CHAPTER 5

142 10 0
                                    

"Saan po ang punta nyo ma'am?" tanong ng isang kawal nang papalabas ako sa mansyon.

"May ihahatid lang ako sa post office, kasama ko naman si manang!" ngiti kong sabi.

Tumango naman sila at pinagbuksan kami ng gate.

Lalakarin lang namin yung bayan. Malapit lang naman.

"Parang kahapon lang iha ay gusto mong umalis," natatawang sabi ni manang.

Tumawa nalang din ako. Siguro iniisip na niya na isa akong gold digger, na yaman lang ni Felix ang habol ko. Well, totoo naman!

Kailangan kong mabuhay! At isa sa kakailanganin ko ay pera!

Nakarating kami sa bayan at pumunta agad sa post office. Binigay ko ang letter para kay papa at nagbayad ng ilang barya.

Sana ay makakarating sa kaniya ang mensahe ko.

Napadaan kami sa bakeshop kaya napag-isipan ko na bibili ng ilang mga tinapay roon.

Inalalayan ako ni manang sa pagdala nito.

Lalabas na sana kami ng bayan ng makasalubong ko ang mga katrabaho ko sa beer house.

"Oi Vena! Buti ka pa naka jackpot!" sabi ni Marlyn.

I'm feeling bad about this.

"Ano? Binigay mo ba iyang mahal mong perlas?" tawa-tawang sabi ni Cherry.

"Sorry nagmamadali kasi kami," sabi ko.

Pinauna ko na si manang pero bago ako makahakbang ay may humila sa buhok ko.

"Ano ba!" galit na sigaw ko sa kanila.

"Pag nalaman ito ng Duke—" si manang.

Nag cross ang kamay ni Marlyn.

"Ano? Isusumbong mo kami? Parang hindi ka namin katrabaho ah," putol nito.

"Ano Vena? Kakalimutan mo nalang ang pinanggagalingan mo? Kasi mayaman ka na?" si Cherry.

Tinaasan ko sila ng kilay.

"Wala naman akong sinabi. Kayo lang naman itong sugod ng sugod," nahihimigan na rin sa tono ko ang galit.

Edi sila sana ng nagpa kidnap! Sila sana yung nagtapon nang basura sa labas para sila yung makuha ni Felix!

"Ah matapang ka na ngayon?" si Marlyn. "Naging mayaman ka lang, matapang na,"

Magsasalita sana ako ng may pumagitna sa amin.

"What's with this commotion my lady?" tanong ng isang kawal.

"There's nothing to waste our time here," malamig kong sagot.

Nginitian lang ako ni Marlyn.

Umalis na kami doon kasama ang apat na kawal.

"Where's your carriage my lady?" tanong nito.

Napapangiwi talaga ako pag sunod-sunod ang pagsabi nila ng 'my lady'.

"Naglakad lang kami patungo dito,"

Hindi ko sila kilala pero kilala nila ako. Isang araw lang ang lumipas at madami na ang may alam na may asawa ang Duke.

Kinuhaan nila kami ng isang karwahe at pinasakay kami doon.

"Pasensya ka na sa nangyari manang,"

Ngumiti lang siya at inayos ang buhok ko.

"Maganda na matapang pa," she murmured and it made me smile.

Nakarating na kami mansyon at binigay ko sa mga katulong ang ibang tinapay na binili.

Naalala ko ang sinabi ni Felix na may mga papeles daw na kailangan aatupagin.

Dumiretso na ako sa opisina niya at nakasalubong ang sinabi niyang butler.

"Magandang umaga ma'am," bati ng isang matandang lalaki sa akin.

I only nodded. Parang wala akong gana na magsalita dahil kanina.

Tinuro ng butler kung saan at anong mga papeles ang kailangan ng atensyon ko.

Parang gusto kong sabunutan si Felix ngayun nang makita ang bundok-bundok ng mga papel na iniwan niya para trabahuin ko!

Mukhang wala akong bakasyon nito!

Fake Wife of the DukeWhere stories live. Discover now