CHAPTER 1

271 17 0
                                    

Nagising nalang ako nang maramdaman na binabasa ang aking ulo.

Tumayo ako tinignan kung sino ang kasama ko.

"Umupo lang po kayo ma'am! Baka mapano pa kayo pag nakatayo!" sabi ng isang ginang.

Nilibot ko ang mata ko at napagtanto na nasa loob ako ng isang malaking banyo.

At kanina lang ay nakababad ako sa tubig na may mga bulaklak. Tinignan ko ang aking sarili, lumaki ang aking mga mata at umupo ulit at tinago ang hubad kong katawan sa tubig.

"H'wag kang mahiya ma'am! Ang ganda ng katawan mo!" lumapit siya sa akin pinagpatuloy ang pagshampoo ng buhok ko.

Dahil sa lito ay hinayaan ko nalang siya kung ano ang ginagawa niya.

"Ano ang ginagawa ko dito?" tanong ko.

Hindi naman siya sumagot.

Naalala ko na may sinabi ang lalaki sa akin bago ako nahimatay.

Asawa daw?

Pagkatapos ko sa banyo ay binihisan ako ni manang ng isang magarang dress.

Umatras ako ng pinakita niya iyon sa akin ng nakangiti.

"Gusto ko nang umuwi!" biglaang sigaw ko at nagulat siya.

Umamo naman ulit ang mukha niya.

Narinig kong bumukas ang pinto at niluwa doon ang lalaking kausap ko noon.

Tinitigan niya ako at na conscious naman ako.

"What took you so long?" galit na tanong ng lalaki sa ginang.

Yumuko lang si manang.

Lumapit ako kay manang at hinayaan ulit siya sa kaniyang gagawin. I feel pity for her. Hindi naman niya kasalanan yun.

Umupo ang lalaki sa kama at tiningnan lang ang proseso ng pagbihis ko.

Hinubad ni manang ang roba na suot ko. Napalunok ako at kinabahan kasi may lalaki na nakatingin sa akin. Buti nalang ay may panty ako!

Pinasuot niya ang brassiere at sinunod ang dress. Inayos niya ang buhok ko at nilagyan ng make up ang mukha. Light lang.

Pagkatapos ay umalis na si manang. Nakita ko ang lalaki na tumayo at lumapit sa akin.

Sobrang tangkad niya! Hanggang balikat niya lang ako!

"What do you want from me?" agad na tanong ko.

"Act as my wife." sagot niya.

Kumunot ang noo ko.

"This is kidnapping! I'll sue you!" pagbabanta ko sa kaniya.

"You can't sue the Duke," he smirked. "And this ain't kidnapping. You're not a kid anymore,"

Para akong sasabog sa pagiging pilosopo niya.

"Let me go! Hindi ko alam bakit gusto mo ako maging asawa—"

"Magpanggap na asawa." he corrected me.

"Even so! This is against the human rights! Ano nalang kaya ang sasabihin ng mamamayan pag nalaman nila na ang mahal nilang Duke ay may ginawang krimen!"

Umatras ako sa kaniya.

Ngumuso siya at may nilapag na papel sa lamesa.

Tinitigan ko iyon at galit na tinignan siya.

"You need to sign this so the contract will be completed."

"What if hindi ako papayag?" panghahamon ko.

"Then I'll make you agree by force?" that was a threat.

Kumuyom ang mga kamay ko.

"You know? Why don't you ask the daughters of the Baron and the Count? I'll bet they'll do this job perfectly than me!"

Ang tahimik ng buhay ko at gagambalain lang niya? Ang pinaka-last na gusto kong gawin ay mag-asawa.

"Mas gusto ko yung mga low status. They can't meddle with some of my business."

Tumayo siya.

"Now," getting impatient. Kita sa mukha niya ang pagmamadali. "I'm really bad when I get mad" banta niya.

Hinablot ko iyong papel. At binasa ang mga nakasulat doon.

"Will I benefit from this?"

May makukuha ba ako? At bakit naman meron? I am kidnapped and forced to do this. Sa tingin mo Venna may makukuha ka?

"Of course. You'll have full access to my bank account. Kung ano ang sa akin, ay sa iyo din," he said confidently.

Kinuha ko ang ballpen at agad pinirmahan ang papel.

Mabilis naman ako kausap basta pera ang kapalit!

Fake Wife of the DukeWhere stories live. Discover now