Chapter 13

42 6 0
                                    

   
    
   
   
"Markus, baka ma-late ka sa flight mo, anak." Si Mommy.
      
         
Kinuha ko ang pakakataon na iyon para umalis at lumapit kina Mommy.
      
         
"Yes, Mom. Papasok na 'ko sa loob."
      
         
"Pre, ingat!" Iyong mga kaibigan niya. Tumango si Kuya saka tumawa at nagpasalamat.
      
         
"Dad, Mom. Alis na po ako." Niyakap niya si Mommy at Daddy.
      
         
"Mag iingat ka roon Markus. At sumunod palagi sa lolo at lola mo. Don't stress them, okay?"
      
         
"Of course, Mom."
      
         
"Ang kotse mo ay ipapahatid ko roon, Markus. Call ys if you need anything." Tumango si Kuya.
      
         
"Salamat, Dad."
      
         
"Elissa, mag paalam ka na sa Kuya mo. Aalis na siya." Sumunod ako sa sinabi ni Mommy at lumapit kay Kuya. I hugged him tight, naramdaman kong hinaplos nito ang mahaba kong buhok.
      
         
"Magpakabait ka Elissa. Huwag na huwag kang mag b-boyfriend." Tumawa siya, ngumuso ako at tumango.
      
         
"Hindi naman talaga, Kuya. I'll miss you, mag iingat ka roon." Ngumiti si Kuya Markus at tumango.
      
         
"Sige na, papasok na ako sa loob." Bumitaw ako kay Kuya saka kumaway. Humalik siya sa pisngi ko sunod ay kay Mommy.
      
         
"Ingat, Markus." Tumango si Kuya. Nagpaalam sa mga kaibigan at kumaway. Saka tumalikod na at pumasok sa loob ng airport.
      
         
Sobrang lungkot ang naramdaman ko hanggang sa makauwi kami. I can't believe Kuya's gone. Hindi ko iyon matanggap at hindi mag sink in sa utak ko na madalas na akong mag isa rito sa bahay. I can handle myself, pero iba pa rin noong mga panahong dito si Kuya Markus.
      
         
"Grabe, napaka snob naman ni Xian!" Reklamo ni Angel.
      
         
Ngumiti ako nang bahagya at hinayaan siyang mag kwento. Weeks passed after Kuya left for college, wala namang nag bago maliban sa wala na siya sa bahay. Kung ano ang ginagawa ko sa araw araw ay nagpatuloy iyon hanggang ngayon. Hindi tulad ng sinabi ni Kuya bago siya umalis, sinubukan kong iwasan si Arkiel. Hindi ako pumupunta sa lugar na naroon siya o mas pinipili kong hindi siya kausapin.
      
         
Hindi ko alam. Hindi ko gusto na tinuturing niya akong parang bata. Bata na kailangan niyang bantayan. Baka nga napipilitan lang siya nakaraan na kausapin ako dahil iyon ang utos ni Kuya? I don't want to conclude something but that's how I feel.
      
         
"Nag hi lang naman ako, kahit ba hello ay hindi niya kayang sabihin?"
      
         
"Tahimik kasi iyon, Angel. Ni hindi nga nagsalita noong kumain kami kasama si Venice." Ngumuso si Angel.
      
         
"Kahit na! Sa ganda kong 'to? Hindi ko deserve ang ma snob!" I chuckled because of her reaction.
      
         
"Iba na lang ang crush mo, kung ganoon. Para 'di ka ma snob."
      
         
"Pero gusto ko siya, Elissa."
      
         
"Hmm, hindi ko na alam Angel. Siguro pag tiyagaan mo na lang siya? Baka sa susunod ay pansinin ka na niya." Tumango tango siya, ngumiti ako.
      
         
"I think kailangan nating lumipat ng pwesto." Kumunot ang noo ko
      
         
"Bakit?" Ngumuso siya sa likuran ko. Isinara ko ang notebook at lumingon. Nagulat ako nang makita si Arkiel kasama ang ilang kaibigan na naglalakad palapit sa bench na napili naming upuan ni Angel.
      
         
Na i-kwento ko kay Angel na iniiwasan ko si Arkiel dahil may hindi kami pag kakaintindihan. Hindi naman sya umangal at tinulungan naman akong iwasan si Arkiel.
      
         
Mabilis akong nag ligpit ng gamit, ganoon rin ang ginawa ni Angel. Hindi na ako lumingon pa o ano.
      
         
"Elissa!" Natigil ako dahil roon, ganoon din si Angel saka tumingin sa bandang likod ko.
      
         
That's Venice. Bakit? May kailangan ba siya sa akin? Dahan dahan kong ibinaba ang mga gamit saka lumingon.
      
         
Ngumiti ako nang bahagya. "Hello." Bati ko nang makalapit sa akin ang dating mga kaklase ni Kuya Markus.
      
         
"Kamusta? School works?" Nilingon niya ang mga iilang gamit namin sa mesa. Tumango ako. Mag kaklase pa rin sila ni Arkiel? Ibig sabihin ang kinuha niyang kurso ay Engineering din? Mechanical?
      
         
"Uh...oo e. Pero paalis na rin."
      
         
"Bakit naman? Hindi pa tapos ang break time ah." Ngumiti ako at nilingon si Angel
      
         
"Tapos na rin naman kami." Si Angel, nakuha ang gusto kong mangyari na siya na ang sumagot sa tanong ni Venice.
      
         
Tumango ako sinang ayunan ang sinabi ni Angel. Nahagip ng mga mata ko si Arkiel, katulad ng dati his eyes were always dark, but today I know he's glaring. At bakit?
      
         
"Oh. Gusto ko lang sana i-invite itong si Elissa. Birthday ko next week."
      
         
"Uh..." alinlangan akong nag isip.
      
         
"You can bring your friend. At, ipapaalam kita kay Markus. Naroon din naman si Arkiel." Nilingon niya si Arkiel kaya napatingin din ako sa kaniya.
      
         
"Don't force her if she doesn't want to." Umiwas ako ng tingin
      
         
"Hindi ko naman siya pinipilit. Iniimbita ko siya, Arkiel."
      
         
"Pupunta kami, Venice." Si Angel. Nilingon ko siya.
       
         
"That's great. Ibibigay ko ang invitation bukas."
       
         
Dahan dahan akong tumango at pinanuod silang umalis.
       
         
"Bakit ka pumayag?" Iyon agad ang tanong ko kay Angel nang makitang nakalayo na sila.
       
         
"I have no choice. Naiinis ako sa kanila, hindi ko alam kung kanino. Basta. Pupunta tayo at nang wala silang masabi."
       
         
Hindi na ako nag reklamo sa desisyon ni Angel. I just found myself picking a dress for Venice's birthday. Mabuti na lang din at naroon si Mommy ng araw na iyon. Gabi ang party ni Venice at pinayagan naman ako nila Mommy, dahil naroon naman daw si Arkiel.
       
         
"Anak, tinawagan ko si Arkiel at ibinilin kita sa kaniya."
       
         
"Mommy, dapat ay hindi na. Kasama ko naman po si Angel." Ngumiti si Mommy sa akin sa salamin. Inaayos niya ang buhok ko, kakatapos niya lang ako lagyan ng kaunting make up.
       
         
"Yes I know Angel. Pero babae kayong dalawa at isa pa, kung naroon si Kuya Markus mo hindi naman ako makikiusap kay Arkiel." I sighed
       
         
Tumango na lang sa kagustuhan ni Mommy. Kahit anong pilit ko na iwasan si Arkiel ay ang hirap n'on dahil malapit siya sa pamilya ko lalo na kay Kuya Markus. At iyon ang ayaw ko, hindi niya ako respondibilidad. I am just a burden, kahit sabihin niyang hindi, iyon naman ang nararamdaman ko.
       
         
"Ihahatid kayo ni Arkiel mamaya. Ingat ka roon, anak. No liquors." Ngumiti na lang ako at tumango.
       
         
Humalik ako sa kaniyang pisngi saka nagpaalam.
       
         
Bago mag alas siyete ay naihatid na ako ni Manong, naroon na rin sa labas si Angel nang makarating kami sa bahay nina Venice. Angel's wearing her long brown skirt paired with her sneakers and a white crop puffed sleeves top. Bumagay ang damit ni Angel sa kaniya, tumangkad siya lalo. Tiningnan ko ang suot, I am wearing a color sage square collar long sleeve dress na lumampas sa aking tuhod, I paired it with my white flat sandals.
       
         
"You're gorgeous!" Ngumiti ako kay Angel.
       
         
"Mas maganda ka, Angel." Ngumisi siya. Pumasok kami sa loob at agad na hinanap ng mga mata ko si Venice. Babatiin namin siya ng happy birthday at ibibigay ko na rin ang regalo ko. Nakita ko siya na may kausap na iba.
       
         
She's very beautiful. Lalo na sa suot niyang putting off shoulder fitted dress above the knee, na may hindi kahabaang slit sa gilid, with her black stilletos. Napaka sexy niya sa suot.
       
         
Napansin niya atang may nakatitig sa kaniya kaya mabilis siyang lumingon sa banda namin. Ngumiti ako, ngumiti rin siya at kumaway saka naglakad palapit sa amin.
       
         
"Happy Birthday, Venice." Bungad ko.
       
         
"Happy Birthday." Si Angel
       
         
Nagpasalamat siya sa amin ni Angel, "I'm glad you're both here. Doon kayo sa table namin. Tara." Sumunod naman kami sa kaniya.
       
         
It was a round table at naroon na sina Arkiel. Kumaway iyong isang babae sa akin na kilala ko ata pero nakalimutan ko na, kumaway na lang rin ako at ngumiti. Pinaupo kami ni Venice at napansin kong ang bakanteng upuan ay iyong sa tabi ni Arkiel. Naunang umupo si Angel, she didn't sit beside Arkiel dahil hindi nga naman niya iyon ka close kaya wala na rin akong nagawa kun'di umupo roon.
       
         
"Anyways iyong gift, doon niyo ilagay." Tumango ako. Tatayo na sana nang agawin ni Arkiel ang paper bag na dala ko.
       
         
"Ako na." Dahil naagaw naman niya ay wala na akong nagawa.
       
         
"Iyong sa'yo ako na rin ang maglalagay doon." Tumango si Angel at nagpasalamat.
       
         
"Mabait naman pala, ba't nag aaway kayo?" bulong ni Angel.
       
         
Umiling lang ako.
       
         
"In-add kita sa facebook, Elissa! Grabe ah, dalawang buwan na hindi pa rin ako na accept." Nahihiya akong ngumiti roon sa isang lalaki, paano ko i a-accept kung hindi ko naman kilala?
       
         
"Uh...ano ba ang pangalan mo?"
       
         
Nag tawanan sila, nahiya agad ako. Maski si Angel ay nakitawa rin.
       
         
"Tanga mo naman pre. Kaya naman pala 'di ka ina-accept." Tinukso siya ng mga kaibigan niya kaya lalo akong nahiya. Nakabalik na si Arkiel at naupo.
       
         
"Felix." Naglahad ito ng kamay, tinanggap ko iyon at bumitaw din agad.
       
         
"Elissa huwag kang mag ti-tiwala sa mga 'yan." Iyong isang babae. Parang naaalala ko na, Kyla? I'm sorry if I'm wrong but I'm not good with names.
       
         
"Uh, ayos lang." Ngumiti ako ng bahagya.
       
         
"I accept mo na raw, Elissa." Si Lorcan iyon, tumatawa.
       
         
"Uh, oo. Sandali."
       
         
Kinuha ko ang cellphone at binuksan ang facebook. Sa dami ng friend request ay nahirapan pa akong hanapin.
       
         
"Felix Sarmiento?" naghiyawan sila, hindi ko alam kung bakit.
       
         
"Oo 'yan." Tumango ako at in-accept iyon.
       
         
"Okay na." Tinukso ulit nila si Felix, hindi na ako umimik. Napansin kong naka close agad ni Angel iyong katabi niya dahil nagtatawanan na sila. She really is friendly.
       
         
"Arkiel, isumbong mo kay Markus! Popormahan pa ata ni Felix ang kapatid niya!" humalakhak si Samuel.
       
         
"Gago!" Reklamo ni Felix.
       
         
Hindi umimik si Arkiel. Mabuti pa nga.
       
         
"Elissa, kamusta pala ang Kuya mo?" Isang babae ang nagtanong, hindi ko kilala ngunit ngumiti pa rin ako at tumango.
       
         
"Maayos naman, nag start na ang klase nila noong isang linggo."
       
         
"May plano raw bang umuwi?"
       
         
"Siguro, sa birthday ko. Hindi pa sigurado pero may balak siyang umuwi."
       
         
"Kailan ang birthday mo?"
       
         
"Sa susunod pa na buwan." Ngumiti ako
       
         
"Invited ba kami?" humalakhak siya. Mukhang narinig iyon ng ilan kaya nagtanong na rin sila kung invited ba sila.
       
         
"Uh, sige. Magbibigay ako ng invitation kapag malapit na."
       
         
"'Yon! Pupunta kami." Ngumiti ako nang bahagya at tumango. Ilang tanong pa ang itinanong sa akin hanggang sa nag kaniya kaniya na silang kuwentuhan.
       
         
Venice is turning 19, wala ng program pero kumanta pa rin siya ng isang beses sa harap at sobrang ganda ng boses niya. Almost perfect, I wonder kung may hindi ba siya kayang gawin? Naririnig ko rin kasi na magaling siyang sumayaw.
       
         
Nagsimulang i-serve ang pagkain. Mabilis akong nagpasalamat sa nag serve saka sinimulan ng kumain.
       
         
"Sandali, Elissa. Rest room lang." Tumayo si Angel. Tatayo na rin sana ako para samahan siya pero pinigilan niya ako.
       
         
"Kaya ko na. Saglit lang ako." Tumango ako. Kinuha ko ang table napkin na nakalagay sa gilid at marahang ipinunas iyon sa gilid ng aking labi, tapos na akong kumain. Tinignan ko ang oras sa suot na relo. Alas otso pa lang. Halos kalahating oras pa lang nang makarating kami rito.
       
         
"May gusto ka pa?" Nilingon ko si Arkiel at mabilis na umiling.
       
         
"Tapos na ako." Umiwas ako ng tingin. Napansin niya iyon kaya tinawag niya ako.
       
         
"Elissa." Matigas ang tono niya, nilingon ko siya. Inaantay ang sasabihin niya.
       
         
"You're avoiding me." Hindi iyon tanong, alam niyang iniiwasan ko siya.
       
         
"Hindi, Arkiel." Kahit halata naman ay itinanggi ko pa rin.
       
         
"You're lying." Madilim ang titig nito sa akin kaya umiwas ako ng tingin at ibinaling iyon sa ilang ka table namin na busy sa pag k-kwentuhan.
       
         
"I am not." sagot ko, hindi tumitingin sa kaniya
       
         
"Then why are you not talking to me?"
       
         
"Nag uusap tayo ngayon." Kumunot ang noo ko, naiirita na.
       
         
"May nagawa ba ako? Anong hindi mo nagustuhan?" Nilingon ko siya
       
         
"Wala, Arkiel. Hindi kita iniiwasan."
       
         
"Then you're mad?"
       
         
"Hindi ako galit." Bumuntong hininga ako para pakalmahin ang sarili. Nakakainis.
       
         
"I'm sorry." Marahan niyang sabi, he looks frustated. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ako umimik. Siya pa ang naiinis? Bakit naman siya maiinis sa'kin?
       
         
"Elissa." Nalipat ang atensiyon ko nang tawagin ako ni Felix.
       
         
"Can I have your number?"
       
         
"Hoy Felix makunteto ka sa facebook!" asar ng mga kaklase niya. Nagtawanan sila at inaasar na si Felix sa akin.
       
         
That's it, hindi na ako kumportable. Ang tagal naman ni Angel. Hindi ko kayang sagutin ang mga ganiyang tanong lalo na't maraming nang aasar. Ang ingay na iyon ay natahimik nang magsalita si Arkiel.
       
         
"Don't ask for her number while I'm listening, Sarmiento."
       
         
       
         
       
         

After HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon