Chapter 24

89 1 0
                                    

Chapter 24

Bonding

"Tara sa loob."

Tumango ako sa kanya at tumayo na rin sa aking kinauupuan. Andito kami ngayon sa gilid ng bahay nakatambay at nag-uusap ng kahit na ano. Dalawang linggo na ang lumipas matapos ang nangyaring gulo sa pagitan namin ni Timotheo.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong niya sa’kin.

Nag-isip mo na ako bago sumagot. "Adobong paiga, ‘yung spicy sana." Nakangiting request ko sa kanya.

Tumango siya sa akin bago kami sabay na pumasok sa bahay. Ayos na ako ngayon. Hindi ko na masyadong iniisip si Timotheo dahil kay Simone. Araw-araw niya akong pinupuntahan dito sa bahay upang hindi ako mag-isa. Mahigit dalawang linggo akong hindi pumasok sa school pero nagpagawa ako kay Mama ng medical certificate upang ipakita sa school noong pumasok ako.

Linggo ngayon kaya wala kaming pasok. Kakatapos lang din namin na magsimbang dalawa at dumiretso kami sa gilid ng bahay upang tumambay. Ilang araw din ang tiniis niya para mapangiti ako. Araw-araw lang akong umiiyak ng walang tigil. Hindi alam nina Mama at Papa ang nangyari dahil ayaw ko ng gulo.

Alam lang nila ay ayaw kong pumasok kaya ako ganto. Hindi na rin sila masyadong nagtanong pa sa’kin dahil busy rin naman sila sa mga trabaho nila. Nang makalipas ang isang linggo matapos ang nangyari ay bumalik na galing leave si ate San. Tinanong niya ako noong nakita niya akong umiiyak kung ano ang problema ko kaya sinabi ko sa kanya.

Madali ko lang masabi sa kanya lahat ng problema ko dahil siya ang lagi kong kasama at lagi kong nasasandalan pag may problema ako. Parang matandang kapatid na kasi ang turing ko sa kanya. Pinakilala ko na rin si Simone sa kanya.

"Ate San..." Tawag ni Simone noong papasok na kami sa kusina.

Naabutan namin si ate San na nagluluto ng kakainin namin ngayong tanghali. Tumingin sa’min si ate San bago ngumiti.

"Gutom na ba kayo?" Tanong niya sa aming dalawa. "Malapit na itong maluto. Maupo mo na kayo diyan habang hinahanda ko ang makakain ninyo."

Lumapit si Simone sa kanya at tinignan kung ano ang niluluto nito. Mabilis naging close sa isa't isa dahil parehas silang mahilig magluto. Silang dalawa lagi ang magkatulong pag nagluluto dito sa bahay.

"Mukhang masarap ang sinigang na niluluto mo ate San." Nakangiting sabi ni Simone habang nakatingin sa niluluto nito.

"Masarap talaga ‘yan, Simone at ako ang nagluto." Biro niya.

Natawa si Simone bago bumaling sa akin. Nakaupo na ako sa tabi ng lamesa habang pinapanood silang dalawa. Lumapit siya sa’kin bago nakangiting nagtanong.

"Ipagluto pa rin ba kita ng adobong paiga na gusto mo?"

Napatingin si ate San sa’min dahil rinig niya ang pinag-uusapan namin. Ngumiti ako kay Simone bago tumango. Gusto ko talaga ng lutong iyon dahil isa ‘yun sa paborito ko. Tumango sa akin si Simone bago lumapit kay ate San.

"Ayos lang ba sa’yo ate San kahit magluto pa ako ng ibang ulam?" Nahihiyang tanong niya. "Gusto lang kasi ni Canyre ng adobong paiga kaya ipagluluto ko siya ngayon. Kung ayos lang po sa inyo?"

Ngumiti si ate San sa kanya. "Oo naman, Simone. Isalang mo na ngayon ang lulutuin mo para maluto agad. Baka gutom na si Canyre."

Tumango si Simone bago lumapit sa ref at maghanap ng ingredients na gagamitin niya. Hinugasan mo na ni Simone lahat ng gagamitin niya bago simulan ang pagluluto nito. Tapos na si ate San sa kanyang niluluto kaya sinimulan na niyang ihain ang mga pagkain sa may lamesa.

Pagkatapos niyang gawin iyon ay bumalik siya kay Simone upang panuurin ang pagluluto nito. Tuwang-tuwa si ate San sa ginagawa ni Simone. Seryoso lang siyang nagluluto habang nanonood kaming dalawa ni ate San sa kanya.

While You Were Awake (Summer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon