubert Tan

Lieutenant Paul Cordovez

Commander Lupe Gundal-ang commander ng grupong nang-ambush sa kanilang squad.

Omar Pasala-ang terorista na kanilang target

Commisioner Simeon Pontaz-commisioner na may hawak sa sangay ng custom sa pier na kanilang ni-raid.

"Paano tayo maniningil? Dalawa lang tayo. Siguradong marami silang bantay at ang isa ay kumander pa ng mga rebelde na siyang um-ambush sa amin." ang frustrated na wika ni Gustav.

VIGILANT XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon