Prologue
I hated this summer.
“Ma'am Canyre may tawag po para sa’yo.”
Inabot na sa 'kin ni ate San ang telepono. Isa sa mga kasambahay namin sa bahay. Huminga mo na ako ng malalim bago kunin at kausapin ang taong nasa kabilang linya. Alam ko na kung sino ang tumatawag.
“Hey,” Isang malalim na boses ang aking narinig.
Pinakiramdaman ko mo na ang sandali. Ang malalim niyang boses na dati ay nagpapagaan sa’kin at nakakapagpa-ngiti. Dati na sabik na sabik akong marinig pero ngayon parang ang sakit ng marinig.
“Canyre, saan ka magbabakasyon?” Kinukulbit ako ni Layie habang nakangiting nagtatanong.
Hindi ko pa naman alam kung saan kami mag babakasyon ngayon. Wala pa naman nababanggit si Papa tungkol dito. Pero kung si Mama ang tatanungin baka sa Iceland naman kami pumunta. Ayaw ko naman doon at makikita ko lang doon ang anak ni Tita.
“Hindi ko pa alam Layie kung saan.” Sagot ko sa kanya habang inaayos ang aking bag.
Last day na ng pasok namin ngayon. Graduating na ako next year. Bachelor of Science in Tourism Management ang kinuha kong course. Noong mag-e-enroll na ako dati ay bigla kong naalala 'yong lalaking kumukuha ng piloto. Crush ko siya pero sinaktan niya lang ako. Pero kahit gano'n ay gusto ko pa rin siya kaya ito ang kinuha ko. Gusto kong magkasama kami sa heaven - I mean gusto kong magkasama kami sa lahat ng flight.
“Kami sa Boracay raw ang vacation namin sabi ni Papa at malapit daw doon ang business niya.” Sabi niya sabay kindat doon sa kaklase naming gusto niya.
“Tanungin ko mo na si Simone kung saan sila ngayong bakasyon.” Tartarus sadya ang tawag ko sa kanya pero 'yong second name niya mo na ang sinabi ko kay Layie para hindi niya agad makilala at malito siya.
“Tartarus?” Tanong niya.
Tumango ako sa kanya sabay sarado ng bag ko. Kinuha ko na rin ang laman ng locker ko at mga pampaganda lang naman ang laman no’n. Hindi ko alam na kilala pala niya iyon.
“Tartarus Simone Dane Ybañez?” Tanong ulit niya.
“Oo nga Layie. Paulit-ulit?” Hatak ko sa kanya palabas ng room namin.
“Tartarus Simone Dane Ybañez ng engineering?” Excited na tanong niya.
“Layie ‘di ba naik’wento ko na siya dati sa’yo?”
“Duh, girl. Araw-araw kang may kinuk’wento sa ‘kin kaya paano ko maaalala kung sino doon? Tapos iisa pangpangalan lahat.” Pagtataray niya sa ‘kin. “Mahilig sa Simone.” Sabi niya na may ngiting nakakaloko.
“Anong mahilig sa Simone? Pauso ka.” Sabi ko sabay kaway kay Wynter nang makita ko siyang nakatayo sa tapat ng building namin.
Mukhang may hinihintay siya dahil nakatingin siya sa pinanggalingan naming room. Pamilya niya ang may-ari ng Venus Cafe na malapit lang sa school namin.
“Totoo naman. Gusto mo isa-isahin ko pa sa’yo?” Paghahamon niya sa ‘kin.
“Sige nga,” Paghahamon ko rin sa kanya.
“Simone Jade Del Rosario ng Law department. Mark Simon Galvez, James Josh Simonne Martinez, and Simone Cruz ng engineering.” Pag isa-isa niya.
Malapit na kami sa engineering department kung saan pupuntahan namin si Simone para tanungin kung saan sila ngayong bakasyon nang pamilya niya.
“Simone -” Hindi na niya natapos pa ang sasabihin ng bigla kong tinakpan ang kanyang bibig.
“Ayos ka lang?” Tanong niya sa ‘kin.
BINABASA MO ANG
While You Were Awake (Summer Series #1)
General FictionThe moment she knows what's going on in his condition, Canyre Tusia Enyo Santos will fulfill his want. Giving her best to make him happy even she's in pain. She promise while holding his hand that while he was awake she will make him happy and forge...