Nilubayan ko ang shrimp at kumuha ng iba pang sea food. Busog na busog ako nang matapos. Hindi namin gaanong naubos lahat dahil apat lang naman kami at ang dami nga.
"May gusto ka bang puntahan, Elissa?" Tanong agad ni Kuya Markus.
"Wala naman Kuya. Busog pa ako, ayokong maglakad." Tumango tango siya.
"May pupuntahan lang kami ni Anaia, ayos lang ba?" Mabilis akong tumango.
"So let's just rest for half an hour, tapos magkita kita ulit tayo dito. Arkiel wala ka namang gagawin 'diba? Kung dinala mo sana si Venice e'di may ka date ka!" Tumawa si Kuya sa biro niya. Sinaway agad siya ni Anaia dahil hindi naman natutuwa si Arkiel.
"Shut up, lover boy." Ngumisi si Arkiel.
"Tara na nga Anaia. Selos ka lang wala kang love life gago!"
"Elissa alis muna kami." Hinalikan ako ni Kuya sa noo, kumaway sa'kin si Anaia kaya kumaway ako pabalik.
"Ingat, enjoy!" Pahabol ko.
Nilingon ko si Arkiel at nakitang nakatingin na rin ito sa'kin, ano namang gagawin namin dito sa loob ng kalahating oras?
"Do you want to surf?"
"Hindi ako marunong." Mabilis kong tanggi.
"I'll teach you." Nagulat ako roon, umiling ulit ako.
"Ayoko, Arkiel. Hindi ko kaya. Ikaw na lang." Tumango siya at kumuha ng board sa di kalayuan, tinakbo niya iyon hanggang sa bigyan siya ng isang crew ng board.
"Aalalayan lang kita." Sabi niya pagka balik, umiling ulit ako, hindi ako sporty. At isa pa clumsy ako masiyado kahit professional pa siguro ang magturo sa'kin ay hindi ko kakayanin.
"Ikaw na lang, Arkiel."
"As you wish."
"Good luck, ingat." Ngumisi siya saka kumindat, uminit ang pisngi ko dahil sobrang guwapo niya habang ginagawa iyon.
Inayos niya ang leash ng board sa kaniyang paa saka naglakad sa dagat. Lumapit ako roon at huminto lang hanggang ang paa ko ay nababasa na ng tubig. Pinanuod ko kung paano sakyan ni Arkiel nang padapa ang board at pag paddle, manghang mangha ako nang tumayo siya sa board at sumabay sa alon, pumalakpak ako nang makitang nag free style pa ito.
"How's that?" Tanong niya nang makalapit sa akin.
"Ang galing mo!"
"So wanna learn from me?" Tumawa ako at mabilis na umiling. Sumimangot siya at ginawa ulit ang ginawa niya kanina.
Hindi nagtagal ay huminto na ito, sinamahan ko siyang ibalik ang board saka inabutan ng towel na dala dala ko na kanina pa. Inabot niya iyon at nagpunas ng sarili. Nagpahinga kami sa cottage habang tinutuyo niya ang sarili. May dalawang staff na pumasok roon at binati kami.
"Good morning po, Sir Ma'am. Musta naman ang experience niyo rito sa Isla?"
"Ayos lang po, nag enjoy kami." Ako na ang sumagot, ngumiti iyong babae sa'kin may dala siyang camera.
"Pwede po bang kunan namin kayo ng picture ni Sir, Ma'am? Documentation lang po. Ilalagay din namin sa website namin."
Pumayag ako sa gusto nilang mangyari. Lumabas kami ng cottage at sinabi nilang mas maganda raw kung iyong dagat ang background. Ginawa namin ni Arkiel ang gusto nila.
Ngumiti ako sa camera, bumilang iyong babae at nag take ng ilang shots. Nang matapos ay lumipat kami sa pinaka entrance ng isla at kinuhaan din kami ng pictures doon.
"Okay na po Ma'am, Sir. Thank you po. Visit niyo na lang po iyong website namin." May binigay silang card at tinanggap naman namin iyon ni Arkiel.
Nagpasalamat din kami saka bumalik sa cottage, naroon na sila Kuya Markus at Anaia. Malayo pa lang ay kumaway na ako.
"Saan kayo galing?" Salubong ni Kuya Markus.
"P-in-icturan kami, Kuya. For documentation daw. Sayang wala kayo." Ngumiti si Kuya Markus.
"Ayos lang." Ngiting ngiting sabi niya, pagkatapos ay lumapit sa akin para bumulong.
"May girlfriend na ako." Namilog ang mata ko at napatingin kay Anaia. Namumula ito habang nahihiyang ngumiti.
"Really?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango si Kuya, natatawa. May girlfriend na siya! Oh my gosh.
"Congrats!" Masayang sabi ko.
"Thanks, paano ba 'yan Arkiel. Bagal mo kasi e, 'di ka pa marunong." Tumawa si Kuya.
"Tss."
"Markus, 'wag mo nang biruin si Arkiel." Saway ni Anaia. Napatingin ako kay Arkiel, tumingin din ito sa akin at tinaasan ako ng kilay. Umiwas ako ng tingin.
"Tara na nga!" Natatawang sabi ni Kuya Markus. Sumunod kami sa kaniya, nasa likuran kami ni Arkiel habang sila ay sabay na naglalakad ni Anaia.
"Gago talaga." Bulong bulong ni Arkiel, tiningnan ko siya, kumunot ang noo ko.
"Hindi gago si Kuya." sabi ko sa kaniya, nalaglag ang panga niya at hindi makapaniwalang tiningnan ako.
Hindi ko siya pinansin at iniwan siya roon, sumabay ako kay Kuya Markus. Kumapit ako sa braso nito. Bahala siya riyan.
Binigyan muna kami ng life jacket at helmet. Nang maisuot iyon ay nagsimula na kaming maglakad hanggang sa marating namin ang entrance ng cave. Pinaalalahanan kaming madulas ang mga bato. Napahinto ako dahil doon. Napalunok ako nang makitang inaalalayan na ni Arkiel si Anaia.
So, paano ako? Natawa ako sa isip saka naglakad na lang mag isa. Hindi ko na lang muna sisirain ang unang araw ni Kuya na may girlfriend na.
"Ma'am alalayan ko na kayo, madudulas talaga mga bato rito."
"Thank you po." Humawak ako sa braso niya, saka niya ako inalalayan papasok ng cave. Mabuti na lang ay iyong drift sandals ang suot ko.
"Ako na." Biglang singit ni Arkiel, halos ma out balance pa ako nang tanggalin niya ang kamay ko sa braso ng isang tour guide namin. Mabilis ko siyang tiningnan ng masama.
"Muntik na akong madulas, Arkiel."
"Sige po, Sir. Pasensya na." Iyong tour guide. Tiningnan ko siya at nagpasalamat.
"Sige po ma'am, pasensya na at nag selos ang boyfriend niyo."
"Hindi ko po siya boyfriend." Mabilis kong sagot. Humingi ulit ito ng pasensya saka nauna na sa'ming maglakad.
Binawi ko ang braso ko na hawak ni Arkiel.
"Kaya ko." Iniwan ko siya roon at dahan dahang naglakad, nahabol naman niya ako agad.
"Kapag 'yong tour guide ang umaalalay okay lang? Kapag siya hindi mo kaya, kapag ako na kaya mo na?"
What?!
Tiningnan ko lang siya na parang nababaliw na siya sa mga pinagsasabi niya saka ako maingat na naglakad ulit. Hindi siya maintindihan kaya bahala siya riyan!
"Elissa!" Huminto ako at nilingon siya, galit na ang ekspresyon nito. Naroon pa rin siya sa pwesto niya.
"What?"
"Antayin mo ako." Lalong kumunot ang noo ko dahil bakit kanina pa ay hindi pa siya naglakad?
"Bilisan mo kasi." Naiinip ako sa kaniya, parang babae.
"Are you gay?" Biglang tanong ko, agad tumalim ang titig niya kaya itinikom ko ang bibig.
Nang makalapit siya sa akin ay agad niyang kinuha ang kamay ko, kumunot ang noo ko at tinignan siya.
"Kaya ko nga."
"Hindi mo kaya." Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya.
"Bakit ikaw ang nagsasabi kung kaya ko o hindi?" Naglakad kaming pareho dahil naiiwan na kami at hindi naman namin alam ang destinasyon namin kung saan.
"Because it's obvious, baby." Tiningnan ko siya nang masama saka hindi na umimik.
Palibhasa gusto ko siya, kaya isang salita lang galing sa kaniya ay napapatikom na ako ng bibig. Sana talaga ay matapos na ang bakasyon na ito at nang hindi na kami magkita ulit, para naman makalimutan ko na siya. Dahil wala na siyang ibang ginawa kun'di paasahin ako.
"Ang bagal niyo!" Reklamo ni Kuya nang sa wakas ay marating namin ang hot spring.
Gusto kong sabihin na ang bagal ni Arkiel pero hindi ko na ginawa.
"Sorry, Kuya." Iyon lang ang nasabi ko, nilapitan niya agad ako at lumambot ang ekspresyon niya. Parang naalala niyang hindi niya ako nasamahan.
Ayos lang naman iyon, ayaw ko lang talaga na maramdaman ni Kuya na napapabayaan niya ako.
"Sorry naiwan ka." Bulong niya. Ngumiti ako at umiling. Tinanggal niya ang lock ng life jacket at helmet ko. Nang matanggal ko iyon ay inabot niya at inilagay sa gilid.
"Kuya, ayos lang talaga. You should spend more time with your girlfriend." Napangiti siya ng marinig ang salitang girlfriend. Natawa ako sa reaksiyon niya.
"See? Kaya ko na ang sarili ko. Good luck, enjoy kayo, maliligo ako roon. Hindi naman malalim e."
"Okay, basta mag ingat ka." Tumango ako, saka lumayo roon sa kanila ni Anaia.
They need to spend time together dahil kakasagot pa lang niya kay Kuya. And I don't want to steal Kuya from her. Taga roon din siya sa amin ibig sabihin kapag natapos ang bakasyon ay hindi na rin sila magkikita ulit.
"You're going to swim?" Tumango ako kay Arkiel nang makasalubong siya.
Hinubad ko ang drift sandals na suot saka naglakad sa batong hagdan pababa. Bumalot agad sa katawan ko ang init. Parang naging pool iyon sa gitna ng cave, umuusok ang tubig dahil sa init.
In-adjust ko ang sarili sa init at noong nasanay na ay umupo na ako hanggang sa hanggang leeg na lang ang tubig. Napatingin ako kay Arkiel na ngayon ay top less na. Dapat ay sanay na ako sa mga gan'ong view dahil lagi ko namang nakikita si Kuya, ngunit bakit kinakabahan ako kapag kay Arkiel? Malamang siguro dahil gusto ko siya.
"Bakit dito ka?" Tanong ko para maitago ang pamumula ng pisngi. Tinaasan niya ako ng kilay.
"Am I not allowed to swim here?" Dahil may punto siya ay umiwas na lang ako ng tingin at lumangoy palayo sa kaniya. Mula sa pwesto ko ay kita kong masayang nag uusap sila Kuya Markus at Anaia. Hindi ko na lang sila pinansin dahil baka maistorbo ko pa.
Lumangoy ulit ako at sa pag ahon ko ay agad bumungad sa akin si Arkiel. Sa sobrang lapit niya ay naitulak ko siya. Imbis na siya ang mapa atras ay ako pa dahil malakas siya.
"Bakit ang init ng ulo mo sa'kin?" Tinaasan niya ako ng kilay, parang nanghahamon pa.
"Susuntukin mo ba ako? Isusumbong kita kay Kuya!" Nalaglag ang panga niya sa naging reaksiyon ko.
Alam ko namang hindi niya ako susuntukin, hindi ko rin alam bakit lumabas iyon sa bibig ko.
"What makes you think of that, Elissa?" Inis niyang tanong.
"Because you look so mad!" Lumayo ako sa kaniya, pero lumapit naman siya.
"I'm mad because you're not talking to me nicely!" Kumunot ang noo ko, siya nga ang hindi nakikipag usap ng maayos e! Parang nanghahamon pa ng away.
"What happened to my sweet and kind Elissa? Bakit ang sungit na ng kausap ko?" I swallowed hard, ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.
"Because I can't understand you!"
"Anong hindi mo maintindihan?" Tiningnan ko lang siya at hindi sinagot. Umiwas ako ng tingin at napatingin kila Kuya at Anaia sa kalayuan na masayang nag uusap.
Kung nasa tamang edad na ba ako at nakilala ko si Arkiel sa mga panahong 'yon ay may chance ba na ganiyan din kami kasaya? Napailing ako. That's impossible.
Siguro ay hindi si Arkiel ang para sa akin. I believe God has a perfect plan for everyone. He'll give the right person to me, in a right time. Hindi ngayon, Arkiel is there just to confuse me, baka sinusubok lang ako ni God para sa tamang tao na nakalaan para sa'kin.
"Elissa, answer me." Bumalik ang tingin ko kay Arkiel.
"Lahat, Arkiel. Lahat ng ginagawa mo hindi ko maintindihan!" Tinitigan ko siya dahil ang madilim niyang mga mata ay titig na titig din sa akin. Lumambot bigla ang ekspresyon nito.
"Fine, sorry na. Huwag ka nang magalit." Parang bata nitong sabi.
Oh come on Elissa! Isang ganiyan niya lang at nakakalimutan mo na lahat ng mga sinabi mo? Nakalimutan mo na agad na kailangan mo siyang iwasan?
"Ewan s-sa'yo!" Tinalsikan ko siya ng tubig saka lumangoy palayo.
"You smiled!" Natatawang sigaw niya pag ka ahon ko sa tubig.
"Wala kaya." Tanggi ko, alam kong namumula ang pisngi ko pero iisipin ko na lang na dahil iyon sa init ng tubig.
"U-huh, and pigs are blue." Natatawang sabi niya. Napanguso ako at lumangoy na lang ulit.
"See? You're very obvious." Hinayaan ko siyang magsalita, bahala siya. Nakakainis dahil kayang kaya niya akong pangitiin agad. Dapat ay naiinis ako sa kaniya dahil lagi na lang niyang ginugulo ang isip ko.
"Come on, bati na tayo. Nag sorry na ako!" Frustrated niyang sabi.
"Bakit ka nag s-sorry?"
"Dahil akala mo ay galit ako?" Patanong niyang sagot, natawa ako.
"So hindi ka galit?"
"No, baby." Umiwas agad ako ng tingin.
"E b-bakit naiinis ka?" Halos itakwil ko ang sarili nang mautal pa.
"Hindi mo ako kinakausap ng maayos." Marahan niyang paliwanag, nilingon ko siya.
"E kasi nga parang galit ka."
"Yes, to think that you need the tour guide more than me."
"What?" Takang tanong ko, ano namang kinalaman ng tour guide dito.
"You don't need a tour guide, Elissa. I'm here, you only need me." Napangiti ako dahil doon.
Masakit mang isipin na hindi kami pwede, na imposibleng maging kami at imposibleng magustuhan niya rin ako, maybe I'll just treasure this moments with him...
Until I find the right man for me...
But if he finds the right person for him before I find mine, then I'll be happy and will support them. I just have to accept that not everyone who meets with another is destined. Others are just coincidences...just like us.