Chapter 7
Care
“Ayos ka na? Kumusta pakilasa mo?”
Napatingin ako sa kanya habang dinadampian niya ng likod ng palad ang aking noo.
“Canyre, ayos ka lang?” Alalang tanong sa’kin ni Layie.
“Ayos lang ako.” Pagsisigurado ko sa kanya.
Nasa canteen kami ni Layie upang bumili ng makakain. Hindi ko napansin na may dadaang lalaki na may hawak na mainit na sabaw.
“Namumula na ang kamay at braso mo.” Tarantang sabi niya sa’kin habang nakatingin sa nabuhusang braso ko ng mainit na sabaw. “Tara na sa clinic.”
“Sorry, Miss. Hindi ko sinasadya.” Pagpapaumanhin ng lalaki. Napatingin ako sa id niya at nakita kong engineering student siya. “Dalahin na kita sa clinic.”
“Hindi na ayos lang ako.” Subrang kirot at hapdi na ng braso ko.
“Miss, samahan na kita sa clinic para malagyan na ‘yan ng gamot. Sorry talaga hindi ko sinasadya.”
Hinatak na ako ni Layie sa kamay. “Wag nang makulit, Canyre. Alam kong tinitiis mo lang ‘yang sakit at maraming nakakakita sa’yo."
Nakasunod sa’min ‘yung lalaki habang hinihila ako ni Layie papuntang clinic. Sobrang hapdi at sakit ng kaliwang braso ko. Kitang-kita ko kung paano nag-aalalang nakatingin ‘yong lalaki sa braso ko.
Pulang-pula na ang kaliwang braso ko habang basa naman ang kalahati ng damit ko. Mabuti na lang at braso hanggang kamay lang ang nabanlian sa’kin. Pagkarating namin sa clinic ay pinaupo na agad ako ni Layie sa higaan na nasa clinic. Kaming apat lang ang tao sa loob.
“Miss, natapunan ng mainit na sabaw ang kaliwang braso ng kaibigan ko.” Sabi ni Layie sa nurse na lumapit sa’min.
Tinignan ng nurse ang braso ko at pinapunta ako sa lababo ng clinic at hinugasan ang braso at kamay kong natapunan ng mainit na sabaw. May kinuha siya sa drawer na nakatapat sa’min. Bumalik siya sa’king tabi at may pinahid na ointment sa mapupulang bahagi ng braso at kamay ko.
“Maya-maya ay mawawala na’yan. Tapos inumin mo ito pampawala ng sakit.” Binigyan niya ako ng gamot at kinuha ang logbook na nasa lamesa niya. “Mag sulat kayo dito bago umalis.” Sabi niya habang nagsusulat sa notebook niya.
Pagkatapos naming magsulat ay nagpaalam na kami. Dumiretso mo na kami ni Layie sa may bench sa gilid ng clinic. Tinignan niya mo na ang kalagayan ko.
“Basa na ang damit mo.” Puna niya sa basang damit ko. “May pampalit ka ba?” Tanong niya habang nakatingin sa basang damit ko.
“Inuwi ko ang damit na nasa locker ko. Pahiram mo na kung mayroon ka.”
Inuwi ko ang damit na nasa locker ko at papaltan ko ng bago. Kaso nakalimutan kong magdala ngayon sa pagmamadaling pumasok. Kung alam ko lang na matatapunan ako ng mainit na sabaw ay sana nagdala ako ng damit.
“Wala rin akong dala. Puro malibag na damit ang nasa locker ko.”
Tinignan ko ang damit ko na basa. Naaamoy ko ang maasim na sabaw sa aking suot na damit. “‘Yaan mo na. Uuwi na lang ako ngayon.”
“Hindi ka na a-attend sa klase?” Tanong niya.
Wala naman kaming quiz ngayon kaya ayos lang. Isang araw lang naman.
“Hindi na. Alangan naman na pumasok pa ako kung ganto ang suot ko. Basa na tapos ang asim pa.” Sabi ko sa kanya habang tinitignan ang braso ko.
“Sorry talaga, Miss. Hindi ko sinasadya.” Hingi ng tawad ng lalaki.
BINABASA MO ANG
While You Were Awake (Summer Series #1)
Ficción GeneralThe moment she knows what's going on in his condition, Canyre Tusia Enyo Santos will fulfill his want. Giving her best to make him happy even she's in pain. She promise while holding his hand that while he was awake she will make him happy and forge...