Chapter 18
Worried
Napatingin ako sa oras ng matapos akong magbihis. Napatagal pala ang pagligo ko at mag-uumaga na. Mahimbing pa ring natutulog si Tartarus kaya umupo mo na ako sa kama ko.
Kinuha ko sa may taas ng drawer ang cellphone ko at tinignan ang mga text sa’kin nila mama. Inuna ko mo nang basahin ang mga text ni mama sa’kin.
Mama:
Kumusta kayo diyan? Ayos lang ba kayo?
Mama:
Anong mga ginawa ninyo diyan sa Boracay?
Mama:
Magsaya kayo diyan ni Dane. Wag ninyo mo nang isipin ‘yung problema na iniwan ninyo dito. Mag-enjoy mo na kayo diyan.
Mama:
Ingat kayo diyan, ‘Nak. I love you.
Napangiti ako sa mga text ni mama. Alam kong mahal na mahal talaga niya ako. Gagawin niya lahat maging masaya lang ako. Salamat Ma at naging masaya ako.
Nagtipa na ako ng reply para sa kanya.
Me:
Ayos lang po kami dito ni Tartarus, Ma. Bale sabi raw po ni Tartarus sa’kin ay igagala raw niya ako ngayon. Tulog pa po kasi siya ngayong oras. Sige po Ma. Ingat din kayo ni papa diyan. I love you.
Pagkatapos kong replay-an ang text ni mama ay binasa ko naman ‘yung text ni papa sa’kin.
Papa:
Kumusta kayo diyan? Ayos lang ba kayo? ‘Di ka ba sinasaktan ng lalaking ‘yan? Magsabi ka lang sa’kin at sasampahan natin ‘yan ng kaso. Ingat kayo diyan lagi. Mahal ka ni papa tandaan mo’yan.
Ngumiti ako sa text ni papa bago magtipa ng reply sa kanya.
Me:
Salamat Pa. Ayos lang po kami dito ni Tartarus. Hindi niya po ako sinasaktan. Inaalagaan niya nga po ako dito. Mahal niya po ako Pa. Hindi niya po ako kayang saktan. Sige po, ingat din po kayo diyan ni Mama.
Binaba ko na ang cellphone ko pagkatapos kong i-send ang reply ko kay papa. Tinignan ko si Tartarus sa gilid ng kama ko at tulog pa rin siya sa kama niya. Napabaling ako sa cellphone ko at napatingin dito ng may matanggap akong text.
Galing kay papa ang text. Mukhang gising na siya ngayong oras. Tinignan ko ang bagong text niya sa’kin.
Papa:
Canyre Anak. Naayos ko na lahat dito. Ready na sa pag-uwi mo upang masimulan na natin pagkauwi mo. Sana ay pumayag ka na dito. Para sa iyo rin ‘to. Ingat ka lagi anak. Tandaan mo ‘dika nag-iisa at andito kami ni mama para sa’yo. Mahal ka namin.
Napaluha ako sa text ni papa. Bihira lang siya mag-text sa’kin ng ganto. Napangiti na lang ako bago nagtipa ng reply sa kanya.
Me:
Salamat Pa. Mahal ko rin po kayo ni Mama.
Bigla akong naiyak sa ‘diko alam na dahilan. May sakit akong nararamdaman pero ‘diko alam kung ano ‘yun. Bigla na lang akong nangatal sa aking naalala.
Hindi... Hindi totoo ‘to... Tang-ina Canyre wag kang mag-iisip ng ganito.
Naramdaman ko na lang na may yumakap sa’kin. Alam ko na agad kung sino ‘yun. Humagulhol na lang ako sa bisig niya. ‘Diko alam kung bakit ako nasasaktan ngayon. Hindi ko alam kung bakit ko naiisip ‘yun.
"Canyre," Tawag niya sa’kin ng maramdaman niyang nangangatal ako. ‘Diko alam kung bakit. "Andito lang ako, Mahal." Sabi niya bago ako yakapin ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
While You Were Awake (Summer Series #1)
General FictionThe moment she knows what's going on in his condition, Canyre Tusia Enyo Santos will fulfill his want. Giving her best to make him happy even she's in pain. She promise while holding his hand that while he was awake she will make him happy and forge...