Napasinghap ako sa sinabi ni Arkiel at agad napatingin kina Kuya Markus. Abala pa rin sila sa pag k-kwentuhan, huminga ako ng malalim at tiningnan ng masama si Arkiel.
"Don't call me that, Arkiel."
"What?" Pag wa-walang malisya niya, hindi ko na siya pinansin. That's where he's good at.
Gagawa ng ikakagulo ng isip ko pero sa kaniya wala lang iyon. After this vacation ay hindi ko na siya papansinin, mahirap kasing iwasan siya ngayon kung lagi naman akong ipinagkakatiwala sa kaniya ni Kuya. Iiwasan ko na lang siya sa pasukan, mas madali sa mga panahong 'yon.
"Hindi ka na magdadagdag, Eli?" Umiling ako kay Kuya, napansin niya ata ang pag inom ko ng iced tea tanda na tapos na ako.
"Okay, magpapalit lang kami ng damit. Maglalakad lakad ka na ba?"
"Yes, Kuya."
"Alright, akyat na kami. Arkiel, ang kapatid ko ha." Kita ko ang pagtango ni Arkiel. Nagpaalam din si Anaia sa amin saka sila sabay na umalis na dalawa.
Lumabas ako ng resto at alam kong sumunod naman si Arkiel. Mainit sa labas pero may mga puno naman ng niyog sa mga gilid kaya roon na lang ako banda maglalakad para hindi masyadong mainit kahit pa may blazer akong dala at shades.
"Dapat ay nag dala ka ng payong." Nilingon ko si Arkiel, is he serious? Kinunutan ko lang siya ng noo saka nagpatuloy sa paglalakad.
"Mainit masiyado, Elissa." Aniya.
"Doon nga ako oh." Tinuro ko iyong may linya ng mga coconut tree.
"Mainit pa rin."
"Anong gagawin ko, Arkiel?" naiinis kong tanong.
"Let's go back to the hotel, mamaya na lang tayo maglakad lakad." Huminto ako sa gitna ng mainit na dalampasigan at hinarap siya.
"Anong gagawin natin d'on? I'm bored Arkiel. Gusto kong maglakad."
"Fine, ang init." Reklamo niya. Mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at hinila papunta sa lilim ng mga puno. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Bumilis agad ang tibok ng puso ko. Iniwas ko ang tingin sa magkahawak naming kamay.
Nalipat ang tingin ko sa likod ni Arkiel, at ngayon ko lang napansin na naka suot lang ito ng plain black board shorts at puting t-shirt.
Nang marating namin ang malilim na parte ng dalampasigan ay binitawan niya na ang kamay ko. Napatikhim ako at agad na nilipat ang atensiyon sa ganda at lawak ng dagat. Binuksan ko ang cellphone at kumuha ng mga pictures.
"Give me your phone, I'll take a picture of you." Nilingon ko si Arkiel, nakatingin na ito at nag aantay sa cellphone ko kaya wala na akong nagawa kun'di iabot iyon sa kaniya.
"G-gandahan mo." Sinabi ko iyon para mawala ang lakas ng tibok ng dibdib ko, para kumalma.
"You're already beautiful, Elissa." Agad akong nag iwas ng tingin dahil ramdam na ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi.
Kahit nahihirapan akong huminga dahil sa mga sinasabi ni Arkiel ay pinilit ko pa rin maging presentable para maayos ang kuha ni Arkiel. Naka ilang shots kami at sa huli ay naging kumportable na ako.
"Ikaw naman, where's your phone?"
"I forgot to have it with me." Napatango tango ako saka inangat ang cellphone ko.
"Itong akin na lang, i-send ko na lang sa'yo mamaya." Umiling siya.
"Hindi ako mahilig mag picture."
"Wala kang remembrance. Bilis na, tayo ka lang diyan."
"No." matigas niyang sabi na ikinailing ko.
"Arkiel, you need this." Umangat ang gilid ng labi niya, natatawa.
"I don't need pictures, baby." Kinunutan ko siya ng noo, ayan na naman siya!
"Stop calling me that, hindi ako baby." Umiwas ako ng tingin at nagkunwaring abala sa cellphone. Binuksan ko ang camera.
"Samahan mo ako." Nilingon ko siya
"Saan?"
"Picture." Simpleng sagot niya at kinuha ang cellphone ko. Umalis siya sa pwesto namin at may nilapitang hindi ko kilala at paniguradong hindi niya rin kilala. Saglit lang ay sabay na silang naglakad n'ong babae na kinausap niya, palapit sa'kin.
"Anong gagawin mo?" Salubong ko kay Arkiel nang makalapit ito sa'kin.
"Remembrance, you said." Tumabi siya sa'kin at agad akong inakbayan.
"You two are a good match. Ilang years na kayo Sir?" mabilis akong umiling.
"Hindi ko po siya boyfriend." Mabilis kong tanggi, nagulat naman iyong babae.
"Really? You two look like couple. Bagay kayo, bakit hindi na lang kayo?" Hindi ako umimik, because we're not supposed to be together. Even liking him is already wrong.
"She's too young for that topic."
"Ay talaga ma'am? Ilang taon ka na ba?"
"Fifteen." Simpleng sagot ko, napatango siya at sinabing kukunan na niya kami ng picture. Ilang shots lang iyon saka niya sa'min binalik. Nagpasalamat naman kami ni Arkiel. Si Arkiel ang tumanggap ng cellphone ko pag balik, inantay ko siyang matapos tingnan ang mga litrato namin.
"Send all of these to me later." Tumango ako, ngumiti naman siya saka ibinalik ang cellphone ko sa'kin.
Nagpatuloy kami sa paglalakad, ang bagal ko nga lang maglakad dahil namamangha talaga ako sa linis ng dagat kaya lang ay hindi pa ako makalapit doon dahil bukod sa mainit ay maarte itong kasama ko at ayaw atang masikatan man lang ng araw at makaramdam ng kahit saglit na init. Napailing ako saka tahimik na lang na tinatanaw ang alon sa hindi kalayuan.
Dahil din siguro sa init ay nakaramdam ako ng uhaw. Nakakita pa nga ako ng mga tindahan 'di kalayuan at natakam agad ako nang makita ang karatula ng buko juice. Napalunok ako, I didn't bring any money with me! Dahil katabi ko lang si Arkiel ay marahan kong hinila ang laylayan ng tshirt niya.
Tiningnan niya ako,
"Do you have money with you? Can I borrow? Nauuhaw ako Arkiel, papalitan ko mamaya." tumango siya
"Let's go." Hinawakan niya ulit ang kamay ko at hinila patungo roon sa mga nagtitinda, hindi ko na lang iyon pinansin. Ako lang kasi lagi ang nagbibigay ng malisya kahit na para kay Arkiel ay wala lang naman iyon. Ako lang talaga itong nag iiisp ng kung ano ano.
"Is that all?" Tumango ako habang sumisipsip sa straw ng buko juice ko. Pinanuod niya lang akong uminom, nakaupo na kami ngayon sa stool na may nakatayong malaking payong sa gitna ng pabilog na mesa, sa tapat ng tindahan ni Manong na nagtitinda ng buko juice.
Ibinaling ko ang tingin sa dagat, sunod ay nalipat kay Arkiel nang may maisip ako.
"I'd like to try swimming at night, papayagan kaya ako ni Kuya?" He shrugged.
"Siguro." Napangiti ako roon. Noon ko pa kasi gusto maranasan 'yon pero hindi ako pinapayagan nila Mommy. Pero ngayon, fifteen naman na ako. Baka pwede na, baka pumayag nga si Kuya.
"If I'm with you, maybe he'll agree." Kumunot ang noo ko,
"How sure are you?" uminom ulit ako ng juice matapos siyang tanungin.
"Hundred percent." Ngumisi siya, umiwas ako ng tingin.
Bakit kasi ang guwapo niya? Napanguso ako.
"Don't do that."
"Huh?" Takang tanong ko, may kausap ba siyang iba?
"Stop doing that, Elissa."
"Ang alin ba?"
"Stop pouting." My mouth formed 'O' then nodded.
"Pagkatapos mo riyan, balik na tayo sa hotel." Napanguso ako ng hindi sinasadya pero mabilis kong binawi iyon, dahil sabi niya 'wag ko raw gawin. At ako naman, sumusunod din. Oh please, Elissa.
"Tapos na tayo maglakad?" Tumango siya.
"Wala pa nga tayo isang oras, Arkiel."
"Sasamahan kita mamaya kung gusto mong mag night swimming. For now, let's go back." Napaisip ako roon.
Siguradong papayagan talaga ako ni Kuya kapag kasama si Arkiel, at wala namang balak mag swimming si Arkiel kaya mag e-enjoy naman ako mamaya.
"Okay!"
Niyaya ko na siyang umalis kahit hindi pa nauubos ang juice ko, sa hotel ko na 'yon uubusin. Naglalakad ulit kami pabalik at hinahanap ko sila Kuya, baka kasi nag s-swimming na sila.
"Alam mo ba kung sa'n mag s-swimming sila Kuya?" Umiling si Arkiel, hindi na ako nagtanong ulit.
Ang seryoso niya maglakad at parang naiinis na dahil sa init. Natawa ako.
"What's funny?" Puna niya, umiling lang ako.
Nagpatuloy kami sa paglalakad, sobrang lawak at nahilo lang atabako kakahanap kung nasaan sila Kuya. Baka naman aakyat din siya mamaya, mamaya na lang ako magpapaalam.
"Oh, thank God." Natawa ako kay Arkiel nang makarating kami malapit sa hotel, malilim na roon dahil mas marami ng coconut tree.
"I need water." Aniya, napatingin ako sa paigid, baka lng may mabil'han ng tubig. Nang makakita ako ng mga kubo kubo ay inaya ko roon si Arkiel para bumili. Nang makarating sa isang maliit na resto ay ako na ang bumili.
"Ate, isang tubig po." Mabilis naman akong inabutan ni ate ng isang bote ng tubig.
"20 pesos po, ma'am." Naalala kong wala akong pera kaya nilingon ko agad si Arkiel sa likuran ko.
"20 pesos." Ulit ko kahit alam kong narinig niya naman.
Sa halip na pera na lang ay inabot niya pa sa'kin ang kaniyang wallet. Kumuha ako ng one hundred na bill doon dahil wala naman siyang twenty pesos.
"Sukli po." Tinanggap ko naman agad saka nagpasalamat. Nilingon ko si Arkiel at inabot sa kaniya ang tubig.
"Thanks." Tumango na lang ako kahit pera naman niya ang ipinangbayad doon. Thanks for what?
Lumabas kami roon at agad nahagip ng tingin ko iyong nagtitinda ng mga souvenir, mabilis kong hinila papunta roon si Arkiel nang maubos niya ang tubig.
"Ma'am mura lang po, pili po kayo." Ngumiti ako at pumili nga roon.
Napatingin ako sa mga accessories. Kinuha ko iyong pearl necklace, kulay puti. Dahil may maliit na salamin na roon na nakahanda si Manong ay sinubukan ko iyon kung bagay ba. Napangiti ako dahil maganda.
"Totoong pearl po iyan, Ma'am. Bagay na bagay po sa inyo." Ngumiti ako kay Manong
"Magkano po?"
"Dalawang libo na lang po ma'am, pwede niyo po ipa check. Totoo po 'yan." Tumango ako, may tiwala naman ako kay Manong at hindi n iyon kailangan pang i check. Nilingon ko si Arkiel na abala rin sa pagtingin ng kung ano ano, pinakita ko sa kniya ang kwintas.
"Maganda ba?" Tumango siya.
"Bayaran ko na ha?" Ngumiti siya at tumango saka ipinagpatuloy ang pagtingin tingin doon. Kumuha ako ng pera ni Arkiel at binayaran ang kwintas. Sinuot ko na rin iyon dahil bukod sa maganda ay bumagay din sa damit na suot ko.
"Magkano ito, Manong?" Nilingon ko si Arkiel at tiningnan ang hinahawakan nito. A bracelet made in shell, ang ganda n'on pero nahihiya na akong gumastos kahit babayaran ko naman.
"One hundred pesos lang po iyan, Sir."
Tumango si Arkiel, "Okay, kukunin ko." Sinama niya iyon sa babayaran ko, inantay ko ang sukli at ibinalik iyon sa wallet ni Arkiel.
Maglalakad na sana ako paalis at aayain na siyang bumalik sa hotel nang bigla bigla na lamang itong lumuhod sa harap ko.
"Put your right foot here." Tinapik niya ang tuhod na nakaangat habang ang kabila ay nakalapat sa buhangin.
"Huh?" Bakit niya sa'kin pinapaapakan ang tuhod niya?
"I'll put this for you." Ipinakita niya ang akala kong bracelet sa akin.
Wala sa sariling sinunod ko ang utos niya. Sinuot niya ang shell anklet doon. I never thought that was for me, wow.
"Thank you." Sabi ko nang maibaba ang paa at makatayo na siya. Tiningnan ko iyong anklet at ang ganda sobra.
"Welcome." Ngumiti siya sa akin kaya napangiti na lamg din ako. Nagpaalam kami kay Manong at inaya ko si Arkiel na mag explore pa ng ibang ng tindahan doon.
"Oh! I wanna try that!" Turo ko sa isang kubo na mag titinda ng halo halo.
"Let's go then."
Nang makalapit kami roon ay agad na kaming nag order, iyong special na ang binili ko para mas masarap. Wala silang mesa at tanging counter tble lang na gawa sa kahoy ang mayroon. Nagtabi kami ni Arkiel ay hindi nagtagal ay na iserve na iyong halo halo.
Halos hindi ko na makausap si Arkiel dahil busy na kami pareho sa pagkain. Tahimik lang kaming kumakain nang mag ring ang cellphone ko, tumatawag si Kuya Markus. Dahil si Arkiel ang may hawak doon at hindi ko na rin alam bakit nasa kaniya, ay siya na ang sumagot ng tawag at iniabot iyon sa'kin.
In-on ko ang loud speaker saka nagpatuloy sa pagkain.
"Eli?"
"Hello? Kuya..." Huminto ako sa pagkain.
"Saan kayo? Hindi ko ma contact si Arkiel."
"Malapit lang po sa hotel, kumakain kami ng halo halo Kuya. Naiwan daw ni Arkiel ang phone niya sa room niya."
"Oh, okay. Pakausap kay Arkiel." Inabot ko naman agad kay Arkiel ang phone.
"Kausapin ka raw." sabi ko kahit narinig naman niya.
Kinuha naman agad iyon ni Arkiel at binati si Kuya Markus. Dahil naka loud apeaker iyon ay rinig ko ang pinag uusapan nila.
"Naiwan mo ang cellphone mo sa room mo?" Pagkumpirma ni Kuya Markus.
"Yes..." Rinig kong sabi ni Arkiel.
"Tumawag kasi si Venice, hinahanap ka sa'kin." Nahinto ako sa pagkain mg halo halo.
"I'm busy, tell her." Tahimik lang akong nakikinig ng pinag uusapan nila habang paminsan minsan ay sumusubo ng halo halo.
"Miss ka na raw." Tumawa si Kuya Markus, nagulat ako roon kaya naubo ako. Bumara pa ata iyong saging! Tumalikod ako kay Arkiel at umubo.
"Shut up." Sabi ni Arkiel.
Sumakit ang lalamunan ko dahil roon kaya lalo akong naubo. Naramdaman ko na lang ang paghagod sa likod ko ni Arkiel. Inabutan niya ako ng tubig na ininom ko agad.
"Ligawan mo na kasi. Kala ko pa naman mauuna ka sa'kin." Dahil naka loud speaker nga iyon ay rinig na rinig ang tawa ni Kuya Markus.
Umayos na ang lalamunan ko kaya naman ay ipinagpatuloy ko na ang pagkain ng halo halo. Si Kuya naman kasi e!
"Is that why you call? Not even important, I'll hang up."
"Okay, 'yong kapatid ko ah." Rinig kong bilin ni Kuya Markus, napatingin sa'kin si Arkiel.
"Akin na 'to."
"Gago ka talaga!" Tumawa si Kuya, in-end ni Arkiel ang tawag at in-off ang cellphone ko.
Napalunok ako ng kinakaing halo halo sa sinabi niya. Sa kaniya na lang ako? Of course, bilang kapatid. Iyon din naman ang nasa isip ni Kuya Markus. Matagal nasilag nagbibiruan sa kung sino ang Kuya at ang tunay na Kuya, so iyon lang ang ibig niyang sabihin. Ba't ba ako nag iisip ng kung ano ano.
"What happened to you?"
"N-nbulunan l-lang." Umiwas ako ng tingin.
"Be careful next time. Okay?" Tumango ako saka inubos na ang kinakain ko.