CHAPTER 40

269 15 2
                                    

It was still 4 am in the morning and whole mansion was in chaos.

My body was literally freezing when I got out of bed. I got a gray scarf from the cabinet and wore it around my neck.

I am still in my night gown when I went out from my bedroom.

"Magandang umaga kamahalan!" bati ng mga katulong pag nadaanan nila ako.

Tumango-tango lang ako sa kanila.

Pagkatapos lumabas ni Felix sa silid ko ay napag-isipan kong susundan ko siya kaya heto ako ngayun.

Nang makababa ako sa unang palapag ng mansyon ay kumunot ang noo ko.

Everyone's awake! Halos lahat ng mga katulong na kilala ko ay may ginagawa.

"What's wrong? It's still four in the morning," I whispered to myself.

Sa totoo lang ay pinoproseso ko pa ang mga nangyari. Mula sa pag gising ko at pagdating ni Felix hanggang ngayun!

Parang lumulutang pa ang kaluluwa ko at hindi man lang masagap ng aking isipan kung ano talaga ang nangyayari ngayon.

"Kamahalan! May kailangan ka?" gulat na sabi ni manang ng makita akong nakatulala sa may hagdanan.

"Si Felix po? Nasaan?" tanong ko.

Tinignan niya muna ako ng maigi bago nagsalita ulit.

"Nasa tanggapan ng mga bisita, may inaayos lang iha,"

Tumango ako at nagpatuloy na sa paglalakad patungo sa kung nasaan si Felix.

Seriously, he should've stayed longer with me.

Napahinto ako ng marinig ang ingay mula sa tanggapan.

Ang mga katulong na dumadaan ay nag-iiwas ng tingin kundi ay nahihiyang tumatango sa akin.

"Hays! Tignan mo nga naman iyan! Mga walang respeto!" galit na bulong ni manang.

Hinayaan ko nalang sila at nakinig nalang sa ingay na nanggaling sa isang silid.

"Sa akin ang batang iyan Vienna!" galit na sigaw ng isang lalaki.

Suminghap ako at naglakad na muli.

"Si General ba yun?" ani Manang.

Narinig ko ang hagulhol ni Vienna sa pasilyo kaya binuksan ko na ang pinto.

Nakita ko si Felix sa loob na naka upo sa sofa at hinihilot ang sintido.

"Felix! Bakit ayaw mong maniwala! Anak mo ang dala-"

"For heaven's sake Vienna! Walang nangyari sa atin!" putol ni Felix sa sasabihin ni Vienna.

Mas umiyak ito.

Nakita kong suminghap si General Mak nang makita ako.

"M-magandang umaga, Kamahalan,"

I just nodded to acknowledge him.

"Venna," tawag ni Felix sa akin.

Malambing ang kaniyang tono at maamo ang ekspresyong nakatingin sa akin.

Tumayo siya at sumenyas na palapitin ako sa kaniya.

Agad naman akong naglakad patungo sa kaniya.

He hugged me and kissed my forehead. He then looked me in the eyes as if saying sorry to me.

"Now you're here too!" Vienna scoffed.

"Vienna!" suway ni General Mak.

Kumalas ako sa yakap ni Felix at tinignan siya mula paa hanggang ulo.

Fake Wife of the DukeWhere stories live. Discover now