Chapter 20

120 1 30
                                    

Chapter 20

Shallow

"Wag mo naman akong takutin ng ganito."

Yumakap siya sa’kin ng dumating siya sa tabi ko. ‘Diko alam kung bakit takot na takot siya noong lumayo ako sa kanila. Nandito lang naman ako sa likod ng bahay na pinuntahan namin.

"Wag ka nang aalis sa tabi ko." Sabi niya bago hawakan ang kamay ko.

Aalis na sana kami pero pinigilan ko siya. "Tignan mo muna ito Tartarus. Ang ganda ng view dito." Masayang sabi ko sa kanya.

Tinignan niya ‘yung pinapakita ko at ngumiti sa’kin. Pinagmasdan namin iyon dalawa habang nakangiti. "Gusto mo ba dito tumambay mo na?" Tanong niya sa’kin.

Tumango ako sa kanya at abo't tenga ang aking ngiti. Gustong-gusto ko dito dahil maganda ang lugar na ito. Maaliwalas ang paligid at ang hangin. Maganda ang view sa taas habang pinapanood ang mga mahihinang alon na papuntang dalampasigan.

Napatingin kaming dalawa sa likod nang makarinig kami ng tikhim. "Tara mo na sa bahay. Mamaya na kayo maggala." Sabi ni Milo sa’min bago kami tinalikuran.

Kasama niya si Layie maglakad pabalik sa bahay. "Gusto mo na ba bumalik sa bahay?" Tanong niya sa’kin.

Tinignan ko ang lugar na’yun bago bumaling ulit sa kanya. "Tara mo na bumalik sa bahay." Yakag ko sa kanya.

Naglakad kami habang magkahawak kami ng kamay. Ilang minuto lang ay nakabalik na kami sa bahay. Pinagbuksan kami ni Milo ng pinto bago kami pinapasok. Napatingin ako sa loob ng bahay at napahanga sa ganda nito.

Maraming magagandang display ang nandoon sa loob. Mukhang lahat ay mamahalin base sa kinang at ganda ng klase ng bawat isa. Nilapitan ko ang dalawang malaking picture doon sa gilid ng bahay. Maganda ang babae at maganda rin ang katawan. Medyo kayumanggi ang balat nito na bagay sa buhok niyang kulay itim. Para siyang dyosa sa picture niyang iyon dahil nililipad ng hangin ang buhok niya habang nakatayo sa isang magandang lugar.

Mayroon ding picture ng lalaki na seryoso lang. Maganda ang pangangatawan ng lalaki at maganda ang kutis nito. Matangos ang ilong at makapal ang kilay. Bagay sa mata niya ang makapal niyang kilay. Mukha sila ang may-ari ng bahay dahil picture lang nila ang naka-display doon sa bahay.

Binalingan ko si Milo bago magtanong sa kanya. "Sino nakatira dito?" Tanong ko sa kanya.

"Siya ang may-ari ng bahay na ito. Ang isa sa anak na lalaki ng may-ari ng Del Felño hotel." Sagot sa’kin ni Milo.

Tumango ako sa kanya bago binalingan ang dalawang malaking picture sa pader ng bahay. Napatingin ako sa labas ng tawagin ako ni Layie.

"Tara sa labas. Gagala tayo." Aya niya sa’kin.

Nilapitan ko siya. "Paalam mo na tayo." Sabi ko sa kanya.

"Wag na. Dito lang naman tayo sa gilid." Sabay turo niya sa unahan ng bahay.

Napatingin ako kay Tartarus na nakatingin sa’min ni Layie ngayon. "Dito lang kami sa labas." Paalam ko sa kanya. Tumango siya sa’kin kaya hinatak ko na si Layie papalabas.

"Ang sweet naman. Nagpaalam pa talaga. Dito lang naman tayo sa gilid." Maarting sabi niya sa’kin.

Pumunta kami sa nakikita naming kulay asul na dagat sa harap ng bahay dito sa isla. Tumakbo si Layie kaya hinabol ko siya at nagpaunahan kami sa pagpunta doon sa dalampasigan.

Pagkadating namin doon ay tumingin ako sa bahay. Nasa terrace si Tartarus habang nakatingin sa’min dalawa ni Layie. Ngumiti ako sa kanya bago bumalik ang tingin sa asul na dagat ng Aklan. Naglakad lakad kami sa puting buhangin ng isla hanggang maabot na kami ng tubig ng dagat.

While You Were Awake (Summer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon