12. Gustav Allegre Falcon

230 26 3
                                    


                GUSTAV ALLEGRE FALCON


"Oh baby, I love your way..."

Ang napangising kanta ni X bago niya idiin ang ang pagkaka-apak sa silenyador ng malaking truck na kanyang minamaneho. Kasunod noon ay naging mas mabilis ang pagtakbo ng sasakyan na eighteen wheeler truck. Kumambyo siya at saka matamang napatingin sa target niyang sasakyan na na puting SUV na may plate number na W.H.056. Kaagad siyang nag-overtake nang makita niya na clear ang kabilang kalsada at saka binunggo ang target na sasakyan, nagsigawan ang mga tao. Pinaatras niya ng bahagya ang sasakyan... Pero, bigla niya ulit binunggo ang sasakyan hanggang sa tuluyan na itong makaladkad papunta sa sulok ng expressway. Napitpit ang sasakyan at hindi pa siya nakuntento ay muli niyang binunggo ang sasakyan. Matapos noon ay pinatay niya ang makina. Bumba siya ng sasakyan at laking-gulat ng mga tao nang makita siya.

"Si X!..." ang sigaw ng karamihan.

Napangiti si X at pinuntahan ang puting SUV, nakita niya ang driver na patay na, duguan at naipit sa sasakyan. Nag-iwan siya ng card sa bulsa ng polo-shirt nito. Kasunod noon ay mabilis siyang tumalon sa gilid ng express way at nawala nang tuluyan sa paningin ng karamihan...

Earlier...

"Oh Trieze? Sinong inaabangan mo dito sa labas?" ang nagtatakang tanong ni Warren.

"Inaabangan ko si Manong Magtataho. Bibili ako eh. Nakakapagtaka kasi alas-otso na, hindi pa rin dumadaan. Dati naman eh alas-siete y medya ay nandito na siya at naglalako." ang wika ni Trieze habang napatingin sa relo niya.

Napapunas ng pawis sa mukha si Warren bago siya magsalita. Katatapos lang niyang magjogging at naisipan niyang bisitahin sina Trieze at Gustav ngayong umaga. Linggo kasi kaya sarado ang chocolaterie. Tuwing Sabado naman ay half-day lang nagbubukas ang chocolaterie nila.

"Hindi mo ba nabalitaan ang nangyari kay Manong Aldo?"

"Nabalitaan? Bakit? Anong nangyari sa kanya?"

Napabuntung-hininga si Warren.

"Na-hit and run siya noong nakaraang araw. Kakauwi ko nga lang noon galing sa kasong hawak ko nang mabalitaan ko ang nangyari. Si SPO2 Darwin Macanlalay iyong may hawak sa kaso. Ayon nga at tumulong na si Attorney Evan Fuentebella para masampahan ng kaso iyong nakasagasa lalo na at may kaya. Inis na inis nga sina SPO2 Darwin saka si Attorney Evan kasi hindi sila pinapasok doon sa subdivision kung saan nakatira ang suspect, mabilis kasing naproseso iyong warrant of arrest dahil kay Attorney Evan. Kaso nga kapag mapera eh alam mo na..."

Napakunot-noo si Trieze.

"Paanong na-hit and run si Manong Aldo eh sa gilid lang naman siya lagi? Saka kamusta siya?"

"Noong nakaraang araw ay naging kritikal ang lagay niya. Mabuti nga at lumaban siya kaya ayon, medyo okay naman na siya. Ligtas na siya sa panganib, at muntikan nang maputulan ng dalawang paa at saka kaliwang-braso. Iyong nakasagasa sa kanya? Lasing at mukhang high pa ata sa droga dahil base sa nakita namin sa cctv footage eh sinadya talagang sagasaan si Manong Aldo. Ayon nga at malakas ang loob ng tarantado dahil bukod sa mayaman eh may kapit... Nakakainis na nga eh, iyong pamilya pa niya ang galit samantalang sila ang may kasalanan, kinukunsinti pa eh ang gago."

Napahalukipkip si Trieze.

"Anong pangalan ng demonyong sumagasa kay Manong Aldo?"

"Ah si James Rogales. Isa siyang negosyante at may mga koneksyon din siya sa mga malalaking politiko na may posisyon kaya malakas ang loob. Pero sabi nga ni attorney Evan eh ilalaban niya ang kaso at pagbabayarin ang lalaking iyon. Manood ka ng balita mamaya kasi naging viral iyong nangyari."

VIGILANT XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon