9. The Gift

257 25 4
                                    


                                  The Gift


"Tingnan mo kung gaano kalinis itong crime scene, Camilla. Maski na fingerprints ay wala kaming nakuha. Iyong mga basyo ng bala ng tranquilizer na nakuha namin, wala namang naging silbi dahil katulad lang ito ng mga basyo sa mga naunang crime scene. Mahirap i-trace dahil ang ganitong klase ng baril ay marami ang puwedeng magmay-ari. Ang natatangi lang na basyo ng bala na nakuha ko ay ang sa ex-calibur rifle. Iyon ang pinakamalakas na uri ng assassin rifle. Professional lang at may mataas na skill ang puwedeng gumamit ng baril na iyon. Iilan lang ang ginawang ex-calibur rifle. Kaya mag-ingat ka Camilla dahil hindi basta-bastang tao ang hinahanap natin. Mapanganib siya... Sigurado ako, isa siyang ex-military. Hindi ko nga lang alam kung ano ang ugat kung bakit niya ginagawa ang mga ganitong pagpatay, basta ang alam ko, galit siya, iyon ang nakikita kong pangunahing motibo sa pagpatay. Mahihirapan tayo dahil walang matinong pattern ang paggawa ni X ng krimen. Kumbaga, papatay siya ng napili niyang target kapag gusto na niya itong patayin." ang mahabang wika ni Warren.

Nakatulala naman si Camilla habang nakikinig siya kay Warren. Mapanganib... Hirap siyang paniwalaan ang mga katagang iyon lalo pa at kagabi lang ay binisita siya ni X at nagkaroon sila ng intimate moment sa kanyang banyo...

"Ayos ka lang Camilla?" ang untag ni Warren sa kanyang kasama.

Kanina pa kasi ito tahimik habang nililibot nila ang silid kung saan naganap ang pag-atake ni X. Napatingin siya sa braso nito na medyo namumula.

"Gusto mo ba kumain na tayo? Gutom ka na?" ang tanong pa ni Warren.

Napakurap si Camilla at saka bumuntung-hininga ng malalim. Sa totoo lang ay naiipit siya... Gustung-gusto na niyang magsalita kay Warren tungkol kay X pero hindi niya magawa. Hindi niya alam pero parang may matagal na silang koneksyon sila ni X, iyon ang nararamdaman niya... Hindi lang niya maintindihan kung bakit?

"Mukhang mas maigi na kumain na tayo ng tanghalian. Pero doon na lang tayo kumain sa chocolaterie, ilibre natin sina Gustav at Trieze ng lunch. Para naman makabawi tayo sa kanila. Minsan kasi, tambay lang tayo doon sa chocolaterie tapos may libre pang pastillas o kaya hot chocolate." ang wika na lang ni Camilla kay Warren.

"Oh sige, pero hati tayo sa pagkain nila. Ang ililibre ko lang ay iyong pagkain mo kagaya ng pangako ko."

"Walang problema!" ang nakangiting wika ni Camilla.

Matapos noon ay magkasabay nilang nilisan ang crime scene.

Samantala... Nang makita ng assassin na si Hotshot na umalis na sa deck 8 ang dalawa ay saka naman siya ulit pumasok doon. Muntikan na siya kaninang mabulilyaso dahil sa kapabayaan niya. Pero, hindi niya masisisi ang sarili dahil sadyang maganda ang dalagang kasama ng officer kanina. Sana lang ay muling magkrus ang landas nila at sa kapag nagkaroon siya ng pagkakataon ay magiging kanya ang magandang dilag na iyon... Napakabango at napakalambot ng balat nito. Siguradong nagmarka ang kanang-kamay niya sa braso nito dahil mahigpit ang naging hawak niya dito kanina at bahagya pa siyang nanggigil.

"Magkikita pa tayo... Pero sa ngayon, si X ang kailangan kong unahin para makuha ko na ang kalahati ng bayad sa akin..." ang mahina niyang wika.

Muli siyang tumingin sa deck 8 ngunit wala siyang makita maski na anong clue. Napakaingat ni X. Bukod sa naghahanap din siya ng clue tungkol sa vigilant killer ay nagbabakasakali siyang babalikan nito ang crime scene. Karamihan sa mga kriminal ay binabalikan ang crime scene upang masiguro na patay nga ang biktima o kung minsan ay masaya nilang pinagmamasdan ang itsura ng karumal-dumal nilang krimen, isama na ang paghihinagpis ng mga kaanak nito... Alam na alam niya dahil siya mismo ay isang kriminal. Magkaiba lang sila ni X... Pumapatay siya dahil binabayaran siya o kung minsan eh nainis lang siya sa isang tao.

VIGILANT XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon