4. Black Tulips

299 25 20
                                    


Black Tulips



Isang malakas na lagaslas ng tubig ang maririnig mula sa banyo ng maranyang silid kung saan naroon si Colt. May hawak siyang lubid sa kanang-kamay na katamtaman ang kapal. Nakasuot siya ng itim na jacket at sa ilalim noon ay nakasukbit ang dalawang de-kalibreng baril. Ang gilid ng kanyang combat boots ay may nakasuksok na patalim. May suot din siyang itim na gloves.

Maya-maya pa ay narinig din niyang nagha-hum ng kanta ang lalaking nasa loob ng banyo na walang iba kundi si Judge Benjamin Generoso. Siya ang Judge na humawak sa kaso ng kanyang mga kapatid at siya din ang nagdismiss ng kaso. At siya, narito siya upang ihatid ang hatol niya sa ginawa nito sa kaso ng kanyang mga kapatid. Prenteng nakaupo sa gilid ng kama si Colt. Siniguro niyang walang ibang tao na makakapasok sa loob ng silid ng hotel. Nang makita niya sa restaurant ang grupo ni Sandro noong nakaraang linggo ay naisip niyang unahin ang Judge na nagdismiss ng kaso ng kanyang mga kapatid.

Isang linggo din niyang minanmanan si Judge Generoso at sa loob ng panahong iyon ay gumawa na rin siya ng plano kung paano niya ito hahatulan.

Samantala... Nagha-hum ng kanta si Judge Generoso habang nag-aahit siya ng kanyang balbas. Katatapos lang niyang maligo at nasabihan siya na nakahanda na ang maganda niyang regalo paglabas niya ng silid. Ibang klase talaga si Senator Delgado. Mukhang natuwa ito ng husto sa pabor na kanyang ginawa, hindi pa nakuntento sa ibinigay sa kanya na mamahaling kotse at bahay. Ngayon naman ay niregaluhan siya ng babae! Sino ba naman siya para humindi?!

Matapos niyang mag-ahit ay naghilamos pa siya ng mukha at saka nagmumog ng mouthwash kahit pa nagmumog na siya kanina matapos niyang magsepilyo. Inamoy-amoy pa niya ang kanyang hininga para masigurong mabangong-mabango. Sa edad niyang mahigit sa singkuwenta anyos ay masasabi niyang may laban pa naman siya pagdating sa kama. Napangisi siya sa isiping iyon at inayos ang kanyang buhok bago tuluyang lumabas ng banyo ngunit natigilan siya nang makita na hindi magandang babae ang nakaupo sa gilid ng kama at naghihintay sa kanya kundi si Colt Steven Saavedra na dalawang linggo nang patay! Napaatras siya at akmang papasok pabalik ng banyo ngunit kaagad na bumunot ng patalim si Colt at inihagis iyon.

"ARGH!"

Bumaon ang kutsilyo sa kamay ni Judge Generoso at bumaon din iyon sa pinto. Umagos ang masaganang dugo. Nakatapis lang ng tuwalya ang Judge. Tumayo si Colt at saka naglakad papalapit kay Judge Generoso. Nakatanga ito habang papalapit siya dito.

"P-Patay ka na, hindi ba?" ang natatakot at naguguluhang tanong ng Judge.

Kalmadong napatingin si Colt kay Judge Generoso.

"Hindi pa ako patay. Pero, sa ating dalawa ngayon... Ikaw ang siguradong mamamatay." ang kalmado at mariing wika ni Colt.

"Saklolo! Saklolo!... Saklolo!-Ump!"

Biglang binusalan ni Colt ang bibig ng Judge ng maduming basahan at kasunod noon ay inilagay niya ang lubid sa leeg nito. Nagpumiglas ito at isang malakas na igkas ng suntok mula sa kanan nitong kamay ang pinakawalan nito laban kay Colt. Ngunit, biglang hinawakan sa ulo ni Colt si Judge Generoso at malakas na iniumpog ang ulo sa pinto, kasunod noon ay ang malakas na suntok sa sikmura. Namilipit sa sakit si Judge Generoso.

Ini-lock ni Colt ang kanan nitong kamay at kasunod noon ay ang walang pasintabi nitong pagbunot sa kutsilyong bumaon sa kaliwang-kamay nito at sa pinto. Panay ang ginawang pag-ungol ni Judge Generoso at wala itong nagawa dahil matapos bunutin ni Colt ang kutsilyo ay kaagad nitong itinali ang kanyang mga kamay. Nananatili ding nakapulupot ang lubid sa leeg nito.

VIGILANT XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon