CHAPTER 25

154 13 0
                                    

I yawned as I make my way to the dining room. Maaga pa, kaya wala pang masyadong tao.

Nang makapasok ako ay nakita ko si papa na kausap si Haring Cruzeir. They were laughing about something. When did they become that close?

Well it's not my concern anymore!

"Good morning Princess Lavenna!" bati ng hari.

"Good morning Lav!" si papa.

Umupo ako at inayos ang aking sarili bago sumagot.

"Magandang umaga din po sa inyo," bati ko.

Nakita kong tinignan ni Haring Cruzeir ang armas ko. Nagtataka.

"Maaga ka ata ngayon?" tanong ng hari.

"Balita ko po kasi may hunting tournament sa susunod na araw, kaya mag-eensayo ako para makasali!" sagot ko.

Kumunot ang noo ni papa at tumango-tango naman ang hari.

"You won't join the tournament," seryosong sabi ni papa.

What? Gulat ko siyang tinignan.

"Why?"

"You just can't. It's dangerous out there," sabi nito at sinubo ang pagkain niya.

Galit kong sinubo ang cupcake. I can take care of myself. Kaya nga mag-eensayo ako!

"There's a festival tonight in town!" pampagaan loob ni Haring Cruzeir.

Dahan-dahan kong sinusubo ang cupcake habang nakikinig sa kaniya.

"May fireworks display din! You should attend it," he smiled.

Masigla akong tumango at tinignan si papa kung papayagan ba ako.

Teka nga! I'm already 23! Why need his permission?

"Fine, you can go but you can't join the hunting,"

I lazily rolled my eyes at tinapos na agad ang aking agahan.

Pumunta na ako sa training camp kahit hindi ako papayagan sumali ay mag-eensayo ako! I can't stomach the mocking made by General Mak yesterday!

You'll see General!

Pero napatigil ako nang makita si Felix na pinupunusan ang isang spada doon!

I slowly walked to him.

"Good morning! Bakit ka nandito?" tanong ko habang sinusuri ang buong lugar. Walang ibang tao.

I almost ran out of air when he turned to me. He look so good! So handsome!

Tama na Venna! Di ka pa nasanay- hindi pa talaga!

"I'll teach you how to handle this, para wala nang aksidente na mangyari" sabi niya at pinakita ang spada.

Hindi na ba siya busy? H'wag na natin tanungin! I'll take this as an opportunity!

Habang nag-iisip ay di ko namalayan ang biglaan niyang atake.

I frozed and felt the tip of the sword on my neck. He then put it down and moved closer to me.

"Don't put your guard down, princess," he whispered.

I think I can't concentrate if he's the one training me! Baka titigan ko lang siya!

We trained for an hour and a half. Napaupo ako sa sahig dahil sa pagod.

"Good job," he said.

Galit ko siyang tinignan. Bakit wala lang sa kaniya iyon! He still look fresh! Tapos ako rito- parang nabugbog na prutas!

"Where's General Mak, anyway?" tanong ko.

Nakatalikod siya sa akin habang pinupunasan ang mga spada.

"You asked me to train you so I'm here, why ask for him?" parang galit pa ito!

I made a sarcastic look.

He declined yesterday, now he's here!

Tumango-tango nalang ako kahit hindi ko talaga siya maintindihan minsan.

Pasalamat mahal kita!

Then I saw him walk away.

"I still have some things to do," paalam nito.

Ngumingiti ako habang naglakad pabalik sa kwarto ko.

I made a progress! Sa tingin ko he'll give me a chance! Sana nga.

Nagbihis na ako para sa festival. Binilisan ko na kasi malapit na raw magsimula!

Nagpaalam ako kay papa. Hindi daw siya sasama.

Sumakay na ako sa karwahe. Napatingin pa ako sa labas nang napansin na ako lang isa ang aalis! Where's Duane anyway!

Bumuntong hininga nalang ako ng maramdamang gumalaw na ang sinasakyan ko.

I guess I'll be alone tonight! Inutusan ko ang driver ng karwahe na hintayin nalang ako sa kung saan ko sila iiwan!

Nakasuot ako ng pansibilyan. I think wala namang makakakilala sakin. Gabi na rin kaya di masyado makikita ang mukha ko.

Masaya kong pinagmasdan ang parada nila. Pumunta din ako sa mga food stall para kumain! At naglaro sa perya! Hinayaan ko ang sarili kong magliwaliw sa gabing iyon.

Hindi pa sinimulan ang fireworks kaya I'll have fun muna!

Nahagip sa mata ko ang pamilyar na karwahe. Tinitigan ko iyon at nakita ang family symbol ng Vilchez!

Felix! Dali-dali kong hinabol iyon at tumigil nang tumigil rin ito sa harap ng beer house.

Nagtago ako sa may post at hinintay ang paglabas ni Felix sa karwahe pero wala!

Ilang minuto ang nagdaan ay narinig ang tunog ng maliit na kampana hudyat na may lalabas sa beer house!

Nakita kong lumabas si Felix roon. Nakangiti akong tumayo! I'll invite him to watch the fireworks display with me!

Pero napahinto ako nang sumunod sa kaniya ang pamilyar na babae. Nagtago ako ulit sa post at tinignan sila.

Umiiling si Felix habang tumatawa naman ang babae.

Her arms snaked around Felix's biceps. Parang bumaliktad ang sikmura ko.

Her breast squeezed at tinignan lang siya ni Felix.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang maalala ang pangalan ng babae. Vienna an escort nakakasama ko siya noon sa beer house!

Did they do it? Kaya anjan si Felix sa beer house?

Malagkit ang tingin ni Vienna sa kaniya at tumingkayad ito. Hinalikan niya ito sa labi.

Felix didn't respond. Nakatitig lang siya at walang ginawa.

Umalis na ako na mabigat ang pakiramdam.

May nakita akong kabayo sa may gilid. Sumampa ako roon at pinatakbo iyon.

I don't care if someone owns this, I just want to stay away.

Hindi ko gustong bumalik sa palasyo kaya hinayaan ko nalang kung saan ako dadalhin ng emosyon ko.

Lumiko ako papunta sa pamilyar na daan at nagsimula nang tumulo ang mga luha ko. Patuloy lang ang takbo ng kabayo.

The harsh cold wind slapped my face making me feel my tears on my cheeks.

What was that? I thought everything was going well? Akala ko malapit ko na siyang makuha ulit?

Sumikip ang dibdib ko at pinahinto muna ang kabayo.

Humagulhol na ako at yumuko. I can't take the pain!

I heard the sound of the fireworks at napatitig sa harap ko. Mas napaiyak ako nang maalala ang lugar na ito.

Kitang-kita ang buong bayan at ang palasyo ng Calier. His favorite getaway.

Why do people get hurt when all they do is do the best for the person they love?


Fake Wife of the DukeWhere stories live. Discover now