Chapter 23
Tears
Nakatulala ako ngayon sa kwarto ko. Hindi ko pa rin maisip kung bakit niya ako niloko? May kulang ba sa’kin? Hindi pa ba ako sapat para makuntento siya? Bakit niya ako kailangang lokohin ng ganito?
Napatingin ako sa pinto ng marinig kong may kumakatok. Tinitigan ko lang ‘yun at hindi binuksan. Alam ko naman na si Simone lang ang nasa likod noon. Nagsabi siya sa’kin na dito mo na siya upang bantayan ako. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa.
Ilang minuto pa ay lumabas na ako ng kwarto. Nakita ko siyang nakatayo sa harap ng pinto. Nilampasan ko siya at bumaba ng hagdan at pumunta sa may kusina. Kumuha ako ng tubig sa ref at umupo sa tabi ng lamesa. Ramdam kong nakasunod siya sa’kin habang nakatingin sa bawat galaw ko.
Tinignan ko siya bago ako magsalita. "P’wede mo na akong iwan." Matamlay kong sabi sa kanya.
Lumapit siya sa tapat ko at tinignan ako ng masinsinan. "Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong niya.
Tumango ako sa kanya. "Oo naman. A-ako pa ba." ‘Diko napigilang mabasag ang boses ko.
"Gusto mo bang magk’wento?" Kita ko na nag-aalala siya sa’kin. "Andito lang ako pagkailangan mo ng kausap."
Tinignan ko siya bago tuluyang bumagsak ang aking mga luha. Nilapitan niya ako at inalo. Umiyak lang ako sa tabi niya habang hinahagod niya ang aking likod.
"Iyak mo lang ‘yan." Pag-aalo niya sa’kin.
Alam kong ilang araw lang kami magkasama ni Timotheo pero sa mga araw na magkasama kami ay nahulog lalo ako ng husto sa kanya. Siya ang una kong nagustuhan at siya rin ang unang nagpaiyak sa’kin. Matagal man kaming hindi nagkasama at nakakilala ako ng iba’t ibang tao sa aking buhay pero noong dumating siya sa amin ay parang bumalik ang lahat.
Bumalik yung feelings ko na matagal ko nang nilimot dahil sa ginawa niya sa’kin. Sinabi ko na sa sarili ko na hindi ko siya ulit magugustuhan pero anong ginawa ko ngayon? Dahil sa akin ay nasaktan ulit niya ako.
Ano bang masamang ginawa ko sa kanya? Naging mabait naman ako. Pinakita ko naman sa kanya at pinaramdam na mahal ko siya pero bakit niya ako nagawang lokohin ng ganito?
"H-hindi ba ako m-maganda?" Umiiyak akong nagtatanong kay Simone.
"Maganda ka, Canyre. Tandaan mo’yan." Seryosong tugon niya.
"K-kung maganda ako bakit nagawa niya pa rin akong l-lokohin ng ganito?" Ano ba pang kulang sa’kin? "Gano’n na ba ako hindi ka sapat para maghanap siya ng iba?"
Kala ko ba mahal na mahal mo ako Timotheo? Sabi mo mahal na mahal mo ako? Pero bakit? Bakit...
"Hindi ikaw ang nagkulang…wag mong isipan ‘yan." Niyakap niya ako kaya lalo akong naiyak.
"K-ung sapat na ako b-bakit kailangan niyang humanap pa nang b-bago?" Basag na ang boses ko.
"Hush, Canyre." Hinarap niya ako sa kanya bago niya ayusin ang buhok ko. "Wag kang mag-iisip ng ganyan. Hindi ikaw ang may kasalanan. Hindi ko man alam ang nangyari pero alam kong hindi ka nagkulang." Seryosong sabi niya.
"T-tang-ina kasi, Simone. B-bakit kailangan niya akong gaguhin ng ganito?" Galit na tanong ko sa kanya. "B-binigay ko naman ang g-gusto niya pero bakit n-nagawa niya pa rin akong lokohin ng ganito?" Am I not enough? Hindi pa ba sapat ang binigay, pinakita at pinaramdam ko sa kanya para hindi siya tumingin at humanap ng iba?
Kita ko ang lungkot na dumaan sa mata niya. Ngumiti lang siya sa’kin ng malungkot bago ako patahanin. "Iyak mo lang sa’kin lahat ng sakit na iyong nararamdaman."
BINABASA MO ANG
While You Were Awake (Summer Series #1)
General FictionThe moment she knows what's going on in his condition, Canyre Tusia Enyo Santos will fulfill his want. Giving her best to make him happy even she's in pain. She promise while holding his hand that while he was awake she will make him happy and forge...