Chapter 38: 'Sweet yes.'

262 11 2
                                    





Chapter 38

MIRA'S POV

Bakit alam ni clary yung mga ganong bagay about sa past niya?

Sabagay, siguro kinwento sa kanya ng family and friends niya.

"Yes, I know him. He's my friend. Siya pala yung dahilan kung bakit ka nagka amnesia. Walangya siya." Pagkukunwari ko

"I know, walangya siya. Ang sama niyang tao. But wait, sino nga pala yung kasama mo kahapong lalaki nung nabunggo ko kayo?" Sasabihin ko bang si Jamie yun? Bahala na nga.

"Ahm. Yon? Si james warrel yun. BOYFRIEND ko. TATAY ng dinadala kong baby." Ano batong pinagsasasabi ko? Fvck.

"Ah. Well, gusto kong maging ninang niyan. Hehe." Sabi niya sabay turo sa tiyan ko.

"Yeah sure. Why not?" Sabi ko sabay ngiti sa kanya.

She's still the same OLD clary. Mabait, maganda, mapagkumbaba, mapagtanong at halos lahat pa ng ugali na meron siya dati sa past niya.

Walang pinagbago maliban sa memories niya.

"That's great! So, order na tayo? Para di magutom si future pamangkin ko. Hehe" sabi niya at saka tinawag yung waiter.

Nagusap usap pa kami tungkol sa kung ano ano. Tinanong niya rin sakin kung anong klaseng magkaibigan daw ba kaki? I mean, lagi daw ba kaming gumagala? Lagi daw ba kaming nag aaway? Basta ang sabi ko sa kanya.

"Wala. Parang bbf lang" sabi ko sa kanya.

Natapos ang dinner namin sa isang bye at isang kaway. Nang makarating ako sa hotel na tinutuluyan namin ni Jamie. Nakita ko siya tulog.. Pero may mga libro siyang katabi. Pumunta ako sa kama at tinignan yung mga libro.

Akala ko, mga natural na libro lang. Katulad ng 'Maze runner', 'Hunger Games', 'The mortal instruments' at iba pang mga sikat na libro. Pero hindi..

Imbis na mga sikat na libro ang makita ko. Ang nakita ko ay mga librong pang daddy. I mean, yung mga guiding books. Yung iga-guide ka kung paano maging daddy. Yung sasabihin sayo kung ano yung dapat mong gawin kapag lumabas na yung baby mo.

How sweet. Pero parang sobra na kasi yung sakripisyo niya simula nung... Ay. Wag na nga lang. Baka maistress pa ako. Baka makasama lang iyon kay baby.

Naisipan ko munang titigan si Jamie. His eyes, his cheeks, his nose and his lips. It's still the same. Maliban sa kulay ng buhok niya at sa pananit niya. Medyo black na may pagka brown na yung buhok niya. Hindi na blonde katulad ng dati. Maayos at  disente na rin siya manamit. Hindi katulad ng dati na all black. Sa nakaraang 11 months. Maraming nangyari at nagbago. Lalong lalo na sakanya.

Pagka tapos kong titigan siya. Dumiretso na lang ako sa banyo, niligo, nagpalit at natulog sa tabi ni Jamie. Bukas ko na lang iku-kwento sa kanya ang lahat ng napagusapan namin ni clary ngayong araw. What a stressful day.

~~

Jamie's POV

Pagka tapos ni Mira lumabas sa Room namin para puntahan at makipag usap kay clary. Dumiretso ako sa closet at kumuha ng mga Books na para sa mga 'soon to be daddy's'. Well, kailangan ko rin yung mga gantong bagay.

After ng mahigit 30 minutes na pag babasa. Biglang may pumasok sa isip ko. Tumigil muna ako saglit sa pagbabasa at kumuha sa Refrigerator ng tubig. Pagkatapos ng straight na pag inom ng isang baso ng tubig. Biglang sumagi sa isipan ko sila mira at clary.

