Chapter 6

159 2 3
                                    

Chapter 6

Sick

Nagising na lang ako na may dumadapong basang towel sa mukha ko. Dahan-dahan niyang pinupunasan ako. Kitang-kita ko na seryoso siya sa kaniyang ginagawa.

“Kumusta ka?” Tanong niya pagkatapos niyang punasan ang mukha ko.

Pinatong niya sa noo ko ang towel pagkatapos niya. Dahan-dahan niyang hinahawi ang mga buhok na nakaharang sa aking mukha.

“Ayos lang ako. Wag kang mag-alala.” Nakangiting paninigurado ko sa kanya.

Ang sakit ng katawan ko. At parang nilalagnat ako sa init na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung normal lang ba ang ganito.

Nagkakasakit ba talaga pagkatapos ng ganoong ginagawa?

Sinubukan kong tumayo pero napahiga rin ako sa hilong nararamdaman ko. Alalang mukha ang bumakas sa kanya.

“Wag ka mo nang bumangon.” Sabi niya habang inaayos ang towel sa noo ko. ‘Mag pahinga ka na mo na."

Nakatingin lang ako sa kanya habang inaayos na niya ang kanyang ginamit na maliit na planggana na nasa lamesa. Pumunta siya sa cr habang dala-dala ‘yon. Napatingin ako sa maliit na kabinet sa tabi ng kama ko. May baso ng tubig doon na kalahati ang laman at gamot. Napansin kong may bawas na ang gamot.

Hindi ko alam kung kanina pa ba niya ako inaalagaan. Hindi ko na maalala kung nagising ba ako kanina. Kinuha ko ang cellphone ko sa tabi ng mga gamot. 4:32 am na nang binuksan ko ang cellphone ko para tignan ang oras. Kanina pa ba siya gising? Natulog pa ba siya?

“Mamaya ka na mag cellphone.” Sabi niya habang nalapit sa ‘kin.

“Tinignan ko lang ang oras.” Pagdadahilan ko.

Umupo siya sa tabi ko. “Magpahinga ka mo na.” Kinuha niya ang cellphone ko at nilapag sa tabi ng mga gamot.

“Kanina ka pa ba gising?” Nahihiyang tanong ko.

“Ayos lang ako. Magpahinga ka na.” Ngumiti siya sa’kin na parang sinasabing ayos lang siya.

Napatingin ako sa kama niya at binalingan siya. “Nagkakasakit ba talaga pagkatapos mag-sex?" Curious na tanong ko sa kanya.

Biglang nagsalubong ang kanyang mga kilay. “It’s not just sex! It’s making love!” May diin sa pagtatama niya.

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko alam na ganoon niya ituring ang nangyari sa’min. “Hindi lahat. First time mo kasi ito kaya ganyan ang nararamdaman mo. Wag kang mag-alala at saglit lang naman iyan at pleasured sickness lang ang nararanasan mo ngayon. Kaya magpahinga ka na."

Tumango ako sa kanya bago ngumiti. "Magpahinga ka na rin." Alam kong pagod at puyat din siya.

“Magpapahinga ako pag nakita kong nagpapahinga ka na.”

Ang sarap sa pakiramdam na inaalagaan ka nang taong iyong minamahal. Ngumiti na lang ako sa kanya at pumikit.

“Kelan pa?” Boses ni Layie ang aking narinig.

“Kaninang madaling-araw.” Simpleng sagot ni Tartarus sa kanya.

“Ayos na ba siya?” Nag-aalalang tanong niya.

“Napainom ko na siya ng gamot nang magising siya ng 12:48 ng madaling araw.”

Dahan-dahan kong minulat ang aking mata at tumingin sa kanila. Nasa gilid sila habang nag-uusap malapit sa may sofa.

“Mamaya paiinumin ko na lang ulit ng gamot pagkagising.” Paninigurado ni Tartarus kay Layie.

Napansin ni Layie na gising na ako kaya nilapitan niya ako. Bumangon ako at nakaramdam ako ng sakit sa may bandang ibaba ko. Kita ko kung paano siya nag-aalalang lumapit sa’kin.

While You Were Awake (Summer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon