11. The Bloody Eagle

245 24 6
                                    


                    The Bloody Eagle



Hindi malaman ni Warren kung ano ang dapat niyang maramdaman ngayong nakatingin siya sa bangkay ni Lolo Poncio na nasa loob ng kabaong. Kanina lang ay nakausap niya ang mga anak ng matanda at lahat sila ay nagtataka sa kanyang kuwento dahil hindi naman daw umalis sa kanilang bahay ang kanilang ama. Dito niya napagtanto na ang nakausap at naging kaibigan niya sa loob ng ilang araw bago ang Gala ay isang peke!

Kumpirmado na niya ngayon ang totoo... Maaaring si X nga ang taong nakasalamuha niya bilang si Lolo Poncio. Bago umalis si Warren ay nagbigay siya ng abuloy. Medyo nagulo ang pag-iisip niya. Ang lapit na pala sa kanya ni X! Dahil doon ay napagpasyahan niyang umuwi na ng bahay. Tapos naman na ang duty niya at kailangan niyang gawan ng report tungkol sa insidenteng ito. Tiyak na magugulat ang superior niya sa kanyang natuklasan.

Samantala... Nakatayo ang isang lalaki sa itaas ng gusali habang pinagmamasdan ang mga tao sa ibaba. Nakasuot ito ng itim na kasuotan at nakasuksok sa likod nito ang isang assassin rifle. Bahagya itong napalingon nang may dalawang dumating na tao.

"Nahuli kayong dalawa." ang sita ng lalaki.

"Pasensiya na, Franco... Nanligaw pa kasi itong si X." ang nakangiting wika ni Gustav.

Dahil doon ay tuluyang napaharap sa mga bagong dating ang lalaki.

"Anong nanligaw?" ang kunot-noo nitong tanong.

Ganoon pa man ay wala itong napalang sagot lalo na at nagsenyas na ng Ssshh... si X sa kasama niyang si Shadow(Gustav).

"Pambihira!" ang napailing na lang na bulalas ni Franco.

Lumakad naman papalapit si X sa kinaroroonan ni Franco.

"Tuloy na tayo sa susunod na linggo. Sesentensiyahan ko na si Robert Villarin." ang umpisa ni X.

Napabuntung-hininga naman si Franco.

"Kailangan pa ba ako diyan?" ang pabiro niyang tanong.

"Malawak ang hacienda ni Robert Villarin, mas maigi na dalawa ang maging anino ko."

"Sigurista ka talaga."

Napangiti lang si X at hindi na nagsalita. Bagkus ay napatitig na lamang siya sa kausap.

"Hoy, bakit mo ako tinititigan ng ganyan?" ang biglang sita ni Franco.

Isang mahinang-tawa ang kumawala kay X.

"Parang kailan lang kasi noong pinatay kita."

Dahil sa kanyang sinabi ay natawa ng mahina si Franco. Maging si Gustav ay natawa din.

"Oo, balitang-balita nga ang pagpatay mo sa akin, dalawang buwan na ang nakakaraan. Pero salamat ah? Dahil sayo ay tuluyan na akong nakalaya. Kaya naman kahit na ano ang iutos mo sa akin, gagawin ko. Basta kahit na sinong gago ang ipapatay mo, sige lang ako."

"Good!"

Franco De Silva, isa itong Ex-marine at maraming natanggap na medalya noong nasa military pa ito.

"Tingnan niyo naman ang pagkakataon no? Iyong hustisyang pinagsisilbihan natin noon, ngayon kinakaliwa na natin. 'Tang-ina kasing sistema nila!" ang nainis na wika ni Franco.

"Kaya dapat, isa-isahin natin silang ubusin." ang maikling wika ni X.

Napangiti si Franco sa sinabi ni X.

"Gusto ko ang ideya na iyan. Tingnan mo ako... Noong nasa military pa ako, hindi ko mabilang kung ilang giyera ang sinuong ko para lang makapagsilbi sa bayan. Ibinuwis ko ang buhay ko. Pero bakit ganoon, ano? Noong ang mag-ina ko ang pinatay, napakabagal ng hustisya. Tapos, noong pinatay ko ang mga hayop na kriminal na iyon na pumatay sa mag-ina ko, ako pa itong nakulong. Hanggang sa wala na akong pagpilian dahil hinawakan ako ng padrino sa kulungan... Naging mamamatay-tao niya ako. Pero iyong huling misyon na ipinagawa niya sa akin, hindi ko talaga gagawin. Tang-ina! Hindi ako pumapatay ng inosente."

VIGILANT XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon