Chapter 29
Hospital
“T-Timotheo?”
Ramdam ko ang panginginig ng aking katawan ng makita ko ang kalagayan ng dalawa. Nakahubad ng damit pang-itaas si Timotheo habang nakayapos sa kanya si Layie.
Nakatalikod sa akin si Timotheo kaya si Layie ang unang nakakita sa akin noong nagsalita ako. Kita ko ang gulat sa basang mata ni Layie. Umalis sa pagkakayakap si Timotheo at gulat na tumingin sa akin.
Kita ko ang paulit-ulit na pag-iling niya habang dahan-dahan na lumalapit sa akin. Napabaling ang aking tingin kay Layie at napansing may suot pa siyang mga damit. Mukhang magsisimula pa lang sila sa kanilang gagawin.
“Canyre,” Sabay hawak sa akin ni Timotheo.
“W-wag mo akong h-hawakan!” Sigaw ko sa kanya.
Bakas sa mukha ni Timotheo ang takot habang naiyak lang sa likod si Layie. Napailing na lang ako sa kanila. Hindi ko alam kung bakit nila gawa sa akin ito.
“B-bakit Timotheo?” Hindi ko na napigilan ang aking emosyon.
“Canyre –”
“Sabing wag mong banggitin ang pangalan ko!” Putol ko sa kanya.
“Mali ang iyong –”
“Bullshit!” Hindi ko na napigilan at nasampal ko siya. “Mali ang aking nakita? Iyon ba ang gusto mong sabihin?” Tumingin ako sa kanyang likod bago bumalik ang tingin sa kanya. “Tang-ina naman Timotheo! Kita na. Kitang-kita na ang iyong ginagawa. Tapos sasabihin mong mali ang aking nakikita? Ginagago mo ba?” Sumbat ko sa kanya.
“Canyre –”
“Ilang beses ko bang uulitin sa iyo na wag mong babanggitin ang pangalan ko? Bingi ka ba?” Sigaw ko sa kanya.
“Mag papaliwanag ako –”
Paulit-ulit ako umiling sa kanya. “Tang-ina naman. B-bakit sa bestfriend ko pa, Timotheo?” Huminga ako ng malalim para mabawasan ang pangangatal ng aking sarili. “Bakit? Bakit mo ito ginagawa? Kala ko ba mahal mo ako?”
“Mahal kita –”
“Mahal pero makikipag-sex ka sa iba? Tapos sa kaibigan ko pa?” Tinulak ko siya. “Tang-inang pagmamahal iyan!”
“Canyre –”
“B-bakit Timotheo? May kulang pa ba sa’kin?” Umiiling lang siya habang sunod-sunod ang pagpatak ng kanyang mga luha.
“Canyre –”
“Timotheo bakit –”
Nagising na lang ako bigla at napatingin kay Tartarus na nasa aking tabi bago ako yumakap sa kanya ng mahigpit. Napahagulhol ako ng malakas sa aking napanaginipan. Matagal na iyon nangyari pero ramdam ko pa rin ang sakit na dinulot nito sa akin.
“Canyre,” Pag-aalo sa akin ni Tartarus.
Kumalas ako sa kanya at pinunasan niya ang aking mukha. Napatingin ako sa paligid ng mapansin kong wala kami sa hotel room namin. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid bago binalik sa kanya.
“Bakit tayo nandito?” May nangyari ba kanina?
“Sabing patay na si Tartarus!” Bumalik sa aking isip ang sigaw ni Layie.
Lumalim ang aking paghinga. At bigla na lang nangatal ang aking katawan. Naramdaman ko ang mahigpit na yakap sa’kin ni Tartarus sa aking tabi.
“Tartarus,” Tawag ko sa kanya pero hindi siya tumutugon. “Tartarus?” Tawag ko ulit sa kanya.
BINABASA MO ANG
While You Were Awake (Summer Series #1)
General FictionThe moment she knows what's going on in his condition, Canyre Tusia Enyo Santos will fulfill his want. Giving her best to make him happy even she's in pain. She promise while holding his hand that while he was awake she will make him happy and forge...