I am sitting near the balcony, slowly sipping my tea as I remember all the crazy things I did last night.
I tried to convince myself that it was just a dream! But it's not!
Nararamdaman kong uminit ang mukha ko. He kissed me on my forehead! He said something but I can't remember!
Lumabas ako sa kwarto ko. Dapat may gagawin ako ngayun! Nang pababa na sa hagdan ay napatigil ako.
Felix came out from my father's temporary office! Ano naman ang ginagawa niya doon?
He caught me staring at him kaya napaiwas ako at dali-daling naglakad pababa. Before I can take the 7th step, he already caught my wrist.
Napasinghap ako at niyuko nalang ang aking ulo. I don't want him to look at me! I'm sure pulang-pula na ako.
Memories from last night flooded my head! Ano ba ito!
"Be careful, you might fall" sabi niya at inalayan akong bumaba sa hagdan.
Hinablot ko yung kamay ko mula sa kanya at hinihimas yun papuntang dining room.
"Nilalagnat yung anak ng Marquess,"
Napahinto ako at lumingon sa kanya.
Tinaasan niya ako ng kilay, like dapat na alam ko yun kasi ako ang kasama ni Nicholaine kahapon!
"B-bakit daw?"
"Sobrang lasing, hindi niya kinaya." tanging sabi nito.
Tinalikuran ko siya at lumiko papunta sa kusina.
I asked for a big wooden basket at nagpahanda ng mga pagkain! I'll visit him!
"Sasamahan na kita,"
Nanliit ang mga mata ko sa kaniya.
"H'wag na. Baka busy ka? Makakaabala pa ako," sabi ko habang kumukuha ng mas maliit pa na basket.
"I'm not busy. I'll go with you," pilit niya.
I sighed at naglakad palabas at pumunta sa hardin. Nakasunod pa rin siya sa akin.
Huminto ako sa harap ng mga bulaklak at binigay kay Felix ang gunting.
Nagtataka siyang tinignan iyon.
"Get some flowers, I'll bring them to him," utos ko.
He blinked rapidly at what I said pero nagsimula ring pumitas ng bulaklak.
Nakatayo lang ako sa gilid niya habang pinipitas niya ang mga bulaklak gamit ang gunting.
"This is already fine," sabi ko nang makitang tama na ang dami ng bulaklak.
Nang humarap siya sa akin ay kitang-kita sa mukha niya ang pawis sa noo niya.
I want to wipe it off but am I allowed?
Umiling nalang ako tsaka dumiretso ulit sa kusina.
Handa na ang mga pagkain at mga herbals. Inayos ko ang mga bulaklak at pinahatid na iyon sa karwahe.
Nagpaalam ako kay papa bago sumakay na roon.
Nagulat pa ako ng sumunod sa akin si Felix! Pero agad din naman siyang hinayaan.
Naramdaman kong umusad na ang karwahe. At nakatingin lang ako sa labas. I don't want to interact!
Nararamdaman ko ang mga titig niya kaya napapalingon ako sa kaniya.
Galit ko siyang tinignan.
"Stop staring!"
Bakit ba siya titig ng titig! Hindi ako makaka concentrate!
YOU ARE READING
Fake Wife of the Duke
RomanceLife is full of surprises and mysteries. Sometimes you just need to go with the flow and see where it leads you. Giving up something special to you would be the most difficult thing to do but for Venna, she doesn't hesitate. For her man, she would...