Chapter 1

412 10 0
                                    

Chapter 1

Christmas

Malamig na hangin ang dumaan sa’kin. Nakaupo ako ngayon sa labas ng bahay habang pinapanood ang pagsayaw ng mga iba’t ibang kulay sa langit. Buti na lang maganda ang lugar kung saan nagustuhan ni Mama mag-celebrate ng pasko. Unang beses ko pa lang nakarating dito at hindi pa ako sanay sa klima ng panahon. Mas’yadong malamig sa pakiramdam kahit nababalutan ako ng makakapal na tela. Ayaw ko naman sa loob at wala naman akong kakilala doon.

Kailangan daw naming manatiling gising ngayon para salubungin ang pasko. Kahit inaantok na ako ay kailangan kong manatiling gising. Kaya dito ko napiling tumambay para ‘di ako makatulog. Lagot ako nito kay Mama pagnagkataon. Sasabihin na naman niya na isang beses lang naman ito sa isang taon.

“Aurora Borealis is beautiful, isn't it?” Malamig na boses ang aking narinig sa likuran ko.

Isang malaking anino ang aking nakita sa harapan ko. Lumingon ako sa likod kung saan siya naroroon. Nakatayo lang siya sa malapit sa akin. Nginitian ko siya pero nakatingin lang siya sa akin gamit ang malamig niyang aura. Hindi ko alam kung ano problema niya sa’kin. Wala naman akong ginagawa sa kanya. Masyadong masungit at hindi man lang gumiti sa’kin pabalik. Tumingin na lang ulit ako sa kawalan kung saan may mga iba’t ibang ilaw. Hindi ko na lang pinansin pa ‘yung lalaki sa likod ko. Makalipas ang ilang minuto ay nagsalita ulit siya.

“Get inside. Tita Jane is calling you.” He said coldly before leaving me.

“Okay.” Bulong ko bago tumayo at pumasok na sa loob.

Dumiretso ako sa kusina at alam kung naroon si Mama. Nakita ko siyang nagluluto ng spaghetti. Nakita niya ako kaya pinalapit niya ako sa kanyang tabi. Kasama niya si Tita Aia, Tita Kina at dalawang kasambahay. Nagluluto si Tita Aia ng fried chicken. Si Tita Kina naman ay nagluluto ng soup. ‘Yung dalawang kasambahay naman ay nag-aayos ng mga handa para ilagay sa lamesa.

“Tawag ninyo raw po ako.” Sabi ko.

“Canyre, gusto ka raw makausap ng mga Tita mo.” Sabi niya sa’kin habang hinahalo niya ang sauce sa spaghetti pasta.

Napatingin ako kina Tita na busy sa kanilang mga ginagawa. “Canyre, come here.” Tita Aia said while smiling at me.

Lumapit ako sa tabi niya at tinignan ‘yung mga niluluto niyang fried chicken na ihahanda mamaya pagsapit ng pasko. “Sarap naman ng niluluto ninyo, Tita Aia.” Sabi ko habang nakatingin sa niluluto niya.

“Kuha ka.” Alok niya sa’kin ng niluluto niya. Kumuha ako ng isa upang tikman ito. Masarap ang pagkakaluto ni Tita Aia. “Masarap ba?” Tanong niya sa’kin habang hinahango niya ‘yung mga luto nang manok sa kawali.

“Opo, Tita Aia.” Sagot ko habang kinakain ang fried chicken.

“Mabuti naman at sigurado akong magugustuhan ito ng mga bata. Ilang minuto na lang at malapit ng mag-alas dose. Malapit-lapit ko na rin itong matapos lahat.” Sabi niya habang nagsasalang ng huling iluluto niya.

“Tita Aia, can I ask you something?” Gusto ko malaman kung sino ‘yung lalaki kanina.

“Ano ‘yun, Canyre?”

Tumingin mo na ako sa pinanggalingan ko kanina kasi baka nando’n pa ‘yung lalaki. Nakakahiya naman pagnalaman niyang nagtatanong ako tungkol sa kanya. Napatingin din si Tita Aia sa tinitignan ko. “Sino po ‘yung lalaking tumawag sa’kin kanina?” Curious na tanong ko.

“Si Timotheo, anak ng Tita Kina mo.” Sabi niya. “Bakit mo natanong?” Malisyosong ngiti ang nakita ko sa kanya.

“Wala naman po. Natanong ko lang at mukhang masungit.” Sumbong ko.

While You Were Awake (Summer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon