Chapter 16

148 1 5
                                    

Chapter 16

Pain

"Are you okay, Canyre?" Mick said while looking at me.

Nasa labas kami ng bahay ngayon. Tatlong araw na ang nakakalipas pagkatapos ng pasko. Nakatambay kami dito ni Mick sa may labas ng maliit na bahay malapit sa bahay ni Tita Kina.

Wala nang nakatira sa bahay kaya dito kaya dito na lang namin naisipan tumambay. Ayaw kasi namin sa bahay nina Tita Kina dahil wala naman kaming gagawin doon. Mas maigi pa dito sa kalapit bahay nila dahil maganda ang view dito pagtumitingin sa paligid. Kahit mga snow lang naman nakikita namin pero maganda siyang tambayan dahil tahimik at kami lang ang tao doon.

"I’m okay don’t worry." Nakangiting pilit ako sa kanya kahit subrang sakit na ng paa ko.

Natapilok kasi ako ng maglakad ako papuntang likod bahay. Titignan ko sana kung may mga gamit kaming p’wedeng gamitin sa pagtatanggal ng nyebe dito sa harap ng bahay na pinag tatambayan namin.

"Are you sure?" Nag-aalala siyang nakatingin sa mukha ko at tinitignan kung ayos ba talaga ako.

Tumango ako sa kanya bago sinubukang tumayo. Napangiwi na lang ako sa sakit ng maramdaman ko ang sakit sa may paa ko. Nasalo niya ako ng muntikan na akong matumba. Napatingin siya sa may paanan ko bago tinulungan akong tumayo.

Lumuhod siya sa harapan ko habang dahan-dahan niyang inaangat ang paa ko. Kitang kita kung gaano kapula na ang paa ko dahil sa nangyari. Tinignan niya mo na ako bago tumayo. Tinignan niya ang likod kung saan ako papunta at binalik sa’kin ang tingin.

"Can you walk?" He asked me while looking at my foot.

Tumango ako sa kanya at pinakita na kaya kong maglakad. Pero isang hakbang ko pa lang ay namilipit na ako sa sakit. Buti na lang ay nasa tabi niya ako kaya nagagawa niyang saluhin ako pagbabagsak ako sa lupang may nyebe.

Bigla akong nagulat sa kanyang ginawa. Binuhat niya ako at dinala sa unahan ng bahay kung saan may mga upuan doon na nakalagay. Ibinaba niya ako sa upuan bago lumuhod sa harapan ko at tignan ang paa ko.

Ramdam na ramdam ko ang sakit sa paa ko paghinahawakan niya ‘yun. Pinagmamasdan niya ‘yung pulang bahagi ng paa ko bago tumayo.

"I’ll just get something..." Sabay tingin sa bahay nina Tita Kina. "I’ll be back. Wait for me." Tumakbo na siya papuntang bahay ni Tita Kina.

Tinignan ko ang paa kong natapilok kanina sa may likod ng bahay. Hinawakan ko dahan-dahan kahit ramdam na ramdam ko ‘yung sakit. Naramdaman kong nakabalik na siya ng tumabi siya sa’kin.

Lumuhod siya sa harapan ko at pinatong sa binti niya ang paa ko. Nilapatan niya ng cold compress ang aking paa na masakit bago tumingin sa’kin.

"Does it hurt?" Tanong niya habang ginagamot ang natapilok kong paa.

Umiling ako sa kanya habang tinitignan siyang seryosong nilalapatan ng malamig ang paa kong natapilok.

"Why are you looking at the back?" Nakatingin na siya sa’kin habang hawak niya ang cold compress na nasa paa ko.

"I’m just looking for something I can use to remove the snow." Paliwanag ko sa kanya.

Tumango siya sa’kin bago tinignan ulit ang paa ko. Ilang minuto pa ang lumipas ay tinanggal na niya ang cold compress at nilagyan niya ng benda ang aking paa. Pagkatapos niyang gawin ‘yun ay tumayo na siya. Inilapag niya sa tabi ko ang mga ginamit niya bago niya ako inutusan na ipatong sa upuan ang paa ko.

Sinunod ko lang siya habang siya naman ay nakatingin sa paligid namin. Umalis siya sa tabi ko at bumalik sa likod kung saan ako natapilok. Nang bumalik siya ay may dala na siyang sirang pala at sinimulan na niyang linisin ang lugar.

While You Were Awake (Summer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon