Chapter 13
Date
Naglalakad kami sa loob ng mall ngayon. Dito na kami dumiretso at wala naman akong gustong puntahan pa na iba. Napadaan kami sa H&M kaya pumasok ako doon. Nakasunod lang siya sa’kin kung saan ko gusto pumunta.
Nagtingin-tingin ako habang nililibot ang store nila. May nakita akong pink crop sweatshirt at tinignan malapitan. Kinuha ko’yun sa sabitan at dinantay sa katawan ko.
“Bagay sa’yo.” Isang malalim na boses ang narinig ko sa tabi ko. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya.
“Talaga?” Tuwang-tuwang tanong ko sa kanya.
Halos lahat kasi ng nasa walk in closet ko ay dress. Iyon kasi ang nagustuhan ko noong bata pa ako kaya hanggang ngayon ay nadala ko.
“Ganda mo.”
Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Nagagandahan siya sa’kin? Kala ko ba pangit ako sabi niya?
“Bilhin na natin ‘yan.” Sabi niya sa’kin bago niya kinuha sa kamay ko at siya na ang nagbitbit.
Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya at naglibot na lang. Nilapitan ko ang halter neck dress na nakita ko. Parang ang ganda niya sa katawan ko pagsinuot ko. Tinitigan ko mo na ‘yun ng matagal bago tumingin kay Timotheo.
Nakalimutan ko kasing magdala ng cash ngayon. ‘Diko naman alam kung tumatanggap ng credit cards dito sa store na’to. Tinignan niya ako at tinignan ‘yung tinitignan ko.
“Bilhin na natin.” Sabi niya sa’kin na parang wala lang sa kanya na bumili kami kahit gaano pa kadaming gusto ko.
Nahihiya akong nakatingin sa kanya. “Wala akong cash na dala ngayon.” Shit kasi Canyre bakit sa dami-dami ng nakalimutan mo cash pa talaga. Nakakahiya kay Timotheo baka isipin na inabuso ko siya.
“Ako ang mag babayad. Bilhin na natin.”
Nag-aalinlangang tumingin ako sa kanya at pabalik sa dress na gusto ko. Nakakahiya sa kanya at mapapagastos pa siya dahil sa’kin.
Kinuha niya ang dress at tumingin sa’kin. “Kunin mo lang lahat ng gusto mong bilhin. Ako nang bahala.” Nakangiti siya sa’kin na parang sinasabing ayos lang.
Ngumiti ulit ako sa kanya bago umalis doon sa tapat na’yun. Isang white sleeveless dress ang nakita kong nakasabit sa taas. Nilapitan ko’yun at sinubukang kunin. Sa subrang taas ng pagkakasabit ay hindi ko maabot. Nagulat na lang ako ng may maramdaman akong katawan na nasa likuran ko.
Inabot niya ang white sleeveless dress at inabot sa’kin. Dinantay ko ang dress sa katawan ko at tumingin sa salamin na malapit sa’min. Hanggang tuhod ko lang ang dress at subrang ganda niya. Para akong anghel sa suot kong white dress na’to.
Nakangiti ako habang tinitignan ang sarili ko. Tinignan ko si Timotheo bago binigay ang ‘yung hawak ko. Nakita kong ayos na sa’kin yung napili ko kaya binalingan ko na siya kung ano binili niya para sa sarili niya.
Wala akong nakitang kinuha niya para sa sarili niya. Nagtaka akong tumingin sa kanya habang nakatingin din siya sa’kin. “Wala kang gustong bilhin para sa’yo?”
“Kakatapos ko lang mamili bago ako pumunta dito.”
Kinunutan ko siya ng noo bago tumingin sa paligid namin. Hindi naman p’wede na ako lang ang bibili sa’min. Gusto ko mayroon din siya.
Napatingin ako sa gilid ng store kung saan may mga underwear. Napatingin ako sa kanya kaya nag taka siya. Nilapitan ko ‘yun at tinignan ang mga klase ng boxer na ‘andoon. Maraming klase ng boxer akong nakita at lahat ay mukhang magaganda.
BINABASA MO ANG
While You Were Awake (Summer Series #1)
General FictionThe moment she knows what's going on in his condition, Canyre Tusia Enyo Santos will fulfill his want. Giving her best to make him happy even she's in pain. She promise while holding his hand that while he was awake she will make him happy and forge...