Chapter 22

95 1 7
                                    

Chapter 22

Angry

Ilang araw na akong hindi pumapasok sa school. Nakatambay ako ngayon sa Venus Cafe. Kung saan-saan ako napunta upang libangin ang aking sarili. Ayaw ko mo nang tumambay sa bahay at siya ang naiisip ko pag-ando'n ako. At ayaw ko na rin pumasok sa school kaya kung saan na lang ako napuntang lugar.

"Lungkot mo ata." Isang malamig na boses ang aking narinig. Napatingin ako sa harap ko at tinignan kung sino 'yun.

Nagtaka ako kung bakit siya andito ngayon. "Wala kang klase?" Tanong ko sa kanya.

Ngumiti lang siya habang nakatayo sa harap ko. "Wala."

Napatingin ako sa upuan na nasa harap ko. Nakatayo lang siya doon sa likod ng upuan habang nakatingin sa'kin. "Hindi ka ba uupo?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Kala ko hindi mo na ako aalukin ng upuan." Natatawang sabi niya bago umupo.

Inirapan ko na lang siya bago ilapit sa kanya 'yung kinakain kong chocolate cake. Nginitian niya lang ako at hindi pinansin ang inilapit ko sa kanya.

"May problema ba?" Seryosong tanong niya ng mapansing hindi na ako magsalita.

Kinunutan ko siya ng noo at hindi na lang sinagot ang tanong niya. Tumingin na lang ulit ako sa mga tao sa paligid ng Venus Cafe. "Ayos ka lang ba?" Sunod na tanong niya.

"Oo naman." Sabay ngiti sa kanya.

Tinignan niya ako ng seryoso bago ulitin ang tanong niya. "Ayos ka lang ba?"

"Oo nga ang kulit." Nakikiupo na nga lang dito dami pangtanong.

"I know you're not." Seryoso lang siyang nakatingin sa'kin.

Napikon ako sa kanya. Bakit ba kasi ang kulit niya. "P'wede ba? Kung manggugulo ka lang ng araw ng may araw ay umalis ka na lang." Napipikon na sabi ko sa kanya.

"Chill...hindi ako manggugulo." Natatawang sabi niya.

Tinignan ko siya ng masama bago magsalita. "Kaya ka ba andito para kunin ang damit mo?"

Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi ko. "'Diba sabi ko sa'yo na iyo na'yun?"

"Bakit ka andito?" Masungit na tanong ko sa kanya.

Ayos na sana kami kanina kung hindi niya lang ako kinukulit. Mabait pa ako sa kanya kanina pero ngayon ay naaasar na ako sa kanya.

"Bawal ba akong pumunta dito sa Venus Cafe?"

Tumingin ako sa paligid bago bumalik sa kanya. "Hindi pa puno ang lugar kaya bakit dito ka sa p'westo ko dumiretso?" Masungit na tanong ko.

"Ano bang nagawa ko?" Nagtatakang tanong niya. "Hindi ka naman ganyan sa'kin kanina."

Sinamaan ko siya ng tingin at kinuha 'yung inabot ko sa kanyang cake. Hindi niya 'yun pinansin kaya ako na lang ang kakain. "Bakit ba kasi ang kulit mo?"

"May problema ka nga." Final na sabi niya.

Sa galit ko sa kanya ay tumayo na ako at iniwan siya doon. Bayad na naman ang order ko kaya lumabas na ako sa cafe. Sumakay ako sa pumaradang taxi sa harap ko at sinabi ko kung saan ako pupunta.

Ilang minuto lang ay nakarating na rin kami sa mall. Nagbayad na ako kay kuya bago lumabas ng taxi at pumasok sa loob. Naghanap ako ng matatambayan. Umupo ako sa may bench na nakita ko at tumingin na lang ulit sa mga taong naglalakad sa harap ko.

May biglang humarang sa harap ko. Tinignan ko kung sino 'yun at nagulat na lang ako ng makita ko ulit siya.

"Bakit mo ba ako sinusundan?" Pikon na tanong ko sa kanya.

While You Were Awake (Summer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon