Second quarter nang mapagod ako kaka palakpak para sa team ng school namin. Si Angel naman ay parang hindi nauubusan ng energy dahil hanggang ngayon ay patalon talon pa ito.
"Omg! That's three points from Arkiel, Elissa!" Tumalon talon siya.
Pumalakpak ako para kay Arkiel. Kung narito si Kuya Markus ay mas matutuwa ako.
Natapos ang second quarter at kaunti lang ang lamang ng team namin, magagaling din kasi ang team ng kabilang school. Nag usap usap ang mga players kasama si coach, tumingin ako roon at naabutan kong nakatitig sa akin si Arkiel habang nagsasalita si coach.
Nasa bewang ang kaliwang kamay niya at ang kanan ay hawak ang puting towel na ginamit niya para punasan ang kaniyang pawis. Nagtagal ang titig niya, hindi ko rin alam kung bakit kahit ako ay titig na titig din sa kaniya. His dark eyes...are tempting me not to look away.
Bago pa ako mahimatay dahil muntik ko nang makalimutang huminga ay umiwas na ako ng tingin. What's that? Napahawak ako sa aking dibdib dahil ang lakas ng tibok n'on!
"Oh anong nangyari sa'yo?" Mabilis akong umiling kay Angel, kinuha ang tumbler sa tabi saka ininom iyon. Huli na nang ma realized kong hindi iyon akin. Itinigil ko ang pag inom at nilingon si Arkiel.
Nakatitig pa rin ito sa akin, napalunok ako. Nakita ko kung paano sila d-in-ismissed ni coach para makapag pahinga saglit bago magpatuloy sa third quarter. Naalis ang tingin nito sa akin nang kausapin siya ni Lorcan, nakita ko ang pagtango niya.
"Wait lang, Elissa. Tawag kami ni Venice." Nalipat ko ang tingin kay Angel saka tumango, pinagmasdan ko siya na makapunta roon sa grupo niya.
"How are you?" Nag angat ako ng tingin. Naroon na si Arkiel sa harap ko. Kinabahan ako bigla, hindi ko inaasahan na lalapit siya!
"Uh...ayos lang!" Hindi ko alam kung bakit parang ang lakas ng boses ko, sumasabay sa lakas ng pagtibok ng puso ko. Seriously? What is happening to me?
"Sigurado ka?" Mabilis akong tumango. Pinigilan ko na lang magsalita. Kinakabahan ako at baka may masabi pa akong mali. Umupo siya sa tabi ko, mas lalo akong kinabahan.
Kinuha niya ang kaniyang tumbler kaya pinigilan ko kaagad siya.
"Kukunan na lang kita roon. Hindi ko sinasadya, nainuman ko 'yan." Gusto ko na sanang tumayo para kumuha ng mineral water pero, hindi ko maalis ang titig ko sa mga mata niya. What?
"Yeah, I saw you." Itinuloy niya ang pag inom sa tumbler. Umiwas ako ng tingin, at nilipat iyon sa mga daliri kong hindi mapakali. I need to calm down! Seriously, Elissa?
"Ginalingan ko ba?"
"Huh?" Napatingin tuloy ulit ako sa kaniya. Sobrang linaw tuloy sa'kin ng mga ngiti niya.
"Sabi mo galingan ko, ginalingan ko ba? O kulang pa?" Umiwas ko ng tingin.
"You're doing good."
"Hmm, I should do better then." Nilingon ko siya, kumunot agad ang noo ko.
Hindi ako umimik kahit gusto kong mag usap kami. Pakiramdam ko kapag nag usap kami lalo lang akong kakabahan, at hindi ko gusto ang pakiramdam n'on.
"Magsisimula na, hindi ka maglalaro?" Tanong ko nang mapansin na nasa court na ang iba. Sinubukan kong ayusin ang pagsasalita, at buti ay naging maayos naman.
"Pahinga raw muna ako. Papasok mga sub, mamaya pa ako." Tumango na lang ako at inantay na magsimula ang next game.
Sinikap kong hindi na lingunin pa ang katabi. Sinikap kong ituon ang atensyon sa laro pero ang utak ko ay lumilipad pa rin sa mga titig na iyon ni Arkiel. Palagi, sa tuwing tumitingin ako sa kaniya ay hindi ko siya maintindihan. Iyon lang. Ngunit iba kanina, bakit ako kinabahan? Bakit ang bilis ng tibok ng dibdib ko? Ipinilig ko ang aking ulo.
Ayaw ko nang isipin. I've never felt this before. Kahit kanino. At ayaw ko ng pakiramdam na iyon, pakiramdam ko ay mali kaya kinakabahan ako. What's that anyway?
Wala sa sariling pumalakpak ako nang maka shoot ang team namin. Hindi ko nakita kung sino, pero pumalakpak pa rin ako dahil team namin iyon.
"You're seriously cheering for Cervantes?" Nilingon ko si Arkiel, he's almost pouting.
"Bakit?"
Hindi niya ako sinagot sa halip ay tiningnan lang. Kumunot ang noo ko dahil ayan na naman siya sa paninitig niya! Nakakainis dahil iba ang epekto sa akin n'on.
"Hindi ko nakita na si Limuel iyon. Pumalakpak ako dahil naka score ang team natin."
Hindi siya sumagot. Tumahimik ako at ibinalik ang atensyon sa panunuod. Nawalan ako ng gana, hindi ko alam kung bakit. Halos hilingin ko pa na sana ay ipasok na siya ni coach para umalis na siya.
Sumulyap ako kina Angel. Nag uusap pa rin ang mga ito, may performance sila mamaya kapag natapos ang fourth quarter. I sighed, I wanna go home.
"Nagugutom ka?" Umiling ako, hindi siya tinitingnan.
"Bibili ako kung nagugutom ka."
"Hindi, Arkiel." Nag focus ako sa pinapanuod. Ayaw kong tumingin sa kaniya.
"Galit ka dahil pinuna ko ang pag cheer mo kay Cervantes?" Saka lang ako napalingon, now he looks mad. Almost glaring.
"Hindi ako galit."
"Hindi mo ako kinakausap." Umawang ang labi ko, hindi makapaniwala sa kaniya.
"We're talking, Arkiel. Anong tawag mo sa ginagawa natin?"
"Now you're looking at me. Bakit kanina ay hindi?"
"I'm watching, Arkiel." Pagdadahilan ko na kahit ang totoo ay ayaw ko lang siyang tignan.
"I'm not even playing!"
Huh?
"Hindi kita maintindihan." His dark eyes again darted at me. Kinunutan ko lang siya ng noo at hindi pinansin.
Ano naman kung hindi siya naglalaro? Saka lang ako manunuod kung siya na ang naglalaro? Huh!
"Montenegro!" Nagpasalamat ako sa tawag na iyon ni coach. Naalis ang tingin niya sa akin saka naglakad papunta roon. Ipapasok na ata siya.
Kinuha ko ang cellphone ko at t-in-ext na lang si Angel na maaga akong uuwi dahil masama ang pakiramdam ko. Tumayo na ako sa pagkakaupo at naglakad, dumaan ako sa back door para makalabas ng gym. Hindi ko kaya, ayaw ko na roon.
Nag taxi ako pauwi, nagulat pa si Manong Ramon na maaga akong umuwi, nagdahilan din ako na masama ang pakiramdam. Mabuti at wala roon sina Mommy dahil tatanungin lang nila ako kung bakit at mag aalala lang sila. Dumiretso ako sa kwarto saka humiga, suot pa ang uniporme.
What was that, Elissa?
Ilang oras kong inisip kung bakit ganoon ang naramdaman ko kay Arkiel, hanggang sa nakatulog na lang ako. Binati ako ng pagtatampo ni Angel pag kagising.
[Pasensya na, sumama talaga ang pakiramdam ko. Bawi ako bukas.]
Nang ma i-send ko iyon ay bumaba na ako para maghapunan. Sinabi na agad ni Mommy na magagabihan sila sa pag uwi kaya hindi na ko umasa na makakasabay ko sila. Pagkatapos kong kumain ay bumalik ulit ako sa kwarto, kung paano ako nakatulog ulit kahit kakagising ko lang ay hindi ko na alam.
"Nakakainis ka naman!" Salubong ni Angel sa akin kinaumagahan. I smiled apologetically.
"Sorry." Pabiro niya akong tinarayan.
"Akala ko nga nag away kayo ni Arkiel kasi badtrip siya kahapon. Hindi tuloy maganda ang laro niya."
Nagulat naman ako roon, baka natalo sila?
"Buti na lang kahit badtrip siya magaling pa rin siya kaya ayon, panalo pa rin." Nakahinga ako roon ng maluwag. Baka maging kasalanan ko pa kung bakit sila natalo.
E bakit ako? Dahil na badtrip ko siya? Huh? Ako pa? Siya nga amg titig ng titig sa akin na nakaka kaba! Dapat ako ang naiinis dahil may kung ano siyang pinaparamdam sa'kin na hindi ko gusto.
"Angel..." Lumingon siya sa akin. Hapon nang maisipan kong tanungin si Angel tungkol sa naramdaman ko kahapon. Walang klase dahil intramurals nga, maraming booth kaya nag iikot ikot kami.
"Bakit?"
"Nakaramdam ka na ba na kapag tinititigan ka, bumibilis tibok ng puso mo? Kinakabahan?"
"Huh? Bakit? Baka masamang tao kaya ka kinakabahan! Magnanakaw ba 'yan? O rapist? 'Di ba sabi mo nagtaxi ka lang kahapon?" Nag hysterical na si Angel kaya pinigilan ko na.
"Hindi naman sa masamang tao. Kakilala ko..."
"E'di gusto mo 'yon ganon! In love ka?"
"Hindi, Angel!" Halos isigaw ko iyon. Tumawa siya.
"Sino ba 'yon? Ako na magsasabi kung nagugustuhan mo nga o hindi. Ako na mag judge." Tumawa ulit siya. Pakiramdam ko ay uminit ang pisngi ko roon.
No! Hindi. Hindi ko gusto si Arkiel!
"Wala, Angel. Kinabahan lang ako kasi parang galit siya." Kahit hindi naman.
"Hay naku ha. Baka si Sean 'yan, tigilan mo 'ko." Umiling ako agad.
"No. Hindi na kami nagkikita."
Hindi mawala sa isip ko ang sinabing iyon ni Angel. Ako? In love? That's a lie! Hindi ko gusto si Arkiel at hindi ako ma i-in love sa kaniya. Ang bata bata ko pa, hindi pwede.
"Kapag narinig ko na naging si Venice na at si Arkiel. Hindi na ako magugulat." Napatingin ako sa tinitingnan ni Angel.
Si Arkiel iyon, kasama si Venice. They look good together at tama si Angel. Nagkasalubong kami at siyempre hindi pwedeng hindi ko batiin si Venice.
Huminto ako sa paglalakad ganoon din si Angel, nang mapansin kami ni Venice ay kumaway siya.
"Hi." Bati ko nang hindi tinitingnan si Arkiel. Ayaw kong maramdaman ang naramdaman ko kahapon.
"Hello. Nag t-try din ba kayo ng mga booth?" Tumango kami ni Angel.
"Oo e..." Mahina kong sabi. Ngumiti siya ng malapad.
"Kami rin! Niyaya ko nga ito si Arkiel sa horror house ng fourth year! Masaya ata roon kasi maraming nagreklamo na nakakatakot daw!" Tumawa siya, parang anghel kung tumawa. Ngumiti na lang ako.
"Hindi namin i ta-try iyon ni Angel." Umiling ako na ikinatawa ni Venice.
"Marami raw ang nahimatay roon, ingat kayo." Si Angel.
"Ayos lang, kasama ko naman si Arkiel!" Tingin ko ay binigo ko ang sarili ko nang kusang lumipat ang tingin ko kay Arkiel. At tulad ng naramdaman ko kahapon, ganon pa rin iyon ngayon.
Gusto ko siya? No. Hindi pwede. Kung totoo ang sinabi ni Angel na nagugustuhan ko siya, then I should stop because it's very dangerous.
"Baka maging kayo paglabas niyo roon." Tumawa si Angel, ganoon din si Venice.
"Hindi pa naman nanliligaw si Arkiel!" Hindi pa. That means she knew Arkiel has plans on courting her? O baka sinabi na iyon sa kaniya ni Arkiel, that soon he will court her.
"Ay hindi pa ba? Parang kayo na nga e." Gusto ko na lang patahimikin si Angel. Umiwas ako ng tingin kay Arkiel dahil hanggang ngayon ay nakatitig pa rin ito. Hindi ko nga alam kung bakit hindi napapansin iyon ng iba. Baka kasi ako lang din ang tumititig sa kaniya? What? Napasinghap ako.
"I think we should go." Sabi ko kay Angel.
"Okay kami rin!" Masayang sabi ni Venice. Ngumiti ako sa kaniya, gusto kong isuka ang sarili dahil alam kong napaka bitter ng ngiti ko kay Venice. And it's wrong, all of these is wrong.
"Enjoy kayo." Sinabi ko iyon habang nakatingin kay Arkiel. Sana ay naramdaman niya ang sarkasmo roon.
"You don't look okay. May problema ba?" Si Angel nang makalayo na kami. Umiling lang ako, hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Angel o hindi.
Nagpatuloy kami sa pag t-try ng mga booth. Naiinis sa akin si Angel minsan kapag hindi ako nakikinig sa kaniya dahil nga lumilipad ang utak ko.
"I think you're really not okay. Gusto mo ng umuwi?" Mabilis akong tumango. Hindi ko talaga gusto ang pakiramdam na ito, this is first time. I don't even know how to handle this.
"Sorry, Angel."
Tumawag na ako kay Manong at mabilis lang siyang nakarating. I felt bat for Angel dahil nag insist pa siyang ihatid ako rito sa labas.
"No problem, baka bukas ay okay ka na. Ingat!" Humalik ako sa pisngi niya saka kumaway. Isinara ko ang pinto ng SUV namin.
Nagkulong ulit ako sa kwarto. Alas nueve na at hindi pa rin ako makatulog. Pinag iisipan ko kung sasabihin ko ba ito kay Angel. Magtatampo iyon kung hindi ko sasabihin.
But then, I don't like this feeling at all. Hindi ako pwedeng magkagusto kay Arkiel. Maling mali iyon, hindi ako makahanap ng tamang rason kung bakit ko siya nagustuhan. At isa pa, naalala ko ang mga sinabi ni Kuya Markus. Hindi ako magugustuhan ni Arkiel, hindi niya tipo ang mga bata, kapatid lang ang turing niya sa akin. Nakakainis. Gusto kong itakwil ang sarili dahil nakakaramdam ako ng ganito.
Hindi ko na sasabihin kay Angel. I've decided already. I should stop this. This is so wrong.