After Her

178 6 0
                                    


"Dear Sean, I want you to know that I admire you..." nanginig ang labi ko, hindi makapaniwala na babasahin niya ang laman ng liham na hindi naman para sa kaniya.

Unti unting uminit ang gilid ng mga mata ko, malapit ng umiyak ngunit pinigilan ko iyon.

"Akin na..." nanginginig kong sinabi. Hindi ko alam kung utos ba iyon o pakiusap. Alam kong hindi lang kami ang taong naririto. Paniguradong ang iba ay narinig ang sinabing iyon ni Arkiel.

Hindi ko alam na darating sa punto na ganito kalala ang gagawin niya sa akin. Naglalakad ako sa field ng school, at hinahanap ang classmate at crush kong si Sean. Alam kong dito siya tuwing hapon at naglalaro ng soccer. Mag s-summer na at gusto ko sanang malaman niyang hinahangaan ko siya bago mag bakasyon.

It took me years to say it to him. Ilang letter din ang pinunit at tinapon ko hanggang sa makagawa ako ng sa tingin ko ay sapat na.

Ngunit hindi ko inaasahan na makakasalubong ko si Arkiel at mababangga niya ako dahilan ng pag kahulog ng pinag hirapan kong letter para kay Sean. Pinulot niya iyon at binasa. Binasa niya kahit alam niyang maraming nakikinig, at nakakahiya iyon.

"Sean? Iyong pangit mong kaklase?"

Nakatitig ito nang masama sa akin gayong ako dapat ang gumagawa n'on. Hindi ko siya maintindihan.

"Akin na." ulit ko, nanginginig ang boses sa galit.

Alam kong masama na talaga siya pero hindi ko alam na ganito siya kasama!

"Hindi mo siya pwedeng magustuhan, Elissa."

Tinitigan ko siya nang masama, nanlalabo ang paningin ko sa luhang nagbabadyang pumatak ngunit pinipigilan ko iyon.

"You have no say on who I like, Arkiel." Tinitigan niya akong mabuti. Bumagsak ang mga kamay niya kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na kunin sa kaniya ang letter na medyo natupi na sa higpit ng pagkakahawak niya.

"I am just warning you. That boy is not good for you."

"And who are you to tell me who's good for me?" Pumatak ang luha ko ngunit agad ko iyong pinunasan.

"I care for you-"

"No you're not! I hate you!" mabilis ko siyang tinalikuran at umalis roon. Paano ko pa ibibigay kay Sean ang letter ko kung sira na?

Umuwi ako sa bahay ng hapong iyon. Nagkulong sa kuwarto at umiyak nang umiyak. I was Grade 8, hindi naman masamang magkaroon ng paghanga sa isang tao lalo na't si Sean iyon. Magaling maglaro ng soccer, guwapo at mabait. Marami ang humahanga sa kaniya at isa na ako roon. Hindi ko pa rin makalimutan ang ginawang iyon ni Arkiel hanggang kinabukasan.

Noong gabi ay hindi ako sumabay mag dinner sa pamilya ko at sinabing masakit ang ulo at nagpahatid na lamang ng pagkain sa kuwarto ko. At ngayong umaga inuusisa nila ako kung maayos na ba ang pakiramdam ko.

"Maayos na, Mom. Sumakit lang ang ulo ko sa init siguro kahapon." Pag dadahilan ko.

"Pwede ka namang lumiban sa school ngayon at papupuntahin ko si Manang roon." Mabilis akong umiling.

Wala man akong lakas ng loob pumasok ngayon dahil alam kong kalat na sa buong school ang pagkakaroon ko ng crush kay Sean, ngunit kailangan kong pumasok dahil marami ang mga gagawin dahil mag e-end na ang school year.

"Huwag na, Mom. Ayos na po ako. Nakapagpahinga na po." Marahang tumango si Mommy.

"Markus bantayan mo ang kapatid mo sa school." Nilingon ko si Kuya sa sinabing iyon ni Dad, ngunit agad na nag iwas ng tingin.

After HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon