23. New Plan, New Target!

103 14 3
                                    


                            New Plan, New Target!


"Heto na ang kape mo, Camilla. Salamat sa paghihintay." ang nakangiting wika ni Trieze.

Kasunod noon ay kumuha siya sa estante ng slice ng chocolate sin at inilagay sa platito, kumuha din siya ng tissue at tinidor.

"Naku, hindi ka na sana nag-abala pa." ang wika ni Camilla habang inihahain ni Trieze sa kanyang harapan ang slice ng chocolate sin.

"Naku, hindi ito abala. Kagaya nga ng sinabi ko sayo, kailangan kong bumawi dahil nasungitan kita nitong mga nakaraang araw." ang pakli ni Trieze.

"Naku, bahala ka! Mas lalong hindi ko tatanggihan 'to!" ang napangising pakli ni Camilla.

Pasimple namang napasulyap si Gustav sa kinaroroonan ni Trieze habang kausap niya si Tamara. Kitang-kita niya kung anong klaseng ngiti ang namumutawi sa labi ng kaibigan niya. Ngiting may balak. Hindi niya alam kung ano... Pero sigurado siya, mukhang nakakita na ito ng bago nilang target!

Samantala... Panay ang sulyap ni Warren sa folder kung saan nakalagay ang file ni Michael Montalban. Matalino talaga ang Vigilant Killer. Bakit ba hindi niya masyadong napansin na ang pagkataong ginamit nito, nahahawig sa character ni Michael Myers ng pelikulang Holloween? Sa first name pa lang at sa nakasaad na background ni Michael Montalban, malaki na ang pagkakahawig. Nagbigay na ng clue si X, dahil si Michael Myers ay isang serial-killer na pumapatay tuwing holloween. Pero bakit hindi nila iyon kaagad napansin?! Dahil ba masyado silang nagfocus kay Romano Escobar? Ang galing talaga eh.

"Anong iniisip mo ngayon?" ang hindi naman nakapagpigil na tanong ni Evan.

Matamang sinulyapan ni Warren ang hawak niyang file bago siya napatingin kay Evan. Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan niya.

"Siyempre, iniisip ko kung sino ang susunod na target ni X. Ito nga iyong mahirap eh... Wala siyang pattern kung sino ang susunod niyang target. Kung sino lang ang trip niyang patayin, iyon ang papatayin niya. Hindi siya kagaya ng ibang serial killer. Ang pagkakapareho lang ng mga pinatay niya, mga tao silang maipluwensiya at kayang manipulahin ang batas sa pamamagitan ng pera. Masakit man aminin pero nangyayari talaga ang ganoon sa mga taong may kaya at may mataas na katungkulan." ang napailing na wika ni Warren.

Napahalukipkip si Evan at napasandal sa kanyang kinauupuan.

"Tama ka. Sa totoo lang, malaki ang naging impluwensiya sa akin noong nangyari sa stepfather ko. Kaya naman, itinutuloy ko ang laban niya. Sayang nga lang, nang mamatay siya eh nagpakamatay din iyong naging kliyente niya. Mukhang nawalan ng pag-asa eh. Iyong si Ano... Si..."

"Colt Steven Saavedra." ang dugtong naman ni Lander.

Nasubaybayan din niya iyong kaso kaya lang wala din namang nangyari sa huli matapos mamatay nina attorney Galvez at Saavedra.

"Ano nga uli iyong trabaho ni Saavedra?" ang bigla pa niyang tanong.

Napabuntung-hininga naman si Evan at napahawak sa punong-baba niya. Pilit niyang inaalala iyong tungkol sa huling kliyente ng kanyang amain.

"Hindi ko na maalala pero parang pulis ata siya o nasa military? Wala kasi siya eh noong dukutin iyong mga kapatid niya, gahasain at patayin. Malaking dagok sa kanya iyon, kahit sino naman. Kaya naman si Papa, ginawa ang lahat para tulungan siya. Sa kabila nga ng mga ebidensiya at mga testigo, na-dismiss iyong kaso. Isa kasi sa sangkot at pasimuno ay anak ng isang senador. Ayon, noong iaapela ni Papa iyong kaso, doon siya tinambangan at pinatay. Halatang-halata naman eh, pero dahil nga mapera sila..."

VIGILANT XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon