CHAPTER 16

109 9 0
                                    

It's been a month since I was brought here and pretended to be the Duke's wife.

"Mish? Mish!" sigaw ko habang hinahanap yung alaga ko.

It's been a week. At hindi ko pa siya nahahanap! I keep looking for him everyday pero wala talaga.

The thought that he went back to the north made me sad.

Naglakad ako pabalik sa kusina at nilapag ang isang platong cupcake sa lamesa.

Dinampot ko ang aking sombrero at sinuot iyon.

"Baka bumalik na iyon sa pinanggagalingan," si manang.

Sinimangutan ko lang siya.

Kinuha ko ang isang basket at gunting. Dumiretso ako sa hardin para mamitas ng bulaklak.

Namukadkad na ang ilang mga bulaklak. The garden looks lovely, with all those flowers!

I carefully cut the stem of the flower and put it in the basket.

"Tulungan na po kita ma'am!" nag-alalang sabi ng hardinero.

I may look like I don't know how to do this, but I'm fine!

"Okay lang po! Salamat!"

Nagdadalawang isip siyang tumango at umalis na rin.

Nagpatuloy ako sa aking ginagawa. Cut the stem and put the flowers in the basket.

Pinahiran ko ang aking noo when I felt my sweat running down.

I look up and saw the sun's shining high above the sky.

It's really hot! Pinaypayan ko pa aking sarili.

I stood up straight and stretched my shoulders.

Then suddenly I felt a hand on my waist.

"Sakto na yang nakuha mo," sabi nito habang hinahalikan ang pisngi ko.

Tinulak ko siya palayo at binigyan ng galit na expression. I'm full of sweat!

Ngumuso siya at kinuha nalang ang basket na may lamang bulaklak. Iginiya niya ako patungo sa loob ng mansyon.

Pumunta kami sa kusina at nilapag iyon doon. Hinubad ko ang aking sombrero at tinignan isa-isa ang mga bulaklak.

"Ako na diyan, iha" si manang.

"Thank you!"

Nilingon ko si Felix nang may naalala ako.

Nakita ko siyang may kinuhang towel sa gilid niya at pinunas iyon sa mukha ko.

"Sasama ako kay manang mamalengke, mamaya! Payagan mo ako!" sabi ko sa kaniya.

But he just seriously wiped my sweat off! Parang hindi nakikinig.

"Felix!" tawag ko.

"Hmm, sasama ako" sabi nito habang binabalik ang towel sa bulsa niya.

"What? No! Dito ka lang! Nakakakuha ka ng atensyon baka hindi kami matapos kaagad!" suway ko at naglakad na papunta sa kwarto para magbihis.

Sumunod naman siya sa akin.

"I'll hide my identity—"

I angrily looked at him.

"Nahihibang ka na ba? No! They'll still know you," sabi ko then I rolled my eyes.

Seriously nag-iisip ba siya?

"Okay," pagsusuko niya.

Good!

Umupo siya sa kama at pinagmasdan nalang akong magbihis.

Hindi na ako nahiya na maghubad sa harap niya. Sa tuwing nagbibihis ako nandiyan kasi siya.

"Please help me close the zipper!"

Tumayo naman siya at tinaas ang zipper.

I kissed him on the cheeks as a thank you.

Kumain muna kami bago namalengke. He kissed my forehead goodbye nang papaalis na kami.

Umusad na ang karwahe at nakita ko si manang na titig na titig sa akin.

"Ano po iyon?" I curiously asked.

She blinked her eyes rapidly at me.

"Wala naman," nakangiting sabi niya.

Kumunot ang noo ko at pinagsawalang-bahala nalang iyon.

Bumaba kami sa may palengke at agad na naglibot para sa mga bibilhin.

May mga nakakakilala sa’kin kaya bumabati. Tumatango lang ako sa kanila to acknowledge their presence.

Tapos na kami sa mga vegetables at prutas kaya pumunta na kami sa may mga karne.

Habang pumipili ay may nakikita akong tumatakbo na mga lalaki. Kunot noo ko silang tinignan.

"Kawawang mga bata," umiling ang tindera habang tinitimbang ang nga karne na pinili namin.

"Bakit? Ano ang nangyayari?" tanong ko.

"Kanina lang Duchess, sinalakay ang quarters ng mga kawal sa norte!" natatakot na sabi nito.

Nagbayad na si manang at tinanggap iyon ng tindera.

"Sino pong sumalakay?" tanong ko ulit.

"Ang mga Monalian!" sabi nito at napangiwi pa sa takot.

I frozed. What's happening?

"Nayyy! Nabalitaan mo ba Duchess na nakakatakot ang mga taga norte?" sabi naman ng isang tindera.

Nakinig lang kami ni manang.

"Mismong anak na babae ng hari ay sinusunog ang mga patay na katawan ng mga kalaban nila!" umiiling pang sabi nito.

"Aba ay nakakatakot iyan!" si manang.

"Sabi mo pa Belinda! Ewan ko at bakit sumalakay! Gusto na naman ata ng digmaan!"

Umalis na kami doon at agad na sumakay ng karwahe. I wonder if Felix knew about this already?

Will he join the war again? Mahihirapan siya pag ganun! Lalo na pag kalaban ang Monalian!

Hindi pa kami nakarating sa mansyon ay nakita ko ang nga karwahe ng palasyo sa labas.

The king's here. If that's so, malaki siguro ang casualties sa nangyaring salakay!

Fake Wife of the DukeWhere stories live. Discover now