Chapter 8

145 2 9
                                    

Chapter 8

Cry

Nagising ako at nakita kong madilim na sa room namin. Napatingin ako sa kama niya at nakita kong mahimbing na siyang nagpapahinga. Kinapa ko ang cellphone ko sa may drawer malapit sa kama ko. Pagkabukas ko pa lang ay nakita kong madaming text galing kila Mama.

Alas-dos pa lang ng madaling araw ng tignan ko ang oras. Inilapag ko mo na sa kama ang cellphone ko. Bumangon ako sa pagkakahiga at naramdaman kong masakit pa rin ang katawan ko. Binaba ko ang paa ko sa kama at tinesting na tumayo.

Lalo kong naramdaman ang sakit ng makatayo na ako. Para akong maiiyak sa sakit na nararamdaman ko. Tiniis ko na lang at nag simula ng mag lakad papuntang cr. Hirap na hirap akong mag lakad sa sakit. Pagkapasok ko sa cr ay dumiretso na ako sa lababo upang mag hilamos ng mukha.

Tumingin ako sa salamin at ngumiti. Lumabas na rin ako at pumunta sa may lamesa upang uminom ng tubig. Habang nainom ako ay naalala kong hindi pa ako nakakaligo. Bumalik ako sa cr at nakita kong may towel na nakasampay sa gilid. Nag hubad na rin ako at tumapat sa shower.

Hinayaan ko mo nang mabasa ang buong katawan ko ng tubig. Pumikit ako habang inaayos ko ang buhok kong nababasa ng tubig.

“Canyre.” Nakangiting bati sa’kin ni Wynter.

Nasa Venus Cafe kami ni Layie ngayon. Nag-text kasi siya sa’kin na puntahan ko raw siya doon. Bakasyon namin ngayon at ang alam ko nasa boracay na siya ngayon. ‘Yun kasi ang sabi niya sa’kin na sa boracay raw sila magbabakasyon ngayong summer.

“Hi Wynter.” Bati ko pabalik sa kanya.

“Naka-order na ba kayo? O ako na ang kukuha ng gusto ninyo?” Alok sa’min ni Layie.

“Okay na, Wynter. Nakuha na ni kuyang pogi kanina.” Nakangiting sabi ni Layie sabay tingin do’n sa lalaking pumasok sa isang pinto.

Natawa si Wynter sa sinabi ni Layie. “Henry ang pangalan niya. 21 pa lang ‘yan.” Natatawa pa ring pakilala niya do’n sa lalaki.

“May ig ba siya?” Curious na tanong ni Layie.

Hindi ako makapaniwala kay Layie. Lahat na lang ba tatargitin niya. Basta pogi grab agad? Natawa na lang ako sa kanya.

Nag-isip mo na si Wynter bago sumagot. "@en.asdf ata. Try mo na lang ‘yan ‘diko sure kasi."

“Asdf?” Takang tanong ni Layie sa kanya.

“Ayen Solomon D. F.” Pagsagot niya. “Limot ko na ibig sabihin ng D. F. sa huli. Basta last name niya ‘yun.”

“Why Henry ang name niya dito? Wala namang Henry sa totoong pangalan niya?” Takang tanong niya.

Natatawa ako kay Layie. Nagtanong pa kung bakit Henry ang pangalan kung wala namang Henry sa true name ng lalaki. Hindi ba niya na isip ‘yung name niya. Parehas lang naman silang gumagamit ng nickname at hindi totoong pangalan.

“What?” Nagtatakang tanong sa’kin ni Layie.

“Nothing.” Natatawang sagot ko sa kanya.

Napatingin siya kay Wynter. “I don't know.” Sagot ni Wynter. “Diyan mo na kayo. Puntahan ko lang ang ibang customer namin. Thank you for coming. Have a nice day to both of you.” Umalis na rin siya sa table namin.

“Eto ba siya?” Tapat sa’kin ni Layie ng cellphone niya. Nahanap na niya agad ‘yung account ng lalaki.

Naka-recieve ako ng text galing kay Carl, kaibigan ni Tartarus.

Carl:

Canyre, nasa ospital si Tartarus. Tantiado Hospital II. Nasa ER siya.

Kinabahan na agad ako sa nabasa ko. Dali-dali akong tumayo at nagtipa ng reply sa kanya. Napansin ni Layie na aligaga na ako.

While You Were Awake (Summer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon