Chapter 46: "The favor"

207 5 0
                                    

Chapter 46: "The favor"




Agad kong sinagot yung incoming call mula kay james. Sinabihan niya lang ako na mamayang hapon daw siya available para maki pag meet kila ara, mikah at mark. Kaya sinabihan ko na rin siya na magkita kita na lang kami sa coffee shop ko mamaya. 4 pm.

Tinext ko na rin agad sila ara na pumayag na si james makipag meet sa kanila. Ganon ulit yung sinabi ko, sa coffee shop ang meeting place at dapat 4 pm nandun na.

Bumalik ulit ako sa pagtulog ko. Buti na lang di natuloy yung panaginip ko kanina. Buti na lang may nag interrupt. Buti tumawag si james. Pero pano nga kung mangyari ang lahat ng napanaginipan ko kanina?

Ano gagawin ko? Ano sasabihin ko? Sino sasagutin ko?

Pero parang imposible naman na mangyari yun eh. May girlfriend na si james. At magkaka baby na sila. Just in a few months lalabas na rin yung baby nila at magkakaroon na sila ng happy family.

Sa pagkakaalam ko mga 6 months na atang buntis si mira. 3 months na lang lalabas at makikita na rin naming si baby boy. Tumingin ako sa wall clock ko at nakita na 2 am na pala. Pinikit ko ang mga mata ko at natulog.

11:45 AM......

Saktong tanghalian na naming nung nagising ako. I have 15 minutes and 4 hours pa bago kami mag meet nila ara at james. Naisipan kong ayain din si merdyce total medyo matagal tagal na rin kaming di nakakapag bond dahil lagi akong nangangapit bahay kila mira. Namiss ko rin yung bruha na yun ah.

Kumain ako ng tanghalian at tinulungan si mama na mag urong ng mga plates, glasses at utensils. Wala kasi kaming maid dito sa bahay. Ayaw ni papa kasi baka daw maging tamad na kami pag meron ng maid. Kaya yon, kanya kanyang toka pagdating sa household chores.

Kami ni mama sa pagligpit ng pinagkainan at sa pag huhugas ng mga ito. Si kuya jace sa paghuhugas ng kotse namin. Yung isa kong kuya na sobrang tamad, sa kanya yung pag mamap ng buong bahay. Tapos yung mga punas punas ng mga furnitures etc at pagwawalis sa bahay, sagot ng tatlo kong makukulit na pamangkin.

So yun na nga, tinext ko na si merdyce para ayain siyang sumama samin mamaya.

Me: bestie, free ka mamaya? Sama ka samin, coffe shop ko @ 4 pm. Gora?

Merdyce: anong meron bestie? Bday? Ano occasion? Sige, free ako mamaya. Gorabels!

Me: ah wala naman, parang bond bond lang. kasama si james at yung mira and friends. Yay!

Merdyce: Oh, james? The handsome guy na bf ni mira?

Me: yep, why? Is there a prob?

Merdyce: no, wala wala. Sige bestie. See U latur!

Pagkatapos ng convo nay an, pinatay ko yung phone ko at chinarge ko na para mamaya full batt na siya. Niready ko na rin yung mga isusuot ko mamaya. Simple lang ulit. Pinlantsa ko yung simple checkered black and white dress ko. Tas yung favorite kong flatform black heels. Tas mag popony na lang ako mamaya. (look at the picture I uploaded! –Zirt)

3:45 na rin kaya nagpunta na ako sa coffee shop ko. Wala pa sila nung nakarating ako dun kaya nagpunta muna ako sa kitchen ng shop ko. Nagpaluto na ako ng konting pasta at bread para samin mamaya. Syempre pinaready ko na rin yung mga coffee namin.

Maya maya dumating na rin sila. Nauna si merdyce, sunod sila ara at huli si james. Bat ganon? Ramdam kong may something na di ko alam. May something na tinatago mula sakin. May something na dapat kong malaman.

'' Nako clary, baka nahihibang ka lang.'' sabi ko sa sarili ko.

Nag beso beso muna kaming lahat. Syempre sila mark at james, nag shake hands lang.

"so you're james? Well, it's nice to see you" sabi ni ara kay james sabay beso.

"a pleasure to meet you james" sabi ni mark habang nakikipag shake hands.

Si mikah, wala siyang bati kay Jamie. Naki pag beso lang siya at umupo na sa gitna nila ara at mark.

"it's good to see you" bati n merdyce kay James at saka umupo sa tabi ko.

"I'm glad to meet all of you" bati samin ni james. Kinain na naming yung pinaready kong pasta, breads and coffees kanina. Masaya ako at nasarapan sila sa luto ng mga employees ko.

"james, can we go talk outside?" biglang sabi ni mark habang umiinom kami ng coffee.

"sure. Excuse us, ladies" sabi ni Jamie at tumayo. Tinanong ko sila kung ano gagawin nila sa labas.

"We're just going to talk. A talk na para lang sa mga lalaki. Alam niyo na yun, ano ba" natatawang sabi ni mark tsaka sila lumabas pareho kaya naiwan kaming lahat na mga babae.

MARK'S POV

Pag kalabas na pagkalabas namin, nasuntok ko bigla si Jamie dahil sag alit at inis. Sa lakas ng suntok ko, napa upo siya at nakita kong dumugo yung labi niya kaya pinunasan niya sabay tingin sakin.

"What the hell are you doing here?!" sigaw ko sa kanya.

"I'm here with mira." Sabi niya habang tumatayo.

Ano?! Sinama niya pa si mira? Ano to, para package yung mananakit na naman kay clary? Shit.

"Wow ha. So dinala mo pa talaga siya dito. T*ngina niyo Jamie! Di ka na naawa kay clary." Galit na galit kong sabi.

"We're not here to hurt clary again. Dito kami pinadala ng parents niya para dito siya magbuntis at manganak ng ligtas" straight niyang sabi sakin.

"What the.. Buntis si mira? And who's the crazy father? You? Wag mo nga akong gawing g*go katulad mo." Sarcastic kong sabi.

"Yes I am the crazy father." Sabi niya.

Nakita kong parang totoo yung sinasabi niya sakin ngayon. Pinakalma ko muna yung sarili ko at saka ko kinausap si Jamie ng seryoso.

"Okay, fine. You're here kasi pinadala kayo ng parents ni mira para dito siya magbuntis at manganak. Kung nanganak na siya, ano na?" kalmado kong tanong sa kanya.

"Then, we'll leave. Asap." Sabi niya.

"okay. But I just have one favor to ask please. Para lang kay clary." I said

"And now you're asking a favor to the f*cking man, but fine. Go ahead" natatawa niyang sabi.

"Hinahanap ka ni clary. Hinahanap ni clary ngayon yung ex boy friend niya which is ikaw. Please pretend na hindi ikaw yun. She said that she just want to talk to you and ask some questions about sa past niyo. Kumbaga parang closure. Ayaw na namin siya masaktan kasi close friend ka niya ngayon at masasaktan siya pag nalaman niyang ikaw ang ex niya. Okay?" sabi ko sa kaya.

"Okay." He replied

MY BESTFRIEND IS A GANGSTER | JADINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon