Chapter twelve
Clary's POV
"Sure, I'll make you fall in love with me. I'll make you fall in love with a gangster." He said while smiling.
"Okay. Good luck." Sabi ko sabay kindat sa kanya.
Ilang araw lang din kaming nag stay dun sa clinic nung resort.
Siguro mga 2 days lang kami dun.
And 2 days na rin siyang nanliligaw sakin.
Nung 1st day.
Binigyan niya ako ng white rose. Ang ganda ng rose. Sobra.
At binigyan niya rin ako ng Chocolates.
Nung 2nd day naman.
Rose na Red ang binigay niya sakin at isang Anklet.
Ang ganda nung anklet kasi May Nakalagay na name ko. Parang pinasadya niya talaga. Parang para sakin talaga.
Di ko naman alam ngayon kung ano sunod niyang Da moves.
By the way. Tinanggal ko na yung engagement ring namin ni William. Pinatapon ko nalang kay Jerk sa kahit saan. Ewan ko lang kung ano ginawa niya dun.
Nandito kami ngayon ni Jerk sa Car niya.
Pinayagan na kasi kami nung doktor na Umuwi na kami.
Sobrang tahimik sa kotse niya.
Mukhang sobra siyang seryoso pag nagda-drive.
Ang booooorrrriiinggggggg.
"Jerk, pahiram ng phone mo. Please" sabi ko. Maglalaro nalang ako ng games.
"Wala. Lowbatt na." Sabi niya.
"Sus, damot mo." Sabi ko sabay pout.
"Lowbatt nga." Sabi niya.
Lumipat nalang ako sa likod. Matutulog nalang ako.
"Oh. Anong ginagawa mo. Di pa masyadong ok yang paa mo." Sabi niya sabay hinto sa pag mamaneho.
"Matutulog na lang ako. Ang damot mo kasi eh." Sabi ko sabay higa.
"Ok." Sabi niya at pinagpatuloy niya na yung pagda drive niya.
Maya maya siguro after 30 minutes.
Ginigising niya ako.
Alam kong ginigising niya ako pero inaantok pa ako.
Bigla kong naramdaman yung Mga daliri niya sa mukha ko.
Sa tingin ko hinahawi niya yung buhok ko na nakaharang sa mukha ko.
"Huy. Clary gising na" sabi niya.
"Hmm." Sabi ko sabay inat.
Wow! Ang ganda!
Ang ganda nung dagat!
Ang ganda nung view!
--
Jamie/Jerk's POV
Nandito kami ngayon sa tagaytay.
Nandito kami ngayon Sa Picnic grove.
Kanina nung ginigising ko siya ayaw niyang magising.
Nakaharang yung buhok niya sa mukha niya kaya inalis ko iyon.
Nung nagising siya.
Na halata ko na amazed na amazed siya sa view.
Ang saya ko kasi ang saya niya.
Di parin siya nagbabago.
Gustong gusto pa rin niyang pumupunta sa tagaytay.
"Uhm. Jerk nasan tayo?" Tanong niya.
"Nasa tagaytay." Sagot ko.
"Uhm. Alam ko pero san sa tagaytay. Diba kasi dati nung high school tayo, madalas tayong mag field trip sa tagaytay pero wala akong naaalala na nagpunta tayo dito." Sabi niya sabay tingin sakin.
Ang ganda niya.
I love her eyes.
"Bago lang ata tong picnic grove eh. Kaya di natin napuntahan nung high school tayo." Sabi ko.
Meron dung mahabang hagdan. Pababa para makita mo pa yung lawak nung place at para makita mo rin yung Taal Volcano.
Hirap na hirap siyang bumaba kasi masakit pa yung paa niya.
"Piggy back ride? Gusto mo?" I asked her.
"Ah. No. Alalayan mo nalang ako." Sabi niya.
Ang tagaaall.
Binuhat ko na lang siya ng parang bagong kasal.
"Wahhh! Baba mo ako Jerk!" Sigaw niya
"Ang tagal eh. Tsaka ayokong nahihirapan ka. At isa pa, wag kang sumigaw masakit sa tenga at maraming tumitingin satin" sabi ko.
Di na siya sumagot.
Umupo kami sa isang parang Silungan dun.
Manghang mangha parin siya.
"Ang ganda jerk.!"
"Wow!"
"Amazing!"
Yan ang lagi niyang sinasabi sakin ngayon.
Masaya ako na Masaya siya.
Umupo na siya malapit sakin.
Bigla niya sinabi sakin.
"Jerk." Sabi niya at nakatingin lang kami sa isa't isa.
"Hmm?" Sabi ko.
"Jerk, unti unti na akong naniniwala na ikaw si Jamie. Na ikaw si Best friend ko." Sabi niya sabay ngiti sa akin.
Ngumiti lang din ako sa kanya. Sabay tingin dun sa Taal Volcano.
"At unti unti narin akong nahuhulog" sabi niya at bigla naman akong napatingin sa kanya.
Tama ba narinig ko?
Nahuhulog na siya?
"You're almost there. Jamie. Malapit mo nang makuha tong nararamdaman ko." Sabi niya sabay hawak sa kamay ko.
"Don't worry clary. Pag nalaglag ka, sasaluhin kita. Di kita hahayaang umiyak. Pangako ko yan." Sabi ko sabay halik sa noo niya.
At sabay lang kaming tumingin sa taal volcano.
Ang sarap sa feeling...
Ang sarap sa feeling na Minamahal ka na ng taong mahal mo..
================================================================
Hi! This is Zirt! The Author 😋
So, how was it? ☺️
Read
Comment
Vote!
Twitter: @AbeZirt
IG: Zirt24
✖️✖️✖️✖️
![](https://img.wattpad.com/cover/38139480-288-k487326.jpg)
BINABASA MO ANG
MY BESTFRIEND IS A GANGSTER | JADINE
Teen FictionAnong reaction mo kung ang best friend mo nung highschool ay naging Gangster? From being the school's prince to a gangster. Anong gagawin mo kung ikaw pala ang dahilan ng pagiging gangster niya? Subaybayan ang Love story ni Clary at Jamie. (JaDine)