Chapter 28
Truth
Canyre
Tahimik lang kaming dalawa habang naglalakad pabalik ng bahay. Wala siyang kibo habang nauunang maglakad pabalik. Hindi ko alam kung ano ang problema niya.
Nalulungkot ba siya dahil hindi niya natupad ang pangako niyang dadalhin ako sa altar ng buo?
“Dahil hindi ko na natupad ang p-pangarap na dalhin ka sa a-altar ng b-buo?” Bigla ko naalala ang sinabi niyang ito noong naisip ko iyon.
Napangiti na lang ako bago lumakad ng mabilis at niyakap siya patalikod ng maabutan ko siya. Napatigil siya sa paglalakad at ramdam ko ang malalim niyang paghinga.
“Mahal kita, Tartarus kahit hindi mo natupad ang pangako mo sa akin noong first anniversary natin.” Ramdam ko kung paano humigpit ang kapit niya sa kamay ko. “Kaya wag mo nang isipin ‘yon. Ayos lang sa akin kahit hindi mo ako maiharap sa altar ng buo. Mahal kita at hindi na magbabago iyon.”
Huminga siya ng malalim bago niya tanggalin ang pagkakayakap ko sa kanya. Humarap siya sa akin at kita ko kung paano bumagsak ang mga luha niya.
“M-mahal na mahal m-mo talaga…” Basag na basag ang boses niya. Umiling siya bago punasan ang mata niya. Hindi na niya tinuloy ang sasabihin niya at ngumiti na lang siya. “Bilisan na natin maglakad at baka abutin pa tayo ng dilim dito sa gubat.”
Tumango ako sa kanya at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya. Tahimik kaming naglakad hanggang sa narating na namin ang bahay. Umikot na kami sa unahan at doon na balak pumasok sa loob.
Nagtaka ako kung bakit ang tahimik ng bahay ng dumating kami. Sarado ang pinto sa unahan kaya kumatok mo na kami. Walang naimik sa loob. Kumatok ulit ako at hinintay kung may magbubukas ba ng pinto.
Ilang katok pa ang ginawa ko at wala talagang nagbubukas ng pinto. Kinabahan na ako dahil baka kung ano na ang nangyari sa kanila.
“Layie,” Tawag ko habang sunod-sunod ang katok.
Hinawakan ako ni Tartarus sa balikat kaya napatingin ako sa kanya.
“Walang nangyaring masama sa kanila. Huminahon ka lang,” Pinunasan niya ang mukha ko at doon ko lang napagtanto na umiiyak na ako.
Tumango ako sa kanya bago lumabas ng teris ng bahay. Naglakad ako sa may unahan ng bahay at tinignan kung nasa labas ba ang dalawa. Ramdam kong nakasunod lang siya sa akin habang tinitignan ko ang paligid.
Napatingin ako kay Tartarus ng may marinig akong natawag sa cellphone. Seryoso lang siya habang nakalagay sa tenga niya ang cellphone niya. Naghintay lang kami ng ilang minuto bago ko narinig na may sumagot sa tawag.
“Tol,” Bakas sa boses ni Tartarus kung gaano siya kaseryoso ngayon.
Hindi ko masyado marinig ang boses ng kausap niya. “Nasaan kayo?” Tanong niya sa kausap niya.
Tinignan niya ako habang tumatango sa kausap niya. “Sige salamat,” Binaba na niya ang tawag bago siya bumaling sa akin.
“Pabalik na dito si Milo. Hinatid lang niya si Layie pabalik ng hotel,” Sabi niya bago siya tumalikod at dumiretso sa bahay.
Hinabol ko siya sa paglalakad at gusto ko malaman kung bakit bumalik agad ng hotel si Layie. May nangyari ba kanina habang wala kaming dalawa?
“Bakit daw nagpahatid agad si Layie pabalik ng hotel? May nangyari ba?” Sunod-sunod na tanong ko sa kanya noong nahabol ko siya.
“Walang nasabi si Milo tungkol diyan,” Seryosong sagot niya.
Pumasok siya sa may teris ng bahay at sinundan ko lang siya. Ang seryoso at ang tahimik niya ngayon. Wala siyang masyadong kibo sa akin. Nagtaka na ako sa kinikilos niya kaya tinanong ko na siya.
BINABASA MO ANG
While You Were Awake (Summer Series #1)
BeletrieThe moment she knows what's going on in his condition, Canyre Tusia Enyo Santos will fulfill his want. Giving her best to make him happy even she's in pain. She promise while holding his hand that while he was awake she will make him happy and forge...