Kung ano na yung ginagawa nila ngayon. Kung ano na yung pinag uusapan nila ngayon. Kung kasama ba ako sa pinaguusapan nila. Bumalik ako sa kama kung saan ako nagbabasa at pinagpatuloy ito. Hanggang sa nakaramdam ako ng antok.

Dahan dahan ng usang nag sara yung mga mata ko. Bahala na, kahit gusto ko pang marinig yung mga kwento ni mira tungkol sa ginagawa nila ngayon. Bukas na lang siguro. Antok na ako.

~~

(A/N: Di muna po ako mag bibigay ng POV ni clary. Kay NICO naman po ;). Then sa next chapter. Kay Merdyce naman po. Para po lahat po ng saloobin nila nalalaman natin. So yun! Enjooy!)

Nico's POV

Hala. Dalawa o tatlong araw na ata kaming di nag kikita ni Clary. Pero wag OA, naguusap naman kami sa call or sa text.

Inaya ko siyang mag jogging then mag mall bukas. Syempre my treat! Then as usual, lagi naman pumapayag yun. Ako pa ba? Malakas ako dun eh.

KINABUKASAN...

"Claaaaaaaaarryyyyyyy! Gising naaaaa." Sabi ko sa kanya. Ay! Teka andito nga pala ako sa bahay nila. Ayaw ako sagutin sa call nitong Mahal ko eh.

"Mmmm? 5 minutes..." Sabi niya sabay talikod sakin.

"Nooooooo. Nakabihis na ako. Lumalabas na yung araw oh. Ay, sige ka. Iitim ka." Pananakot ko sa kanya. Isa lang yan sa kahinaan ng babaeng yan. ANG UMITIM. Hahaha

Agad naman siyang tumayo.

"What time is it na ba?" Sabi niya habang kinukusot kusot yun  mga mata niya.

"5 am, I guess." Sabi ko.

"Whaaat? 5 pa lang naman nico eh." Sabi niya at humiga ulit at nagtalukbong.

"Noooooooooo. May ibibigay ako sayo eh pag katapos nating mag jogging." Pagpupumilit ko.

"Okaaay. Fine. Wait there. I'll clean and prepare myself." Sabi niya at saka tumayo. Kumuha ng isusuot niya, ng twalya at pumasok sa banyo.

After 20 minutes ng pagligo, pagbihis. Bumaba na kami.

Nagpa alam na kami kila Tita, tito at kila kuya jace.

Nagjogging kami for 45 minutes. Then nagpahinga saglit. Then another 45 minutes at yun. Natapos na kami sa pagjo-jogging ng mga 7 kasi ang harot harot namin kaya medyo tumagal haha at umuwi na kami. Sinabihan ko siya na I'll fetch her mamayang mga 9:00 am. Mag mo-mall kami. Bonding and manonood lang kami ng Movie tapos kakain then uuwi na.

Habang nasa kotse kami. Nangangati yung dila ko, not literally na nangangati pero you know what I'm saying. May gusto akong sabihin, itanong pala.

HALAAAAA. Pano ko ba to sasabihin? I'm freaking!

Inhale! Exhale! Ito na talaga!

"Uhm. Clary?" Panimula ko

"Yes?" Sagot naman niya.

HALAAA. Ayoko naaaa. Nakakatakot. Nakakakaba. Halaaaa

"Wag kang maiinis or mabibigla sa tanong ko ah." Hiyang hiya na akooo. Nakakabading.

"Sure. Ano ba itatanong mo?" Sabi niya sakin.

Itinigil ko muna yung kotse sa gilid ng kalsada at tumingin sa kanya ng seryoso.

"When will you give that sweet yes to me?"

Sabi ko at biglang dumaan ang katahimikan.

===

HELLO GUYS! ZIRT! HAHAHA

ANG TAGAAAAL. Ang tagala ko nag update hehe. Pero PRAMIS babawi talaga ako. :))

Maybe 2 or 3 updates next week. Hehe.

So yun! Silent readerssss! Kaway kaway!

Thankssss!

God speed!

Don't forget to vote pala ;)

MY BESTFRIEND IS A GANGSTER | JADINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon