Chapter 34: Merdyce

276 11 0
                                    

Chapter 34

(AN: this chapter will be on MERDYCE'S POV. Sa mga hindi po nakaka alala, merdyce is the best friend of Mira. Thanksss)

Merdyce's POV

It's been 11 months na rin pala nung lumipat ako dito sa canada at naging best friend si clary. Yep, tama kayo ng binasa. Best friend ko na si clary.

Ito ako ngayon nagda-drive papunta sa bubuksang coffee shop ni clary. Nung pagka-dating ko lang dito sa Canada tsaka ko lang nalaman na nagka amnesia pala siya dahil dun sa nangyaring car accident sa kanya 11 months ago. Noon ko lang din nalaman mula kila Kuya jace at sa mama ni clary na Culinary arts pala yung tinapos ni clary dati pero isang beses pa lamang siyang nakakapag trabaho dahil nakilala niya si William at naging sila. Kaya yun pinilit nila si Clary na itry mag business dito sa Canada. Sabi nila, kahit naman nagka amnesia si clary syempre nandun pa rin yung skills niya pagdating sa pagluluto. Still confused kung paano kami naging bestfriend ni clary? Here's the story.

Walang kwenta talagang kaibigan si mira. Tsk tsk. Nung pagka alis ni clary sa bansa, bigla na lang niya akong binalewala. Plastik. Kilala niya lang ako pag may kailangan siya sakin. Sa ngayon, wala na akong balita tungkol kay clary simula nung naaksidente siya. Ang last ko na lang na narinig na tsismis na tungkol sa kanya ay umalis daw ito sa Pilipinas. Pag katapos nun, wala na! Wala na akong balak alamin kung bakit siya umalis.

Nandito ako ngayon sa airport, balak ko sanang mag bakasyon muna sa Canada. Nabwiset na ako sa buhay ko dito sa Pilipinas eh. I need a break. Well, everybody needs a break, right?

Nagsimula nang tumayo isa isa yung mga lilipad rin papuntang Canada kaya tumayo na rin ako at pumunta sa airplane na sasakyan ko.

Habang nasa airplane ako unti unti na rin akong dinalaw ng antok. Pag katapos ng ilang oras na tulog sa eroplano, nagising na ako at nakitang bumababa na isa isa yung mga kasama ko dito sa eroplano.

Ang lamig naman dito sa Canada! I need some coffe. Naisipan kong mag hanap muna ng coffe shop para umorder ng coffe. Papasok na sana ako dun sa shop nung may nakita akong nakatalikod na babae. It's looks very familiar to me. Pumasok ako para alamin kung sino at para na rin umorder ng tea.

Pagka pasok ko sa coffee shop bigla namang umalis yung babae sa counter at humanap ng table. Ang bagal ko kasi eh, di ko tuloy naabutan. Hayaan mo na nga.

Di ko na lang ito pinansin at dumiretso na alng ako sa counter para umorder ng coffee. After getting my coffee nag hanap ako ng table. Saktong nadaanan ko yung table nung babae. May binabasang parang cookbook yung babae, nung biglang niyang itinaas yung ulo niya para inumin yung coffee niya at saka ulit bumalik sa pag babasa nung cookbook..

Oh, sh*t!

Is this clary?

"Uhm. Hello?" Sabi ko sa kanya, agad naman niyang itinaas yung ulo niya para tignan kung sino ako.

"Hello" nakangiti niyang bati sakin.

"Uhm. Ano name mo?" Sunod niyang tanong.

"Di mo ako kilala clary?" Natatawa kong sabi

"Sorry. Nagka roon kasi ako ng amnesia eh." Sabi niya sakin

Sh*t! Kawawa naman si clary, dahil sa mga pinag gagagawa nila jamie at mira, nag karoon na siya ng amnesia.

"I'm merdyce, clary. A friend of yours dati. Share tayo sa table ha?" Sabi ko sabay upo sa table.

"Ah. Hello, merdyce. Well, we can still be friends now." Sabi niya at saka humigop ng coffee niya.

At yun, simula nun naging friends kami hanggang sa naging best friends kami. Nung una medyo akward pa para sakin kasi di naman talaga kami friends, kunwari lang naman yung sinabi ko.

Pero habang tumatagal nalaman ko na mabait at tunay na kaibigan tong si clary. Kaya pala marami siyang friends. Naging friends ko na rin sila Mark, Ara at mikah. Sabi nga nila nadagdagan na raw yung clary and friends. Hahaha

Mag babakasyon lang naman ako san dito eh. Kaso naging friend ko si clary eh. Kaya pinilit ko si papa na dito na lang ako tumira kasama si Mama, at pumayag naman si papa sa gusto ko.

Sa dami ng inisip ko, di ko namalayan na nandito na pala ako sa opening na coffee shop ni clary, nakaka proud naman si bestie, and daming tao kahit opening pa lang itong shop na to. Pano pa kaya pag open na talaga ito for business? Pumasok ako at agad naman akong nakita ni clary kaya kumaway siya agad. Lumapit naman ako sa kanya at niyakap siya.

"Congrats bestie! Ang dami tao ah!" Sabi ko habang yakap yakap ko siya.

"Bestie, konti lang talaga yang mga bibili pero para dumami inaya ko yung mga relatives ko from Philippines para lang pumanta dito tsaka para na rin dumami yung tao. Kunwari madami na agad bibili kahit opening palang." Sabi ni clary habang natatawa. Kumalas na rin ako sa yakap.

"Ay sus. Kala ko pa naman ang dami na agad bibili. Yun pala relatives mo lang. Pero okay lang yan bestie, tutulungan kitang padamihin yang mga bibiling yan dito sa shop mo." Sabi ko sabay kindat sa kanya

"Thanks bestie! Tara upo na tayo dun." Sabi niya at saka hinablot yung kamay ko papunta dun sa table na tinuro niya.

After ng ilang oras sa shop ni clary. Umuwi na rin ako. Pagabi na rin kasi eh, baka magalit si mama. Pagka uwi ko. Naligo at nagpalit ako agad ng damit, at saka nahiga. Patulog na sana ako nung biglang nag ring yung phone ko.
May nag text. Kinuha ko naman agad yon at tinignan kung sino yung nag text.

"From: Bestie

Hoy, bestie! Ang aga mong umuwi! Bumawi ka sakin ah! Pag hindi, ay naku! Sige na. Alam ko ng nakahiga ka na. Matulog ka na, nga pala thanks sa pag punta kahit saglit lang. Night! Night!"

Nireplyan ko naman ito agad ng ok at sorry na rin kasi maaga akong umuwi.

Binalik ko yung phone ko sa table at pinikit ulit yung mga mata ko. Nag ring ulit yung phone ko pero di ko na yun pinansin. Si clary lang yun, nagreply ng "okay :)".

Kinaumagahan, bumangon ako at nag hilamos at toothbrush. Kinuha ko yung phone ko para tignan kung ano reply ni clary. Kung "okay :)" nga yung reply.

Pero hindi pala. Hindi si clary yung nagtext. Unknown number. Inopen ko ito at binasa.

"From: unknown number

We're coming, merdyce!"

Tae. Sino naman kaya to? At bakit alam niya pangalan ko?

--
AN: this is Zirt! Sorry sa matagal at maiksing update. :)). Baka po di ako makapag UD this week kasi exam days na po namin, kailangan mag review. Yun lang po, thankssss!

Read

Comment

Vote

Twitter: @Abe_Zirt

IG: Zirt24

(Kung sino po unang mag vote and comment sa chapter na to. Ide-dedicate ko po sa kanya yung next chapter :)) thanksss)

MY BESTFRIEND IS A GANGSTER | JADINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon