Chapter 3
Sight
Naramdaman kong nakasunod na si Tartarus sa’kin. Pagkarating ko sa dulo ng restaurant ng hotel ay umupo na ako sa lugar na gusto ko. Pang-apatan ang pinili kong lamesa at baka may kasama si Layie. Tinuro ko sa kanya ang upuan sa gilid ko pagkarating niya sa’kin.
Maganda ang restaurant ng hotel ng mga Del Felño. Malaki at maaliwalas ang paligid. Glass ang mga dingding kaya kita ang mga tao sa labas ng hotel. Sa tapat namin ay kita ang mga taong naliligo sa swimming pool. Nag-text na lang ako kay Layie kung saang tapat kami naroroon. Dumating na ang mga waiter upang kunin ang order namin. Dala-dala rin nila ang menu at binigay sa’min.
Tumingin na lang ako kay Tartarus upang siya na lang ang magsabi ng order namin. Ang in-order niya ay puro seafoods at isang wine. May wine naman nang binigay sa’min ang isang waiter habang kinukuha ang order namin. Pagkaalis ng mga waiter ay kinuha ko na ang wine glass na may laman sa harap namin.
“Nasaan na kaya si Layie.” Sabi ko sabay inom ng wine.
“Anong gusto mong gawin pagkatapos natin kumain?” Tanong niya habang nakatingin sa’kin.
“Maligo na lang mo na tayo sa swimming pool doon sa tapat ng parang bangin na ‘yun.” Turo ko gamit ang mata ko.
Tinignan niya ‘yung tinitignan ko at tumango. Mukha kasing maganda ang location ng swimming pool na’yon at maganda ang pagkagawa. Malapit din siya sa dagat at kita rin ang buong hotel doon sa lugar na’yon.
“Magpapalit mo na ba ikaw bago tayo maligo?” Tanong niya.
“Hindi na. Naka-ready na sa loob ang suot ko.” Nakangiting sabi ko sa kanya habang nakahawak sa katawan ko. Nakasuot ako ng pink two-piece na pangloob. “Ikaw ba magpapalit ka pa ba?” Tanong ko pabalik sa kanya.
“Hindi na.”
Tumango ako sa kanya. Napatingin ako sa paligid sabay tingin sa kanya. “Ganda dito. Ilang beses ka nang nakapunta dito?” Curious na tanong ko dahil dito niya ako ginustong dalahin.
“Ilang beses na rin ako nakapunta dito.”
“Maraming beses na? Hindi ba alam ko ‘dika naalis ng Manila?” Gulat na tanong ko. Iyon kasi ang kuwento niya sa’kin.
Malungkot siyang ngumiti sa’kin. “Wag mo na lang isipin ‘yon. Mag-enjoy na lang tayo dito.”
Ngumiti na lang din ako at hindi na lang pinansin ‘yon. Nakita kong papalapit na sa’min si Layie. Mag-isa siyang naglalakad. Wala atang kasama ang babaeng ‘to. Kumaway na siya ng makita niya kami. Tinuro ko kay Tartarus si Layie at tumingin siya doon.
“Girl!” Sigaw niya sa’kin. Napatingin ang ibang tao sa’min. Ako na ang nahiya para sa kanya.
“Hi...” Nahihiyang bati niya kay Tartarus. Napatingin siya sa’kin ng kakaiba. Para siyang naaawa sa’kin na ewan. Napatingin naman ako sa kasama ko. Wag naman niyang sabihing pangit ang kasama ko at masasampal ko siya.
“Ayos ka na ba talaga?” Tanong niya sa’kin.
“Oo naman, Layie. Bakit?” Nagtatakang tanong ko sa kanya.
“Si –” Hindi na natapos sabihin ni Layie ang gusto niyang sabihin dahil tumikhim si Tartarus.
“Mahal p’wede ko bang makausap mo na ang kaibigan mo?” Tanong niya.
Tumango na lang ako sa kanya at umalis na silang dalawa sa tabi ko. Nakita ko silang nag-uusap sa isang bagay. Hindi ko alam kung ano ‘yon. Kita ko ang pagtatalo nila. Hindi kaya... Mukha naman mali ang naiisip ko.
BINABASA MO ANG
While You Were Awake (Summer Series #1)
General FictionThe moment she knows what's going on in his condition, Canyre Tusia Enyo Santos will fulfill his want. Giving her best to make him happy even she's in pain. She promise while holding his hand that while he was awake she will make him happy and forge...