The Inmate
Isang marahas na buntung-hininga ang pinakawalan ni Warren habang nakatitig siya sa slice ng cake na nasa kanyang harapan. Dahil ayaw naman iyon ni Romano Escobar eh di nilantakan nila ang cake na padala ni X. Nagpabili nga siya ng kape para may kapartner iyon. Masarap naman ang cake, minus lang iyong filling sa loob na mistulang dugo. At nadiskubre din niya na masarap din naman pala ang lasa ng pinaghalong strawberry syrup at chocolate syrup kahit medyo nakakadiring tingnan.
Napainom siya ng kape sa hawak niyang mug. Maging ang mga kakosa ni Romano Escobar, binigyan nila ng cake at kape. Ito lang naman ang tumatanggi. Naiintindihan naman nila ito. Heto nga at ilang araw na itong walang tulog at lubha nang napapraning. Napabuntung-hininga si Warren, day-off niya dapat ngayon. Pero heto siya, nagbabantay. Medyo nakakagising din ng diwa ang ginawang pagtawag ni X kanina. Napainom na lamang siya ng kape ulit.
Samantala... Nasapo na ni Sabrina ang noo. Kanina pa siya naghahanap kay Siegfried Acosta. Naghiwalay pa nga sila ni Camilla para lang mahanap ito sa party. Ngunit hindi iyon madali dahil nga naka-costume ang mga tao. Tumuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa...
"Alam ko kung sino ang hinahanap mo, Miss."
Napakurap si Sabrina nang marinig niya ang boses ng nagsalita. Mababa, baritono at lalaking-lalaki. Napatingin siya sa nagsalita, nakita niya ang isang matangkad na lalaki na naka-costume ng V for Vendetta.
"Kilala ba kita?" ang bigla niyang tanong.
Nagkibit-balikat ang lalaki sa kanya.
"Puwedeng Oo, puwedeng hindi. Pero nandito ako para tulungan ka." ang wika ni Trieze kay Sabrina.
"Talaga? Tutulungan mo ako?" ang medyo natuwang wika ni Sabrina.
Napangiti ng nakakaloko si Trieze. Kung nakikita lang sana ni Sabrina ang ngiti niya sa likod ng maskara.
"Hinahanap mo si Siegfried Acosta, hindi ba?" ang bigla niyang tanong.
Napakurap si Sabrina at nagliwanag ang mga mata niya matapos niyang marinig ang sinabi ng misteryosong lalaki na nakamaskara.
"Tama ka, V. Paano mo nalaman?"
Tinawag niya itong V dahil iyon ang pangalan ng character sa movie na pinoportray nito.
"Sabihin na lang natin na may anghel na bumulong." ang nakakalokong wika ni Trieze.
"Talaga lang ha? Kung ganoon, nasaan si Siegfried Acosta?" ang direkta niyang tanong.
Amaze na napatingin si Trieze kay Sabrina. Ano kaya ang mangyayari kapag kinompronta nito si Siegfried? Matapang na babae si Sabrina.
"Ang Acosta Brothers, Assasin's Creed ang costume nila. Si Siegfried, ang hinahanap mo, pinoportray niya si Ezio. Siya iyong nakaputi."
Napakurap si Sabrina matapos niyang marinig ang sinabi ng lalaking kausap niya. Napangisi siya. Napatingin siya sa paligid at nakita niya sa di kalayuan ang character ni Ezio ng Assassin's Creed.
"Salamat! Hindi ko makakalimutan ang tulong mo, maging sino ka man, V!" ang natuwang wika ni Sabrina.
Simpleng kumaway lang si Trieze bilang sagot at lihim siyang natawa nang makita niyang kaagad itong umalis upang puntahan si Siegfried na nananahimik sa sulok. Matapos naman noon ay nagpasya naman siyang umalis upang hanapin si Camilla. Nandito na din lang siya, susulitin na niya.
Napailing naman si Gustav nang makita niya ang ginawa ni Trieze. Lalakad na sana siya paalis ngunit napansin niya ang isang babae na mahigpit na hinahawakan ng isang lalaki sa braso.
BINABASA MO ANG
VIGILANT X
Action"Kung marami silang pera para bilihin ang hustisya... Puwes, madami naman akong bala!" A story of man who become a Vigilant Killer because of Injustice.