Chapter 12

143 3 23
                                    

Chapter 12

Treatment

Ilang oras na akong nakatulala sa painting na nasa kwarto ko. Mukha ko lang naman iyon na pinagawa ko sa isang painter na nakita ko online. Natuwa lang ako sa gawa niya kaya nagpagawa na rin ako upang tulong na rin sa kanya.

Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko ng marinig kong may kumakatok. Kinabahan ako sa ‘diko alam na dahilan. Nakatingin lang ako doon at naghihintay kung bubuksan ba niya ang pinto. Naka ilang minuto ang nakakalipas ay hindi pa rin binubuksan ng taong kumakatok ang pinto.

Hindi naman ako makasigaw ng ‘pasok’ dahil hindi naririnig ng taong nasa labas ang mga tunog na manggagaling sa loob. Pinuntahan ko na lang ang pinto at ako na ang nag bukas. Hindi naman ako nag lo-lock ng pinto pero bakit ayaw pang pumasok kung sino ba’tong kumakatok?

Habang papunta ako sa pinto ay naiisip ko na kung sino ang kumakatok. Naalala kong ayaw ni Timotheo mag bukas ng kwarto ng babae pag walang pahintulot. Mukha niyang bagong ligo ang bumungad sa’kin nang pinagbuksan ko siya. Naamoy agad ng ilong ko ang bango ng ginamit niyang pampaligo.

Lalo siyang gumawapo sa messy hair niya ngayon. “Tara na kumain sa baba.” Sabi niya sa’kin habang nakatingin sa’king mata. Tumango na lang ako at sumunod sa kanya. Hindi ko napansin ang oras dahil sa pagtulala ko kanina habang iniisip ang nangyari sa k’warto niya.

Pinaghila niya ako ng upuan bago ako binigyan ng makakain. Umupo na siya ng natapos na niyang bigyan ako ng mga niluto niya sa plato ko. Sinigang na baboy ang niluto niya ngayong tanghali para sa’ming dalawa. Tinikman ko agad ang sabaw na nasa mangkok na binigay niya sa’kin.

Nakatingin lang siya sa sa’kin na parang naghihintay ng expression ko. Sumama ang expression ng mukha ko ng matikman ko ang luto niya. Kitang-kita ko kung paano siya ngumiti ng nakita niya ‘yun. Ang asim ng sinigang niya at hindi ko maitatangging masarap ito. Hindi ko alam na maalam siyang mag luto ng mga pang-ulam na pilipino dish.

“Masarap?” Tanong niya sa’kin habang kumakain kami.

Tumango na lang ako sa kanya at kumain na lang. Tamang-tama lang ang pagkaluto niya sa karne ng baboy at sa mga gulay. Mas masarap pa siyang magluto kaso sa akin. Halos mga fozen foods lang nga ang kaya kong iluto.

“Saan mo natutunan ang magluto ng sinigang na baboy?” Tanong ko habang kumakain.

“Tinuro ni Tita Jane sa’kin.”

Nagtaka ako at paano matuturuan siya ni mama magluto kung hindi naman siya napunta sa pilipinas?

“Kailan?” Curious na tanong ko sa kanya. Bihira lang kasing magluto si mama sa bahay dahil si ate San na lang ang nagluluto sa bahay.

Nakakakain lang ako ng luto niya pag may occasion like Christmas or New Year’s Eve. “Matagal na. ‘Diko tanda kung kailan.” Tumango ako bilang sagot. “Inaral ko at sabi ng mama mo ay favorite mo raw ang sinigang at ang adobong paiga. Kaya iyan ang niluto ko.”

Napatingin ako sa kanya at hindi makapaniwala. Ginawa niya talaga ‘yun para maipagluto niya ako ng paboritong ulam ko? Napangiti na lang ako sa kanya bago nagpasalamat.

“Salamat Timotheo.” Nakangiting sabi ko sa kanya.

Tapos na ako kumain at hinihintay ko na lang siyang matapos kumain bago tumayo. Niligpit niya na rin ang mga pinagkainan namin ng matapos kaming kumain. Iniwan ko mo na siya sa kusina at lumabas ng bahay.

Naglakad ako papunta sa gilid ng bahay kung saan nag tatanim si ate San ng mga halaman. Umupo lang ako sa isang metal chair na nasa labas. May mesa kasing metal dito sa garden na mayroong apat na metal chair. Ginagamit namin ‘to ni ate San upang pagtambayan.

While You Were Awake (Summer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon